Chapter 35

1K 120 230
                                    


Chapter 35: Pero


"Nandito ako!"

Sumigaw si Namjoon ng malakas dahilan kung bakit napunta ang atensyon ng mga taong may mga dalang itak, kanina pa siya hinahanap ng mga ito, iniwan na niya si Seokjin sa loob ng laboratory kanina dahil may nagpaulan ng bala, at kung hindi siya nagkakamali ay narinig niyang si Jungkook iyon.

Kaya naman buong akala ni Namjoon ay si Jungkook ang sagot sa mga tanong nila.

Pero nang makita niya ang mga tao na tumigil nang makita siya ay mukhang nagkakamali siya na si Jungkook ang hinahanap ng mga ito, dahil ang isa sa kanila ay may hawak ng picture ni Jimin. Nagkatinginan sila ng mga tao, hindi siya inaatake ng mga ito kaya naman mas pinili na niyang magsalita.

"Sinong hinahanap niyo?" Tanong ni Namjoon dahilan kung bakit mabilis na umayos ng tayo ang mga tao na para bang handa siyang sugurin sa oras na gumawa siya ng masama.

Itinaas ni Namjoon ang kamay niya, pansin niya na mukhang gumaan ang loob nila ng itinaas ni Namjoon ang kamay niya sa ere.

"Si Park Jimin ba 'yan?"

Nagkatinginan ang mga tao.

"Kilala mo ba ang lalaking ito?! Kasama ka ba niya?!" Sumigaw ang isa sa kanila, parang leader ng mga grupo nila.

"Siya ba?" Sigaw ni Namjoon, "Siya ba ang hinahanap niyo? Siya ba yung anak ni Phoenix?!"

"Paano mo nakilala si Phoenix?!"

Napatingin si Namjoon sa mga ito bago niya dahan dahang inilabas ang I.D. niya, "Pulis ako!"

Base sa reaksyon ng mga tao ay halatang nagulat sila, halatang hindi rin nila nagustuhan na pulis si Namjoon kaya naman mabilis nilang inayos ulit ang kanilang mga hawak na patalim.

"Hindi ako kalaban!" Sigaw ni Namjoon sa sobrang takot sa biglang pagkilos ng mga ito, "alam ko naman na pare-pareho tayo ng gustong mangyari, gusto nating mahuli si Park Jimin."

"Gusto naming mahuli si Park Jimin dahil gusto namin siyang patayin! Gusto namin siyang parusahan sa ginawa niya sa aming leader na si Pheonix!" Sigaw ng isa sa mga matatandang kabilang sa grupo, "samantalang ikaw! Gusto mo siyang hulihihin para lamang dalhin sa presinto! Kaya't hindi mo kami makakasundo, sa amin ang katawan ng batang 'yun!"

"Kung ganoon wala na ba akong ibang choice?" Tanong ni Namjoon ng ibaba niya ang kamay niya na naka-angat sa ere.

"Bago ka pa makapagsumbong sa itaas, papatayin ka na namin." Sigaw pa nito.

"Talaga?" Bored na tanong ni Namjoon habang binubunot ang baril sa kanyang bulsa.

Literal na nagkasa pa siya ng baril sa harap ng mga ito, kaya naman hindi agad sila nakakilos dahil natawa sila sa lakas ng loob ni Namjoon, kahit na nga ba may baril siya ay paniguradong hindi niya mapapatay ang lahat ng nandoon, at bago pa siya makapatay ng sampung tao, paniguradong nasaksak na siya ng mga ito.

Kaya naman napabuntong hininga na lang si Namjoon bago niya mabilis na binaril ang isa sa mga ito, dahilan kung bakit napatigil ang lahat at mabilis na napatingin kay Namjoon.

"Hayop ka!" Sigaw ng isa, kaya naman mabilis na nagtatakbo ang mga ito patungo kay Namjoon pero bago pa makalapit ang mga ito kay Namjoon ay mabilis silang napahinto lahat.

Dahil may humarang kay Namjoon, at hindi nila inakala na ito ang tutulong kay Namjoon.

"B-Birkin—"

Cute Girls with Guns (BTS Fanfiction)Where stories live. Discover now