Chapter 28

1.6K 149 172
                                    


Chapter 28: Love is worst than manipulation


"W-Wow..." 

Nakanganga si Namjoon habang pinagmamasdan niya ang mga ginawa ni Taehyung na armas gamit ang mga pinagtagpi tagping bagay na hindi mo aakalain na may pakinabang pa pala, habang si Yoongi naman ay walang reaksyon at naupo na lang sa sofa, halatang stress pa rin sa mga nangyayari.

"Ikaw ang gumawa nitong lahat?" Hindi makapaniwalang tanong ni Namjoon.

"Yup." Proud na sabi ni Taehyung, napangiti naman si Seokjin nang lumapit ito kay Namjoon.

"I told you, he's smart." Tinapid ni Dr. Kim ang braso ni Detective Kim bago ito bumalik sa kusina, "okay guys! The dinner is ready!" Sigaw nito kaya naman mabilis na naglakad si Hoseok patungo sa kusina, ganun rin si Taehyung na excited ng kumain.

"So, what happened? Nag-alala ako sa inyo, akala ko patay na kayo, ang tagal nyong bumalik." Ani Hoseok nang makaupo na siya sa upuan. 

Napatingin si Yoongi sa kanila bago ito naglakad na rin patungo sa kusina, "may nakita kaming lalaki, may mga sinabi siya sa amin, possibly connected sa nangyayaring apocalypse ngayon."

"Ano yun?" Napataas ang kilay ni Officer Jung.

"Mamaya na namin sasabihin after nating kumain, ayokong mawalan ng gana sa pagkain lalo na at nagugutom na rin ako." Ani Yoongi bago naupo na rin sa upuan, "by the way Taehyung..."

Napatingin agad si Taehyung kay Yoongi nang banggitin nito ang pangalan niya.

"Alam mo ba kung nasaan si Jimin?"

Napabuntong hininga si Taehyung nang marinig niya ang pangalan ni Jimin, "mamaya na natin siya pag-usapan or else ako naman ang mawalan ng gana sa pagkain." Sagot nito.

"Why? Did he do something to you?" Nagtaas ng kilay si Yoongi sa kanya.

"Yoongi, mamaya na pagkatapos kumain, please." Mahina pero mariin na sabi ni Namjoon nang makita niyang sumama ang tingin ni Seokjin kay Yoongi.

"Bakit ba? Ano bang gusto mong malaman sa kanya? Nasa gitna na tayo ng apocalypse pero iniintindi mo pa siya? He doesn't even care about you!" Sigaw ni Taehyung, napatingin sa kanya si Seokjin dahil hindi niya inexpect ang naging behavior ni Taehyung.

Pati kay Yoongi ay hindi nakaligtas ang pag-iisip niya kung bakit biglang tumaas ang boses ni Taehyung nang marinig lang nito ang pangalan ni Jimin, para bang alam na niyang may nangyaring hindi maganda sa dalawa.

"Taehyung." Mahina pero mariin na banta ni Seokjin, ayaw niya kasi na nagkakaroon ng attitude si Taehyung.

"No, gusto ko lang malaman kung alam mo kung nasaan siya, you're his best friend, right?" Kalmadong tanong ni Yoongi pero in fact, mas lalo niya lang talagang sinasagad si Taehyung dahil sa reaksyon pa lang nito ay alam na niyang nagkaroon ng alitan ang dalawa.

"I'm not his best friend anymore!" Napahampas ng malakas si Taehyung sa table kaya napatahimik ang lahat.

"Kim. Tae. Hyung." Pinagdidiinan ni Seokjin ang bawat syllables ng pangalan ni Taehyung para ipakita na hindi na siya natutuwa sa behavior nito.

"Oh, really?" Bakas sa tono ni Yoongi ang pang-aasar pa nito.

"Yoongi, please." Mariin naman na bulong ni Namjoon habang si Hoseok ay hindi alam ang gagawin niya dahil nalilito pa rin siya sa mga nangyayari.

"Ngayong hindi na kami mag best friend ni Jimin, do you want to be his best friend? Hmm?" Sarkastiko namang tanong ni Taehyung kaya't napahawak na lang si Seokjin sa sintido niya para hilutin iyon, hindi siya makapaniwalang nagtatalo si Yoongi at Taehyung dahil lang kay Jimin.

Cute Girls with Guns (BTS Fanfiction)Where stories live. Discover now