Chapter 32: How To Deal With Insecurity

2.7K 105 4
                                    

Magkasamang lumapit si Kelsey at Angie kay Rachel.
"Hi." Masayang bati niya sa girlfriend.
"Sister mo?" Tanong sa kanya ni Angie.
Bago pa siya makasagot, nagsalita na si Rachel.
"I'm Rachel." Tiningnan niya si Kelsey, "Kelsey's friend."
Tahimik lang na nakatingin si Kelsey kay Rachel.

"I see. Sorry, I thought you were her sister." Nilingon ni Angie si Kelsey.
"Is she the reason why ayaw mong sumama?"
"Sumama saan?" Kumunot ang noo ni Rachel sa narinig.
"Sa bar. Niyaya ko siya pero di daw siya pwede."
"Do you want to join them?" Nakataas ang isang kilay ni Rachel.
"No." Pabulong na sagot ni Kelsey.
"We can cancel our plans if you really want to go with them." Sinusubok ni Rachel si Kelsey.
"I already said no."
"May plano na pala kayo eh." Sabi ni Angie.
"Next time, just tell me you already made plans para di na kita kukulitin."
Nagpaalam na sa kanila si Angie at nilapitan ang mga kaibigan niya.

Si Kelsey at Rachel naman, sumakay na sa kotse.
Pinindot niya ng isang beses ang busina bago kumanan palabas ng parking lot at kinawayan sila nina Angie at ng mga kasama nito.

"Baby, why didn't you tell me you were coming?" Inalis ni Kelsey ang kanang kamay sa manibela at pinatong sa hita ni Rachel.
"I wanted to surprise you pero mukhang ako ang nasorpresa."
"What do you mean?"
"Yung Angie, kung makahawak sa'yo, parang girlfriend mo."
Tumawa lang si Kelsey.
"Tatawa-tawa ka pa diyan. Baka naman may hindi ka sinasabi sa akin ha? Habang maaga pa, magsabi ka sakin ng totoo."
Pinindot ni Kelsey ang right turn signal at dahan-dahang pinarada ang kotse sa tabi ng isang bakanteng lote.
Madilim dahil malayo sa poste ng ilaw pero may mga dumadaang sasakyan.
Ang liwanag lang galing sa dashboard ang nagbibigay liwanag sa kanila.

"What's going on?"
"Wala." Nakahalukipkip ang mga braso ni Rachel.
Inalis ni Kelsey ang seatbelt at bigla siyang niyakap.
"Bitawan mo nga ako." Tinulak siya ni Rachel pero lalo namang hinigpitan ni Kelsey ang pagkakayakap dito.
"Are you jealous?" Nagbibiro ang tono niya pero todo simangot naman si Rachel.
"Hindi 'no?"
"Eh why were you glaring at Angie kanina?"
"I wasn't."
"Hindi daw eh ang talim ng tingin mo sa kanya. Kulang na lang kainin mo siya ng buhay."
"Baka naman may namamagitan sa inyo ng Angie na iyon ha?"
Nawala ang ngiti sa labi ni Kelsey.
"Babe, what do I have to do to prove to you that I love you?"
Pagkarinig nito ay hindi na nagpumiglas si Rachel.
"Sigurado ka ba talaga sakin?"
"Oo naman. Where is this coming from?"
"I saw how she looked at you." Sabi ni Rachel.
"I saw how she looks. Maganda siya. Makinis ang kutis at banat na banat. Bukod pa diyan, she's around your age."
"So, what? I don't like her." Tiningnan siya ni Kelsey.
"I want you. Only you."
"Paano kung dumating ang time na marealize mo na you're missing out on a lot of things by being with me? Paano kung magsawa ka sa akin? Paano kung magising ka na lang at tanungin ang sarili mo na anong ginagawa mo with a woman who is older than you? Anong gagawin mo?"
"Rach, I'm not missing out on anything. Alam mo ba kung ano ang iniisip ko kapag hindi tayo magkasama?"
Hindi siya sumagot.
"I'm planning all these things that I want to do with you. I want us to go on a road trip. I want to take you to the beach. We'll spend the day basking in the sun and walking by the shore holding hands. I want us to spend the night staring into the night sky watching the stars. Ikaw ang gusto kong makasama at hindi ibang tao. I'm not going to waste this chance dahil I waited for you, Rach. Kahit minsan naiisip ko how foolish it was of me to wish for someone like you, I held on." Marahang inangat ni Kelsey ang baba niya.
"You are perfect for me, Rachel."
Ang dibdib niya na kanina lang ay puno ng pagseselos ay napalitan ng tuwa.
Niyakap niya ng mahigpit si Kelsey.

