Chapter 40: Rituals

2.7K 103 4
                                    




"Prangka pala ang Papa mo?" Tanong ni Kelsey habang pinapagpag ang unan.

Nasa kuwarto sila ni Rachel at naghahanda ng matulog.

Queen ang size ng kama at stripes na white and blue ang linens at blanket.

Ang punda, brown and blue triangle ang design.

White ang pintura ng kuwarto at light blue ang kurtina.

Sa gilid ng kama ay may puting desk kung saan nakapatong ang aluminum night light, notebook at bilugang silver pen holder na may sari-saring ballpen, red and black markers at highlighters.

"Oo. Masanay ka na." Umupo si Rachel sa tapat ng dresser at binuksan ang moisturizer.

Umupo sa gilid ng kama si Kelsey at pinagmasdan si Rachel.

Pareho silang nakarobe.

Purple silk robe ang suot ni Rachel at maroon na cotton naman ang gamit ni Kelsey.

"Kinausap nga nila ako tungkol sa'yo habang naliligo ka." Pantay na pinahid ni Rachel ang moisturizer sa noo.

"Tinanong kung hindi daw ba magiging issue na dati kitang estudyante."

"Anong sabi mo?" Inabot ni Kelsey ang unan at niyakap.

Naamoy niya ang floral scent ng punda.

"Sabi ko, hindi naman. Wala naman tayong relasyon nung nasa St. Michael's ka pa."

"I wanted to have a relationship with you then." Pag-amin ni Kelsey.

Hinarap siya ni Rachel.

"Ako din naman. Kaso alam ko na hindi pwede."

"Was it difficult for you?"

"Oo naman. Lalo na at lagi kang nagpapacute."

Nagtawanan silang dalawa.

"How did you do it?" Pangungulit ni Kelsey.

"Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na mas maraming magiging problema kung ipipilit ko ang gusto ko."

"Like what problems?"

Tiningnan ni Rachel si Kelsey sa salamin.

Nag-aabang ito sa sasabihin niya.

"Una, seventeen ka lang. You're a minor. That in itself was enough to cause alarm. Then, ako ang adviser mo. Kapag nalaman ng mga madre na may relasyon tayo, for sure masisisante ako."

"Hanga nga ako sa restraint mo eh. Kahit anong gawin ko, hindi ka bumigay."

"If you only knew how hard it was for me to ignore you. Ikaw naman, parang devil's advocate. Lagi mo akong pinupuri at binibigyan ng kung anu-anong gifts with matching notes telling me how much you care."

"What did you do to those notes?"

"What do you think?" Tinakpan ni Rachel ang moisturizer at humarap kay Kelsey.

"Tinapon mo."

Ngumiti si Rachel sa sagot nito.

"I kept all of them."

Tumayo na si Rachel.

"Uupo ka na lang ba diyan?"

"No. I'm just waiting for you so I can use the mirror."

"Bakit? Anong gagawin mo?"

"Ano pa eh di magmomoisturize din before I go to bed?"

"Halika. Kunin mo yung moisturizer mo at ako na ang maga-apply sa'yo." Umupo si Rachel sa kama.

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon