Chapter 49: The Talk

2.5K 102 3
                                    




Nanatiling nakatayo si Rachel sa may pintuan.

Bigla namang napatayo si Kelsey at binitawan ang pocketbook na The Count Of Monte Cristo ni Alexander Dumas.

Nakita niya ito sa bookshelf at dahil ayaw niya namang manood ng TV, naisipan niyang magbasa which she rarely does dahil hindi niya hilig bukod sa pumipikit ang mata niya the moment she opens a book.

"Hi." Nahihiyang bati niya kay Rachel na ngayon ay sinasabit ang dalang bag sa rack.

Napansin niya ang maitim at makapal na eyebags nito.

Naisip niya na baka tulad din niya na hindi ito makatulog.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Rachel habang hinuhubad ang sapatos.

Lumapit sa kanya si Kelsey at pinagmasdan siya habang sinusuot ang pambahay na tsinelas.

Napansin ni Rachel na kung dati ay laging fresh ang itsura ni Kelsey, ngayon ay bakas sa mukha nito na mabigat ang dinadala.

For one, hindi ito ngumiti sa kanya.

"Rach, sorry kung nag-alala ka."

"Alam mo ba na hinahanap ka ng Ate Sara mo?" Nilapitan siya ni Rachel at naamoy niya ang cherry blossom body mist na gamit nito.

Gusto niya sanang yakapin si Rachel pero naalala niya na may atraso siya dito.

Hindi pa sila nag-uusap mula ng makita siya nito na hinalikan si Angie.

"I know."

"Did you call or text her?"

"I haven't. Ikaw muna ang gusto kong kausapin."

"Kelsey, sobrang nag-aalala na siya sa'yo."

"Alam ko naman yun pero..."

"Pero ano?" Galit ang tono ni Rachel at lalo tuloy siyang kinabahan.

Hindi niya naman masisi ito dahil ilang araw na siyang nagtatago from everyone.

"She came here para hanapin ka." Pinutol ni Rachel ang pag-iisip niya.

"Sinabi niya sa akin ang nangyari," Hinawakan siya ni Rachel sa braso, "at alam ko na natatakot ka na baka ipadala ka sa Taiwan pero hindi reason yan para lalo silang mag-alala."

"Can you at least hear me out bago mo ako sermonan?" Mahinahon ang boses ni Kelsey pero natigilan si Rachel.

"Okay. Go ahead."

"Pwedeng umupo tayo para makapag-usap tayo ng maayos?"

Tumango si Rachel at lumakad sila papunta sa sala.

Naunang naupo si Kelsey at tumabi siya dito.

"Hindi kita sinesermonan." Sabi ni Rachel pagkaupo nito.

"Nag-aalala lang kami sa'yo."

"I know and I'm really sorry for the mess I made."

Inabot niya ang mga kamay ni Rachel.

"Una, I'm sorry for what I did to you."

"Hindi na iyon importante."

"It's important to me, Rachel. Sinabi ko sa'yo dati na wala kang dapat ipag-alala. But the moment I got drunk, I made a mess of everything."

"I don't think you can blame being drunk for it. Hindi lahat ng lasing, gumagawa ng kalokohan. May reason kung bakit ka naglasing."

"I was upset."

"About what?"

"The night after we made love. I said something."

"Yun ba yung nag-I love you ka sakin tapos hindi ako sumagot?"

She's Dating The TeacherWhere stories live. Discover now