Niyaya ni Rachel si Kelsey sa apartment niya.
"Sure. Wala namang tao sa bahay dahil they went out of town again so ako lang mag-isa."
Pagdating sa apartment, pinaupo ni Rachel si Kelsey at pinagsilbihan niya ito.
"Kumain ka na ba?"
"Kanina pang 6:30."
"What? Hindi ka ba nagbreak?"
"Nagbreak. Kaso I don't feel like eating. I'm getting sick of all the food at Mary's."
"Tamang-tama." Kumuha ng mangko si Rachel sa cabinet.
"Pinagluto kita ng kaldereta." Binuksan niya ang rice cooker at sumandok ng kanin.
"Is that why you picked me up at work?"
Nilingon siya ni Kelsey.
"Oo. Isa pa, miss na kita. I hope you didn't mind na bigla na lang akong sumulpot."
"Of course not! Natutuwa nga ako eh."
"Kahit pa nahuli ko kayo ni Angie?" Nanunukso ang tono ni Rachel.
"There's nothing to catch. I won't cheat on you."
"Talaga?" Lumapit si Rachel at pinatong ang mangko na may lamang kanin sa gitna ng lamesa.
"Oo naman. Why would I do that eh I have the most beautiful woman I wanted for a very long time." Niyakap siya ni Kelsey sa bewang.
"Baka naman sinasabi mo lang iyan dahil bago lang tayo. What if the magic fades and we fall into a routine?"
"I won't cheat on you. Promise." Tinaas niya ang kanang kamay.
"Talaga ha?" Tumingin si Rachel sa wall clock.
"Tatandaan ko iyan. At 11:04 pm on July 23, Kelsey Chan promised Rachel Gonzales that she would never cheat on her. Ever."
"Wow! Now I'm really scared."
"Biro lang." Pinatong ni Rachel ang braso niya sa balikat nito.
"Babe, I just want you to be honest with me." Seryosong sabi niya.
"If you don't love me anymore, don't hurt me by cheating or by being stupid. I would rather you tell me the truth kesa naman magsinungaling ka at patuloy na paniwalain na mahal mo pa ako."
"I promise."
Yumuko si Rachel at hinalikan siya sa noo.

"How was the party nga pala?" Naalala ni Kelsey na ngayong sabado din iyon.
"It was okay." Nagsalin si Rachel ng iced tea at nilagay sa harap ni Kelsey.
"Did you have fun?"
"Oo naman. It was mostly my co-teachers. Nandun din si Robbie kaya enjoy kami."
"Eh si Sir Salvador? Nandun din?"
"Bakit? Selos ka?" Nanunuksong tanong ni Rachel.
"If I am, what would you do?"
Tumayo sa tabi niya si Rachel at inakbayan siya nito.
"Wala kang dapat ipagselos."
"Mukhang patay na patay sa'yo si Sir. Kulang na lang subuan ka during the birthday party." Pinatong ni Kelsey ang hawak na kubyertos sa plato.
"Nanliligaw ba siya sa'yo?"
"Oo. Matagal na."
Kumunot ang noo ni Kelsey.
"Does he know you don't like him?"
"Oo naman. Umpisa pa lang, sinabi ko na wala siyang mapapala sakin." Hinila ni Rachel ang bangko at umupo sa tabi ni Kelsey.
"Kaso, ang kulit niya talaga. Ayaw pa ding tumigil."
"What would it take for him to stop?"
"Di ko alam. Basta hindi ko siya iniencourage." Pinisil ni Rachel ang kamay niya na nakapatong sa lamesa.
"Don't worry, baby. Wala kang dapat ipagselos. The first time I saw you, ikaw na ang gusto ko. Isa pa, I'm not into men."
"Have you been with men?"
"No."
"Pareho pala tayo."
"Talaga? So, gold star pala tayong dalawa."
Nagtawanan sila.

