MHSS 28

24.6K 874 307
                                    

Zairel Louise Musca

Pag gising ko kinaumagahan ang sakit ng ulo ko. Parang pinipiga at tinutusok.

"Arghhh." daing ko at hinawakan ng dalawang kamay ko ang ulo ko habang nakapikit. Nagpaikot-ikot pako sa higaan hanggang sa....

"Aray!!!" sabay hawak ko sa likod ko na nasaktan. Dumilat ako at napansin nasa sahig na. Nahulog pala ako sa kama. Stupid!

Ika-ika pa ako bumangon at naupo sa kama. Nanghihina ang buong kalamnan ko kaya pabagsak ako muli nahiga sa kama para sana matulog ulet.

Ano ba nangyare?

Bakit parang wala ako maalala??

Medyo sumasakit na naman ang ulo ko ng pilitin ko alalahanin ang nangyare kagabi.

Sinikap ko bumangon at kinuha ang tuwalya naka sabit sa gilid saka dumeritso sa cr.

Matapos mag shower at makapag bihis tinignan ko ang oras sa relo.

1140am??!!!!

Tinanghali na pala ko ng gising. Habang naliligo ako kanina sa cr naalala ko na inaya pala kami uminom ni Ms.Zehra habang nag kwe-kwento siya ng love story nila ng asawa niya.

Napadami yata ako kaya heto at may hangover ako ngayon.

Tinignan ko ang kabilang kama. Wala doon si Lanèa at maayos na ang unan at nakatupi na din ang kumot.

Ite-text ko sana siya kaso ng tignan ko ang phone ko wala pa din signal. Naisip ko ng lumabas at bumaba.

Nakita ko si Ms. Zehra na prenteng nakaupo sa living room habang nagbabasa ng newspaper.

Bigla ako nahiya ng mapansin niya ako pababa ng hagdan. "Pasensya na po tinanghali ako ng gising." hingi paumanhin ko.

Subalit ngumiti lang ito sa akin. "Coffee or cold juice?" alok nito.

"Coffee na lang po."

Tinawag naman niya si manang at dali-dali kumuha ng kape sa kusina.

"Salamat po." nag thank you ako sa ginang ng maabot ang tasa ng kape. Naupo na din ako sa katapat na upuan niya.

Matapos humigop bigla ko naalala si Lanèa. Nasaan kaya ang isang yun?

"Uhm si Lanèa po? Wala kasi siya sa kama niya." magalang na tanong ko.

Nagtaka naman ito. "Maaga pa lang nagpaalam na siya na mauuna ng umalis. Hindi ko nga alam bakit nagmamadali."

"Po??!"

Nagulat ako ng malaman nauna ng umuwi si Lanèa. Bakit naman niya ako iniwan at hindi ginising man lang.

Bigla ako nakaramdam ng inis pero bigla ito nawala ng magsalita muli si Ms.Zehra.

"Nag-away ba kayo? Parang kagabi lang ang saya-saya niyo tignan." napatawa ito ng mahina saka muli nagsalita. "Sa totoo lang kung hindi ko iisipin ikakasal ang parents niyo sasabihin ko na para kayo couple dalawa." dagdag pa nito na naka ngiti.

Namula yata ako bigla.

"Ah e.. naku malabo po yun sukdulan ang pagka asiwa sa akin nun." sabay tawa ko para mawala ang hiya.

Bakit naman niya naisip yun? Jusko.

Tumitig naman ito ng seryoso sa akin. "Alam ko hindi maganda ang naisip ko sainyong dalawa dahil mag step-sister kayo. Pero kasi.....  may kakaiba sa kinikilos niyo kagabi." makahulugan na sabi nito.

Ewan ko bakit parang may hindi maganda siguro nangyare kagabi. Napa higop ako muli ng kape. Napa isip ako ng mabuti pero medyo blangko pa ang lahat.

"Hindi ko po maalala ang nangyare kagabi." pag-amin ko at labis ang pangamba.

My Homophobic Step-sister (GXG)Where stories live. Discover now