Chapter 60: Beginnings

8.8K 190 55
                                    




Four Months Later

"Are you ready, babe?" Sumilip si Kelsey sa pinto at nakitang nakatayo si Rachel sa harap ng salamin.

Nakatagilid ito at sinisipat ang itsura ng black pencil-cut skirt na terno sa white pleated button down shirt.

"You look gorgeous." Niyakap niya ito ng patalikod at hinalikan sa puno ng tenga.

"Do you think I look okay?" Bakas sa magandang mukha ni Rachel ang pag-aalala.

"Babe, you look amazing." Hinagod siya ni Kelsey ng tingin mula ulo hanggang paa.

Her eyes settled on the black Manolo's na regalo dito ng Ate Sara niya ng bumalik galing New York.

"Hindi ba nakakahiya ang itsura ko?" Inipit ni Rachel ang buhok sa gilid ng tenga.

"Kahit magsuot ka pa ng garbage bag, I don't think you could go wrong in the eyes of my family." May lungkot na dumapo sa mukha ni Kelsey.

"Babe," Hinarap siya ni Rachel.

"Forgiveness takes time." Inayos niya ang lapel ng suot nitong navy blazer.

Kelsey looked ravishing in her casual navy blue suit over a crisp white shirt na tinernohan ng white Ralph Lauren Hanford shoes.

She has since cut her long hair and it was always swept on one side and it gave her a more androgynous look.

"I know but I couldn't help but think na things will be complete kung pati si Daddy, kasama natin."

"Naiintindihan kita pero he needs to figure things out on his own. Besides, hindi ka ba masaya na your relationship with Leah and Frank got better?"

"Masaya."

"Pero?"

Malungkot na ngiti ang ginawad niya kay Rachel.

"I shouldn't feel this way but I can't help it."

"Imbes na naghihimutok ka, why don't we leave? Baka kanina pa tayo hinihintay ng mama at mga kapatid mo?"

Tumango si Kelsey at sabay na silang lumabas ng kuwarto.

Si Rachel ang nagdrive at tumuloy silang dalawa sa BGC kung saan naghihintay ang mama niya kasama si Leah at Frank.

Nang makita nito si Rachel, sinalubong niya ito at hinalikan sa magkabilang pisngi.

Humalik din si Kelsey sa mama niya at pagkatapos ay hinalikan din ang mga kapatid.

Niyakap naman ni Leah si Rachel at kumaway naman ito kay Frank.

"Are you guys ready?" Tanong ng Kuya Frank sa kanya who looked dashing in his three-piece gray suit.

"Ready." Sabay-sabay nilang sagot.

Lumakad sila papunta sa café and bakeshop.

Sara's Creations.

Stripes ang pink and white awning ng shop at pink ang kulay ng pader.

Sa harap ng tindahan ay may nakatali na malaking pink ribbon.

Nakatayo si Sara at kahit nakangiti at halatang nininerbiyos.

May mga tao na din na naghihintay sa harap ng shop at may isang photographer na walang tigil sa kakakuha ng pictures.

Ang mga nanonood, nakalabas din ang mga phones at kinukuhanan ng picture ang oversized pink cupcake na nasa bubong.

"Thank God you're here." Sabi ni Sara ng makita silang lahat.

Nagbeso silang lahat at pagkatapos ay tinawag ni Sara ang isang babae at sinabihan na ready na sila.

She's Dating The TeacherWhere stories live. Discover now