"Sabihin mo sakin kung kinukulit ka ni Sir Salvador." Sumubo ulit si Kelsey.
"Bakit? Anong gagawin?"
"Di ko pa alam."
"Babe, hayaan mo na siya. Magsasawa din iyon."
"At kung hindi siya magsawa?"
"Let's cross the bridge when we get there."
"Ikaw ang bahala.

Pagkatapos kumain, tinulungan siya ni Kelsey na maghugas ng mga plato.
Nang matapos ang mga hugasan, nagsabi si Kelsey na gusto nitong maligo bago matulog.
"Okay. Bigyan kita ng tuwalya. Akyat lang ako at kukunin ko iyong T-shirt na naiwan mo dati. Nilabhan ko na iyon." Lumakad papalapit si Rachel sa hagdanan.
"Thank you."
Umakyat na si Rachel pero lumingon ulit dahil may naalala.
"Naglinis nga pala ako ng aparador kanina. Kung gusto mo, pwede kang mag-iwan ng mga gamit mo dito."
"You did that?"
"Oo. Para kung biglaan kang darating, may gamit ka na di ba?"
Tumango si Kelsey.
Si Rachel naman, dumiretso na sa kuwarto niya.

Pagpunta niya sa banyo, naabutan niya na nagtotoothbrush si Kelsey.
"Heto yung towel at robe mo." Sinabit niya sa likod ng pintuan ang mga dala.
Binuga naman ni Kelsey ang toothpaste sa lababo.
"Thank you."
"Meron pa akong isang sorpresa para sa'yo."
"Wow! This is a very special night."
"Heto." Inabot sa kanya ni Rachel ang susi.
"Duplicate key sa apartment."
Kinuha ito ni Kelsey at pinatong sa sink counter.
"Halika nga." Niyakap niya bigla sa bewang si Rachel.
"Are we taking our relationship to the next level?"
"Anong sinasabi mo diyan?"
"Well, you gave me a space in your drawer and you also gave me a key. What's next, babe?"
"Gusto ko lang na maging kumportable ka kapag nandito ka sa bahay."
"Thank you." Hinalikan siya ni Kelsey sa noo.
"Maligo ka na. Amoy burger ka. Nagugutom tuloy ako."
"Don't I smell delicious?" Pilyong sabi ni Kelsey.
"You always do."
"Talaga?"
"Oo nga. I like the perfume you always wear."
"Alin? Ang Eau De Galette De Boeuf?" Tanong ni Kelsey with a fake French accent.
"I don't know what that is but I'm sure hindi yung burger smell mo."
"Ah. Yung Acqua Di Gioia?"
"Oo. Nakakainlove ka lalo kapag suot mo iyon. Baka ginagamit mo iyon sa work ha?" Kinurot siya ni Rachel sa tagiliran.
"No. I don't wear perfume sa work kasi bawal. Isa pa, it would be a waste. Wala naman dun ang babae na I'm trying to impress."
"Sino iyon?" Pakunwaring tanong ni Rachel.
"Sino pa eh di ikaw?" Pinisil ni Kelsey ang ibabaw ng ilong niya.
"Maligo ka na nga. Binobola mo na lang ako niyan eh."
"Why don't you shower with me?" Hinila siya ni Kelsey papasok sa shower.
"Ayoko. Naligo na ako kanina bago kita pinuntahan. Malinis na ang katawan ko."
"Oh no. You're not going to get clean." Yumuko si Kelsey at bumulong.
"I'm gonna get you dirty."
Biglang nakaramdan ng init si Rachel sa bandang puson.
"Come on." Anyaya ni Kelsey habang hinuhubad ang T-shirt.

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon