Chapter 31

1.2K 131 188
                                    


Author's Note:

Dapat ito na yung Epilogue pero lumagpas ng 10k words yung chapter na 'to kaya hinati ko na sila, dadagdagan ko na rin para umabot hanggang Chapter 35. Pasensya na kung natagalan ang pag-update ko sa story na 'to, babawi na lang ako guys. <3


___________________


Chapter 31: Jeon the Killing Machine


"Wait, wait, what?!"

Hindi makapaniwala si Yoongi sa sinabi ni Hoseok kaya't mabilis siyang tumingin kay Taehyung, hanggang sa unti unting bumagsak ang balikat ni Yoongi nang makita niyang umiiyak si Taehyung, nakayukom ang kamao nito at patuloy ang pagbagsak ng luha niya.

"T-Taehyung..." Mahinang tawag ni Jungkook dito pero hindi sumagot si Taehyung, nagpatuloy lang ito sa pag-iyak.

"P-Please tell me, i-it's not you..." Akmang lalapit si Yoongi kay Taehyung pero mabilis na lumayo sa kanya si Taehyung.

"I don't know!" Malakas na sigaw ni Taehyung na umecho sa buong laboratory, "h-hindi ko alam Yoongi, h-hindi ko alam..."

"Anong ibig mong sabihin sa hindi mo alam? Taehyung kilala mo yung mga magulang mo, kapatid ka ni Seokjin hindi pwedeng—"

"Hindi ako kapatid ni Dr. Kim!" Sigaw pa ni Taehyung kaya't mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Yoongi, walang naglalakas loob na magsalita sa kanila bukod kay Yoongi.

"A-Ano bang sinasabi mo? Taehyung magkapatid kayo—"

"Hindi nga! Hindi nga sabi!" Napapaurong sa takot si Taehyung, "hindi ko alam kung sino ako, hindi ko totoong kapatid si Dr. Kim, hindi ko totoong mga magulang ang mga magulang niya, lumaki ako sa loob ng isang malaking mansyon at hindi ako lumalabas, itinatago lang nila ako, hindi ko alam kung bakit!" Unti unting bumuhos ang luha sa mga mata ni Taehyung.

"Binata na ako nang magkakilala kami ni Dr. Kim, alam ko lang na may kapatid ako na nasa ibang bansa pero hindi ko siya kilala..." Mabilis na pinunasan ni Taehyung ang mga luha sa mata niya, "10 years old ako nang malaman kong hindi ko totoong mga magulang ang mga magulang ko, aksidente ko lang nalaman yun nang marinig ko silang nag-uusap sa kwarto, nung una hindi ako naniniwala sa mga naririnig kong usap-usapan ng mga maid na hindi ako totoong anak."

"Hanggang sa dumating na nga si Dr. Kim, kinuha niya ako at sa kanya na ako nakatira, doon na ako simulang nakalabas na ng bahay, noon na lang rin ako nakapag-aral sa eskwelahan dahil buong buhay ko ay homeschooled ako, doon ko nakilala si Jimin..." Dahan dahang napatingin si Taehyung kay Jimin na hindi rin mawala ang tingin sa kanya, "si Jimin ang unang naging kaibigan ko, ang una't huling kaibigan ko, kapag kasama ko siya pakiramdam ko malaya ako..."

"Kaya ayun! Iyon ang dahilan kung bakit ayokong umuwi sa bahay, ayokong tumira kasama si Dr. Kim kasi alam kong nagsisinungaling lang rin siya sa akin, hindi ko siya totoong kapatid, pero dahil tutal malaya na ako kaya hindi na ako umuuwi sa bahay, ayoko na ng pakiramdam na nakakulong at napapalibutan ng kasinungalingan."

"K-Kaya baka nga tama ka..." Napatingin si Taehyung kay Hoseok, ngumiti siya dito kahit nakatutok pa rin sa kanya ang baril, "baka nga tama ka na ako nga ang hinahanap nila."

Napayuko si Taehyung, "kasi kahit ako hindi ko alam kung sino nga ba talaga ako."

"T-Taehyung, hindi—"

Cute Girls with Guns (BTS Fanfiction)Where stories live. Discover now