SIMULA

50.9K 1K 97
                                    

SIMULA

❤ SEIGE ❤

KINAGAT ko ang hawak kong ballpen habang tinitignan ang bawat papel tungkol sa hawak kong kaso, ngunit napatingin ako sa wrist watch ko upang tignan ang oras. At doon na ako napatayo dahil mahigit dalawang minuto na ako nahuhuli kaya naman ay dali-dali kong niligpit ang mga papeles at sinilid sa attaché case ko. Kinuha ko ang business suit coat ko at sinuot. Binitbit ko ang attaché case ko at lumakad na palabas.

Alam kong gwapo ako pero kailangan bang palagi nilang titigan ang gwapo kong mukha?

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga nakakasalubong kong mga pumasok sa opisina ni Tito---ang kapatid ni Dad na si Tito Xander. Isa nang pinakasikat, pinakamagaling at marami ng kasong na resolba. He is my idol in comes of law. And he always advice me if I want to be a lawyer someday: 'Always think the justice over the price'. At doon ko simula nagustuhan na maging abogado. May paninindigan si Tito. Mas nais niyang tulungan ang maliliit at mahihirap na tao na hindi nakakamit ang katarungan, kesa sa mga taong mayayaman na nagka sala na ginagamit ang pera para bilhin ang batas.

Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko patungo sa Emerald University. As much as possible ay kailangan kong makarating doon dahil baka nakaalis na siya.

Kalahating minuto lang ay nakarating na rin ako. Bumaba ako ng kotse ng matapat na ako sa mismong gate ng school. Nakita ko na kaunti na lang ang mga estudyante na naglalabasan. Kaya naman ng makita ko ang isang grupo ng babae ay nilapitan ko.

"Hi. Nakita niyo ba si Magnolia?" Tanong ko.

Para naman mga uod na binabaran ng asin dahil mga nagkaka tinginan at tila mangingisay na sa kilig ang mga babaeng ito.

"Kasama ni Magnolia sina Frenchie. May group study sila." sabi ng isang lalake na nerd na kasama ng mga ito.

"Saan?"

"Hindi ko alam. Pero narinig ko sa bahay nila Jonathan."

Nang sabihin pa lang nito ang pangalan ng isang lalake ay biglang nag panting ang tenga ko.

Tinanong ko kung saan ang bahay ng Jonathan na iyon at nang sabihin nito ay agad akong umalis at nag madaling sumakay ng kotse.

Tinawagan ko si Magnolia ngunit busy ang phone niya. Hinagis ko na lang ang phone ko sa front seat at pinokus ko ang mga mata ko sa daan.

Matagal tagal rin bago ko nakita ang bahay ng Jonathan na iyon. Huminto ako sa tapat ng bahay nito at agad akong bumaba at napatingin sa bahay na isang up and down na halatang bagong gawa pa. Hahakbang pa lang ako para sana buksan ang gate ng tahulan ako ng mga aso na naka kulong sa isang dog house.

"Nakikita niyo ba ang mukhang ito? Hindi ka ba kayo naga-gwapuhan, ah? Ang tulad kong gwapo ay hindi tinatahulan kaya tumahimik kayo." sabi ko sa mga aso na tumahimik naman at nahiga. Ngumisi ako at tumingin sa bahay. Naka bukas ang bintana kaya sumilip ako. Nakita ko na nakahiga si Magnolia sa isang higaan at tila umakyat ang dugo ko sa ulo ng makita ko naman ang paglapit ng isang lalake rito. Kaya naman, kahit na bawal pumasok sa hindi ko bahay ay pumasok ako. Madali lang buksan ang gate dahil mababa lang at swerte dahil bukas ang pinto at hindi naka-lock.

Pagpasok ko ay agad na bumungad sa akin ang ilang babae at lalake na napalingon sa akin dahil sa bigla kong pagpasok.

Tumingin ako kung nasaan si Magnolia na nakahiga habang hawak-hawak ng lalake ang mukha niya. Inilang hakbang ko ang pagitan namin at tinulak ko agad ang lalake na nagulat sa ginawa ko pero wala akong pakialam.

Bakit niya hinahawakan si Magnolia?

"S-seige? Bakit ka narito?" gulat ngunit mahinahon pa ring tanong ni Magnolia bago naupo.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon