Chapter 54: The Conundrum With The Open Drawer

2.5K 81 0
                                    




Mula ng magpasyang umalis sa bahay nila, malimit magkita si Kelsey at ang Ate Sara niya.

Nang mangyari ang lahat, nasa Hongkong ito on a business trip.

Pero ng bumalik ito at malaman ang nangyari, agad siya nitong tinawagan.

Pinuntahan siya ni Sara sa school at dinala sa restaurant kung saan nag-usap sila ng masinsinan.

Nag-aalala si Sara sa kalagayan ni Kelsey.

Kahit alam niya na nasa mabuting kalagayan ito kasama ni Rachel, iniisip nito ang kinabukasan ng kapatid.

Pumunta sila sa grocery at nag-uumapaw ang cart bago sila pumunta sa checkout para magbayad.

Bukod sa pagkain, binilhan din siya ni Sara ng ilang pack ng toilet paper, sabon panlaba, fabric softener, toothpaste, toothbrush, shampoo at body wash.

Dinamay na nito ang mga kailangan ni Rachel dahil ayon dito, nakakahiya daw.

Ito ang nagbayad sa lahat at bago sila naghiwalay ay binigay sa kanya ang isang credit card.

"Para san 'to?"

"Eh para saan pa kundi panggastos mo?"

"Ate, I can take care of myself."

"Blue, I'm not giving you money just for you. I'm thinking of Rachel too. Ayokong isipin niya na inasa na lang natin lahat sa kanya."

Hindi na siya nakipagtalo at tinago ang credit card sa wallet niya.

Kung noong nakatira siya sa pamilya niya ay hindi siya kumikilos, ngayong kasama niya si Rachel, ginagawa niya ang lahat para tumulong.

Kung dati ay di siya mahilig maglinis, kapag dumarating siya ng maaga sa bahay, nagwawalis siya para naman maging maaliwalas ang paligid.

Doon niya narealize na masarap pala ang maglinis.

Therapeutic ang dating nito sa kanya dahil hindi niya naiisip ang mga problema.

Kahit kasi pinipilit niya na huwag isipin ang nangyari sa buhay niya, hindi niya maiwasan ang malungkot lalo na kapag naiisip niya ang mommy niya at si Sara.

Hindi naman siya close kay Leah at Frank kaya hindi siya masyado affected.

Pero sinabi ni Sara sa kanya na hindi din daw ito pabor sa ginawa ng daddy nila.

Nagkaroon pa nga daw ng diskusyon sa bahay nila at ang nanggagalaiti bukod sa mama nila ay si Leah.

"He told Dad to move with the times." Kuwento ni Sara.

Hindi naman makapaniwala si Kelsey sa narinig.

"She said that?"

"She did. Kahit nga ako, nagulat kasi kilala natin yun as Daddy's girl di ba?"

"Oo nga. Never in my wildest dreams did I imagine na she would fight for me."

"Kelsey," Pinatong ni Sara ang kamay sa hita niya, " kahit naman kontrabida siya sa buhay mo most of the time, mahal ka din nun. Iba lang ang way ng pagpapakita niya."

Tumawag na din ang mama niya at nagkaiyakan pa nga sila.

Tinanong nito kung saan siya nakatira.

Pero kahit gusto niyang sabihin dito ang address ni Rachel, sinabi niya na lang na safe siya.

Ayaw niya kasing mapahamak si Rachel kung sakaling makarating sa daddy niya kung saan ito nakatira.

The last thing she needed was to put Rachel in trouble.

Malaki ang utang na loob niya dito at ayaw niyang masira ang lahat dahil sa panghihimasok ng ama niya.

Umakyat si Kelsey sa kuwarto bitbit ang walis at dustpan.

Hindi naman madumi ang bahay ni Rachel.

Ang totoo nga, organized ang lahat.

Kung dati ay sanay siya na iniiwan ang mga shelves at cupboards, lagi siyang pinapaalalahanan ni Rachel na isara ang mga ito pagkatapos buksan.

Malimit daw kasi itong mauntog kaya ayaw nito na nakabuyangyang ang mga pinto.

Lumapit si Kelsey sa desk na nasa tapat ng kama.

Dito malimit gumawa ng lesson plan si Rachel sa gabi.

Maayos na nakasalansan ang mga notebook na ginagamit niya.

Pati ang mga ballpen at highlighters, naka-arrange according sa kulay.

Pinupunasan ni Kelsey ang desk ng mapansin na hindi nakapinid ng maigi ang drawer.

Isasara niya na sana ito pero parang may nagtutulak sa kanya na tingnan ang laman nito.

Hindi niya pinakikialaman ang mga gamit ni Rachel kahit pa sinabi nito sa kanya na wala namang off-limits sa bahay niya.

Ganunpaman, alam ni Kelsey na she couldn't get too comfortable.

Oo nga at girlfriends sila pero she liked having a little mystery between them.

They are still in the getting to know you stage and she feels special kapag may mga bagay na nalalaman tungkol kay Rachel.

Nakahawak na ang kamay ni Kelsey sa drawer at ready na itong itulak pasara but the nagging voice in her head was becoming louder.

Kung titingnan niya ang laman ng drawer, wala naman sigurong bagay na nakakagulat o scandalous.

Isa pa, she was alone in the house.

If she opened the drawer, Rachel won't know.

Unless she tells her herself na binuksan niya ito.

"What am I feeling like this? It's just an open drawer."

Huminga siya ng malalim at umiling-iling.

Malapit ng umuwi si Rachel.

Dapat niya ng tapusin ang paglilinis para pagdating nito, tutulungan niya namang magluto.

Bitbit ang walis tambo, dustpan at basahan, tinulak ni Kelsey ang drawer para isara ito.

Malapit na siya sa pintuan ng bigla siyang lumingon ulit.

She's Dating The TeacherWhere stories live. Discover now