Chapter 23

1.6K 139 117
                                    




Chapter 23: Chief Min's Skeleton in his Closet


"Anong drama mo?"

Napa-angat ng tingin si Sandy sa kanyang anak na si Sofie na kakauwi lang sa bahay, madaling araw na itong umuwi, nakakalat ang mascara ni Sofie at amoy na amoy ang pinaghalong alak at sigarilyo pagpasok pa lang nito ng bahay.

"Si Y-Yoongi, aalis na..." Ani Sandy sa pagitan ng kanyang hikbi.

Napataas ang kilay ni Sofie sa sinabi ng kanyang ina, hanggang sa napatingin siya sa kay Yoongi na hawak-hawak ang kanyang mga gamit pababa ng hagdan.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Sofie dito.

Hindi sumagot si Yoongi, pinalobo ni Sofie ang kanyang bubble gum habang naghahantay ng sagot kay Yoongi pero pumutok na ito at lahat ay hindi pa rin ito sumasagot, kaya mas lalong napataas ang kilay ni Sofie.

"Aalis na siya, iiwan na niya tayo." Mas lalong bumuhos ang luha ng kanyang ina kaya napairap sa kawalan si Sofie, naiirita siya sa iyak ng kanyang sariling ina, "Argh! Pwede ba ma? Huwag ka ngang madrama, hindi naman siya namatay, aalis lang siya sa bahay." Singhal ni Sofie.

"Nakipaghiwalay na siya sa akin!" Sigaw ni Sandy na para bang wala si Yoongi sa bahay.

"Oh." Gulat gulatang sabi ni Sofie bago niya tiningnan si Yoongi na hindi nagbabaling ng tingin sa kanilang dalawa, "really?" Maarteng tanong ni Sofie bago siya naglakad papalapit kay Yoongi.

"Bakit ka nakipaghiwalay kay mommy? May ibang babae ka na ba?" Tanong ni Sofie habang pinaglalaruan niya ang hem ng shirt ni Yoongi, kaya't binalingan siya nito ng tingin.

"Sofie." Mariin na banta ni Yoongi dito.

"Why? Ayaw mo na ba sa amin ni Mommy?" Makahulugang tanong ni Sofie, may halong ngisi ang labi nito.

Kagabi, kagabi lang mismo, may nangyari kay Yoongi at Sofie.

Lasing na lasing si Yoongi kagabi nung umuwi siya galing siya sa birthday party ni Namjoon, nahiga siya sa kama niya, matutulog na sana, pero nakita niyang pumasok sa kwarto si Sofie, at hindi na niya masyadong matandaan ang nangyari hanggang sa nagising na lang siyang kasama sa iisang kama ito.

That's rape, kahit saang angguluhan ay rape yun.

Ni-rape siya ni Sofie pero alam ni Yoongi na walang maniniwala sa kaniya, alam niya kung gaano kaputangina ang mundo.

Sino naman kasing maniniwala na isang 18 years old na babae ang mangrirape sa isang 28 years old niyang step dad?

Alam ni Yoongi na walang maniniwala sa kanya, alam niya kung gaano ka-unfair ang mundo.

At hindi na rin kaya ng konsensya ni Yoongi kaya't nakipaghiwalay na siya agad kay Sandy.

"Sofie, umayos ka--"

Natigilan pareho si Yoongi at Sofie nang biglang maglabas ng baril si Sandy, napatingin silang pareho dito.

"Mommy!" Sigaw ni Sofie, "bakit ka may baril?"

"T-Tumahimik kang demonyo ka!" Sigaw ni Sandy kaya't sabay na napataas ang kamay ni Yoongi at Sofie.

"Mga hayop kayo..." Nanginginig na sabi ni Sandy, napabuntong hininga na lang si Yoongi, alam na niya, alam niyang alam na ni Sandy base actions nito, malamang ay tiningnan nito ang CCTV nung oras na maghinala na ito kung bakit nakipaghiwalay si Yoongi.

"Cassandra, ibaba mo yung baril mo, please." Pakiusap ni Yoongi.

Halata ang takot sa mga mata ni Sofie habang nagbabalik balik ang tingin nito kay Yoongi at sa kanyang mommy.

Cute Girls with Guns (BTS Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon