Chapter 42: One Bad Night

2.4K 88 0
                                    




Nagising si Rachel na makitang umilaw ang phone na nakapatong sa night stand.

Pagmulat ng isang mata, oras ang una niyang nakita.

1:28 am.

Saka dumako ang tingin niya sa text galing kay Kelsey.

"I'm so drunk ryt now. Can u pik me up?"

Bumalikwas ng bangon si Rachel.

What the hell?

Nasa galaan pa din si Kelsey?

Nagpaalam nga ito na lalabas kasama ang mga katrabaho niya at tinext pa ang pangalan ng bar kung saan sila pumunta.

Kahit Rachel was tempted to tell her not to stay out too late, hindi niya ginawa kasi sabi nga niya, girlfriend siya at hindi nanay ni Kelsey.

Isa pa, ayaw niyang maglagay ng restrictions dito.

She knows how hard Kelsey has been working and studying at the same time.

She deserves to have fun.

Isa pa, gusto niya sanang dito mismo manggaling ang pagsasabi na hindi siya masyadong magpapagabi o hindi siya iinom ng marami.

"I guess I expected too much." Tumayo na siya at nagmamadaling nagbihis.

Kumuha siya ng maong, cotton T-shirt at dark jacket mula sa aparador.

Rubber shoes ang suot niya at bitbit ang cellphone, wallet at susi, nagmamadali siyang lumabas ng apartment.

Saglit siyang nag-abang ng taxi sa kanto at binigay ang pangalan at address ng Bruceski's Bar sa driver.

Ni hindi man lang niya naisip na delikado na sa ganitong oras ng gabi.

Sinilip niya ang driver mula sa backseat.

Matanda na ito at nakakalbo na.

Nang kausapin niya, mukha namang hindi gagawa ng masama.

Nagdasal na lang si Rachel na makarating siya ng maayos sa pupuntahan.

Tinext niya din kay Robbie ang plate number ng taxi just in case.

Dahil umaga na, hindi na masyadong matraffic.

Narating nila ang bar in forty-five minutes at nagmamadaling binayaran ni Rachel ang driver.

Hindi niya na nga kinuha ang sukli dahil nag-aalala siya kay Kelsey.

Habang nasa biyahe, nagtext siya para sabihin na papunta na siya.

Sinabi niya din dito na huwag itong aalis hangga't hindi siya dumarating.

Wala siyang natanggap na response kaya lalong tumindi ang pag-aalala niya.

Tumayo siya sa tapat ng bar.

Nakasulat sa puting awning ang pangalan ng bar.

Mula sa labas ay dinig ang dagundong ng tugtog.

Sa gilid ng bar ay may dalawang lalake na nagsisigarilyo.

Sa tabi ng pinto ay nakatayo ang bouncer na nakablack shirt at nakahalukipkip ang mamasel na braso.

Long hair ang bouncer at mukhang walang sinasanto.

Tumayo si Rachel malapit sa bouncer at nagtext kay Kelsey.

Tiningnan niya ang relo.

Malapit ng mag-alas dos y medya.

Buti na lang at walang pasok bukas dahil kung hindi, siguradong puyat siya.

Bumukas ang pinto at lumabas ang dalawang binatilyo na nagtatawanan.

She's Dating The TeacherWhere stories live. Discover now