CHAPTER 19

22.4K 552 8
                                    

CHAPTER 19

❤ Magnolia ❤

"SEIGE, WHERE ARE we going?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang pinaplano ni Seige at sinuotan pa ako sa mata ng blindfold.

Akala ko nga ay inis parin siya sa akin dahil sa sinabi ko nung isang araw ng magpunta kami kela Ate. Mabuti naman at wala na ang inis niya sa akin.

Oo nga pala, kaya pala kami pinapapunta ni Ate dahil i-a-anounce pala nila na magkaka-baby na sila. Tapos na sabay pa sa revelation na may asawa na rin pala si Kuya Drake na naging sanhin din ng pag-walkout ng magulang nila.

"Just relax and sit, Love." 'yun lang ang sinabi niya ng maupo niya ako. Ramdam ko na parang umuga ng konti ang kinalalagyan namin. Binuhat niya ako kaya hindi ko alam kung ano ba ang sinasakyan namin, pero tila tingin ko alam ko na ang kung nasaan kami.

Tahimik na pinapakiramdaman ko ang paligid hanggang sa mabuhay nga ang makina ng sinasakyan namin. My guess is right. We are here to his speed boat.

"Pupunta ba tayo sa isla pag-ibig?" Tanong ko.

"Tsk." 'yun lang ang naging tugon niya kaya napangiti ako dahil tila nabanas siya dahil nahulaan ko ang pupuntahan namin.

Hindi naman kasi magaling magtago ng sekreto si Seige. Palagi kong nahuhulaan pero minsan 'pag ganitong sitwasyon ay sinasakyan ko na lang ang trip niya kesa mabanas siya.

Mga ilang sandali lang nilaan ng byahe namin patungo sa isla pag-ibig, dahil na rin sa mabilis ang pagtatakbo ni Seige sa Speed boat.

Inalalayan niya akong makababa at pinahinto sa paglalakad ng humakbang kami ng kaunti para makaalis sa pangpang. Hindi ko na kasi ramdam ang tubig sa paa ko.

Suot ko ang isang stripe dress above the knee and paired with flat sandals.

Nasa likod ko siya habang nakahawak sa baywang ko, "After I remove your blind fold, please.. don't open your eyes yet. Just wait my signal, okay?" paalala niya.

Tumango ako at pinakiramdaman siya na inaalis na ang blind fold sa mga mata ko.

Nang maalis ay hindi ko muna idinilat ang mga mata ko. Pinakiramdam ko muna siya na umalis sa tabi ko.

"Now, Love, open your eyes." sabi niya, kaya unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Sa una ay medyo malabo pa pero nang maka-adjust ay napabuka-sara ang bibig ko ng bumungad sa akin ang nagliliparang bula sa paligid. Tapos sa dadaanan ko ay may mga nakatayong flower stand sa mga gilid na may nakalagay na mga iba't-ibang klaseng bulaklak at may red carpet pa na puno ng red petals patungo sa kinatatayuan ni Seige sa dulo nitong red carpet.

Kasabay ng dahan-dahan na paghakbang ko ay siyang pagsabay ng musika na may titulong 'The closer I get to you by MYMP'

Napangiti ako dahil hindi ko alam na pinaghanda pala niya ang aming anniversary. Akala ko nga ay hindi niya naalala pero nagkamali pala ako.

Nang makalapit ako sa kanya ay agad niyang kinuha ang isa kong kamay at dinala sa labi niya upang hagkan, kaya lalo akong napangiti habang nagkakatinginan kami.

"You surprised me, mahal." sabi ko na kinailing niya.

"Hindi pa dito natatapos ang lahat, Love ." wika niya at hinila ako ng kaunti kaya lumakad ako pasabay sa kanya habang hawak-kamay kami.

Tumingin ako sa kanya na kinangiti niya lang. Napangiti rin ako at tumingin sa hagdan na nilalakaran namin. Pero nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng maraming big life size collection ng Smurf kaya agad akong napabitaw sa kamay nyya at tinakbo ko ang kinatatayuan ng mga Smurf.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon