Chapter 57: The Bodyguard

2.9K 98 11
                                    




Things were starting to look rosy for Kelsey.

They won the last two games at kahit kulelat pa din ang standing ng Valkyries, kahit papaano ay may mga teammates na siya na nagiging close.

Nakita nila kung gaano kahardworking si Kelsey on and off the court.

Dahil mahalaga din sa kanila ang laro, they learned to set aside their resentment na si Kelsey ang team captain nila.

Nakabuti na din na wala na si Tessa dahil hindi niya madaling masulsulan ang mga kagrupo.

Isa pa, pinatunayan naman ni Kelsey na she earned her spot sa team.

Hindi lang ito magaling na player kundi mas mahusay itong magmotivate sa kanila.

Kapag pinanghihinaan sila ng loob, hindi nila ito kinakikitaan ng pagdududa sa kakayahan nila.

Kaya naman ng matalo nila ang St. Francis University na nangunguna sa standing, ganun na lang ang tuwa nila.

It was the ace service ni Kelsey na nagpanalo sa kanila.

Sobrang higpit ng yakap nila dito to celebrate the win.

Niyaya naman ni Kelsey si Rachel to go to the movies.

Matagal na din silang hindi lumalabas dahil pareho silang busy.

She wanted to do something for Rachel to take her mind off work kaya on a Friday night, niyaya niya itong lumabas.

Ayaw pa ngang pumayag ni Rachel pero nagpumilit si Kelsey.

Nang makumbinsi niya ito, pumunta sila sa BGC.

For the first time, ginamit niya ang credit card na bigay ni Sara but not after magpaalam dito.

"Di ba sinabi ko naman sa'yo na gamitin mo yan hangga't gusto mo?" Sabi ni Sara habang kausap niya sa telepono.

"I know that but I still want to let you know in case you see a bill you don't recognize."

"Blue, go have fun. You owe it to yourself and to Rachel."

Dinala niya si Rachel sa Japanese restaurant.

Nagulat pa nga ito ng makita kung saan sila pumunta pero sinabi niya na everything's taken cared of.

"All you have to do is to have fun...with me." Natutuwang sabi niya kay Rachel.

After kumain, naglakad-lakad sila to check out the art installations sa iba't-ibang parte ng BGC.

They also took pictures at ilan sa mga shots had Kelsey stealing kisses from Rachel.

Nagulat siya sa boldness ni Kelsey pero sinabi nito sa kanya na she just wanted to let the world know how much she loves her.

"I don't want to hide you from the world, Rach. You are an amazing person and I am so glad that you are a part of my life."

Marahan niyang hinawakan ito sa pisngi.

Before she could do anything, mabilis na hinalikan siya ni Kelsey sa labi.

They watched Charlie's Angels and Kelsey found out na long time crush pala ni Rachel si Kristen Stewart.

"Twilight pa lang, crush na crush ko na siya."

"But she wasn't out then, di ba?" Naglalakad na sila papasok sa iskinita ng tinutuluyan nila.

Naflat kasi ang gulong ng sasakyan nila kaya naman hiyang-hiya ang Uber driver.

Buti na lang at malapit na sa apartment nila ng mangyari.

"No she wasn't pero she was so cute." Kinikilig na sabi ni Rachel.

"Eh di tuwang-tuwa ka nung nag-out siya sa SNL?"

"Ano pa? Kulang na lang magtatalon ako sa sobrang excitement."

"Halika nga dito." Inakbayan siya ni Kelsey sabay kinabig papalapit para halikan sa noo.

Nasa ganoong posisyon sila ng bigla na lang marinig na may tumawag sa pangalan ni Rachel.

Tumigil sila sa paglalakad at nagulat ng mula sa madilim na iskinita ay lumabas si Allan.

Pinitik nito ang hawak na sigarilyo at tumalsik ito sa lupa.

Humigpit ang hawak ni Rachel sa bewang ni Kelsey.

Mula sa ilaw ng poste ay naaninag ni Kelsey ang namumulang mukha ni Allan.

"Anong gagawin natin?" Bulong ni Rachel.

Naramdaman niya ang panlalamig ng kamay nito dahil sa nerbiyos.

Walang isang dipa ang agwat ni Allan sa kanila.

They could run. Yun agad ang pumasok sa isip ni Kelsey.

But Rachel was wearing heels and a dress for their date.

"Get behind me." Mahinang sabi niya kay Rachel.

Natatakot din siya pero nilakasan niya ang loob.

"Tang-ina niyong dalawa. Dahil sa inyo, nawalan ako ng trabaho." Sigaw ni Allan.

Mula sa malayo ay may kumahol na aso ng marinig ang boses niya.

May bumukas ng ilaw din mula sa balkonahe ng isang bahay.

"Nawalan ka ng trabaho dahil sa kagagawan mo." Nagsalita si Rachel na kinagulat ni Kelsey.

"Rach," Saway niya dito pero lumabas ito sa likuran niya.

"Binantaan mo si Sister Margaret at sinabihan na devil's advocate so what did you expect?"

"Tang-ina kang babae ka!" Pagkasabi nito ay biglang hinila ni Allan si Rachel sa braso.

Nabuwal ito sa pagkakatayo at bumagsak si Rachel sa lupa.

"Get your hands off her." Tinulak ni Kelsey si Allan pero mas malakas ito sa kanya kaya napaatras lang.

"Isa ka pa!"

Nakita ni Kelsey na may hinugot ito sa likuran at bago pa man siya makakilos ay naramdaman niya na may tumusok sa tagiliran niya.

Mabilis ang pagbulwak ng dugo at nakadama ng init si Kelsey.

Sinapo niya ang tagiliran at nakitang nabitiwan ni Allan ang hawak na kutsilyo bago ito tumakbo palayo sa kanila.

Ang huling narinig niya ay ang malakas na pagsigaw ni Rachel ng saklolo.

She's Dating The TeacherWhere stories live. Discover now