Chapter 4

2.2K 209 167
                                    




Chapter 4: Wish


Unti unting minulat ni Jimin ang kanyang mata, kahit medyo malabo pa ang kanyang mga nakikita ay inilibot na agad niya ang kanyang paningin dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Marahan siyang tumayo sa kanyang kinahihigaan hanggang sa narealize niya na wala siyang suot na damit.

Agad siyang napahawak sa katawan niya at napatingin sa buong paligid pero mas malinaw na ang kanyang paningin kaya naman agad tumama ang paningin niya kay Yoonji na nakasuot ng malaking kulay puting shirt at nakamaiksing short, actually mukhang checkered boxer yun pero hindi masyadong pansin dahil sa kanyang malaking shirt na suot.

"N-Nasan ako?" Napahawak si Jimin sa kanyang ulo nang maramdaman niyang bahagya iyong kumirot.

"Nasa bahay ko." Tipid na sabi ni Yoonji bago siya naglapag ng dalawang tasa ng kape sa coffee table, tsaka pa lang narealize ni Jimin na nakahiga siya sa sofa at nasa isang sala siya.

Biglang nanlaki ang mata ni Jimin at napahawak sa kanyang bibig, "a-anong ginawa n-natin?"

Napataas ang kilay ni Yoonji dahil sa tinanong ni Jimin, halatang nagpapanic na si Jimin ngayon kaya naman inabutan siya ni Yoonji ng tasa ng kape. "Here, inumin mo muna 'to para lalo kang nerbyosin."

Napatingin si Jimin sa tasa ng kape bago niya kalmadong kinuha yun kay Yoonji.

"First of all, wag kang nag-aassume agad na may nangyari sa inyo ng isang tao kapag nagising ka sa bahay nila na walang suot, hindi ka ganun ka-gwapo, tandaan mo 'yan bata, di ka ganun ka-gwapo and lastly, sex agad? Di ba pwedeng hinimatay ka lang nung nakita mong binunot ko yung bala ng baril sa sugat ko?"

Natahimik bigla si Jimin, unti unti niyang naalala lahat ng nangyari kaya naman nahiya siyang bigla, nang makita ni Yoonji ang bahagyang pamumula sa pisngi ni Jimin ay bahagya siyang napangiti ng sarkastiko bago siya nagsindi ng sigarilyo.

"Woah, woah!" Gulat na sabi ni Jimin bago niya kinuha ang lighter kay Yoonji, "naninigarilyo ka?"

"Yeah, so?" Binawi ni Yoonji ang lighter kay Jimin at tinuluyang sinindihan ang sigarilyo.

"Bakit ka naninigarilyo? Masama sa katawan yun, alam mo ba na kada isang piraso ng sigarilyo nakakabawas ng tatlong minuto ng buhay mo, baka maaga kang mamatay kapag--"

"Edi ayos." Pagputol ni Yoonji sa sasabihin pa ni Jimin.

Magsasalita pa sana si Jimin pero pinigilan na lang niya ang sarili niya na magsalita, sumimsim na lang siya ng kape bago niya tiningnan si Yoonji na naninigarilyo habang nanunuod ng TV, pinagmamasdang mabuti ni Jimin si Yoonji, sa totoo lang si Yoonji ang pinakacute na babae na nakita niya, para sa kanya pero para bang napakadaming sikreto nito.

Napansin ni Yoonji na para bang may nakatingin sa kanya kaya naman mabilis niyang binalingan ng tingin si Jimin, mabilis namang umiwas ng tingin si Jimin at umarte na hindi niya tinititigan si Yoonji.

Inirapan lang siya ni Yoonji bago muling binalik ang atensyon niya sa kanyang pinapanuod.

"U-Ubusin ko lang yung k-kape tapos uuwi na ako baka nakakaabala na a-ako masyado." Nauutal na sabi ni Jimin,

"It's fine, you can stay here hanggang mag-umaga." Malamig na sabi ni Yoonji.

Natagilan saglit si Jimin dahil parang hindi masyadong nag-sink in sa utak niya ang sinabi ni Yoonji, hindi pa naman sila ganun kaclose para dito siya patulugin?

Napatingin si Jimin sa buong paligid at unti unting namula ang kanyang pisngi, mukhang silang dalawa lang ang tao sa bahay nito, isang buong gabi na silang dalawa lang magkasama at...

Cute Girls with Guns (BTS Fanfiction)Where stories live. Discover now