Chapter 2

2.9K 211 161
                                    


Chapter 2: Chief Min


Mabilis na naglalakad ang Chief of Police papasok sa kanyang opisina habang tinatanggal ang kanyang itim na jacket, sumunod naman agad papasok si Detective Kim sa kanyang opisina kasama ang bagong pulis na si Jung Hoseok na may hawak na mga papeles.

"Chief eto po yung mga papeles na galing sa—"

"Pakilapag na lang dito sa desk ko at pakikuha ako ng kape."

Sumunod naman ang agad ang bagong pulis, maingat niyang inilapag ang mga papeles bago lumabas ng opisina para ipagtimpla ng kape si Chief, napatingin lang si Detective Kim dito at walang nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang kawawang bagong pulis. 

"Yoongi, bagong pulis yun hindi bagong secretary mo." Iritadong sabi ni Detective Kim.

"Can you please address me as Chief kapag nagtatrabaho tayo? I'm your fucking boss Namjoon." Malamig na sabi ni Yoongi habang hinihilot ang kanyang sintido.

"You're not my fucking boss." Giit ni Namjoon.

"Yes, I am!" Malakas na hinampas ni Yoongi ang desk dahilan para matahimik si Namjoon.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Anong nangyari sa sinabi ko sa'yong limang lalaki na tauhan ng mga Phoenix? Nakatakas ba?"

"Wala, patay." Simpleng sagot ni Yoongi habang nagsisindi ng sigarilyo.

Napakunot ang noo ni Namjoon dahil sa sinabi ni Yoongi, "what?!"

Napabuga lang ng usok si Yoongi bago niya itinaas ang paa niya sa kanyang desk, habang binabasa ang mga papeles na inilapat ni Officer Jung, hindi niya pinapansin si Namjoon.

"Yoongi! Anong ginawa mo?!" Sigaw ni Namjoon, halatang nagpapanic.

"Calm down, okay? Calm down, jeez." Ani Yoongi bago niya inilapag ulit ang mga papel sa desk, "nauna silang bumaril, self defense duh." 

Napahilot na lang si Namjoon sa bridge ng kanyang ilong para ikalma ang kanyang sarili, "alam mong hindi tayo makakakuha ng impormasyon tungkol sa mga Phoenix kung pinatay mo sila, wala tayong kahit anong ebidensya na nag-eexist sila, iyon na sana yung ebidensya, pinatay mo pa." 

"Anong magagawa ko? Umatake sila at isa pa, may isang makulit na batang lalaki doon sa eksena, kung hindi ko sila pinatay at nakita nila yun, malamang yung bata namang yun ang mamatay." Paliwanag ni Yoongi.

"What?! May nakakita sa inyong batang lalaki?!" Pa-hysteriang sigaw ni Namjoon, halatang nabibigla sa mga nalalaman niya.

"Hindi naman batang bata, teenager, estudyante sa B.G. Rose."

"Estudyante sa B.G. Rose?!" Mas lalong nagpanic si Namjoon.

Kakapasok pa lang ulit ni Jung Hoseok sa opisana hawak ang tasa ng kape ni Chief ay bumungad agad sa kanya ang naghihysteriang si Detective Kim, sumunod namang tumama ang paningin niya sa binti ni Chief na nakapatong sa desk.

Agad namula ang pisngi ni Officer Jung habang inilalapag niya ang tasa ng kape ni Chief sa desk nito.

"Thank you." Ani Chief bago siya bumuga ng usok at sumimsim ng kape.

"Oh wow." Napatingin si Chief sa kape bago siya napatingin kay Jung Hoseok, "good job, you're the one who will make my coffee from now on, Namjoon you suck."

Napasinghap naman agad si Detective Kim dahil sa sinabi ni Chief, "Seriously Yoongi, sino yung batang lalaking nakakita sa inyo? At paano mo nasisiguradong hindi magsasalita yun?"

Cute Girls with Guns (BTS Fanfiction)Where stories live. Discover now