CHAPTER 24

34.6K 747 16
                                    

CHAPTER 24


❤ Magnolia ❤

KINUSOT-KUSOT KO ang mga mata ko at napatingin ako kay Seige na nakayakap sa akin habang naksubsob ang mukha sa leeg ko. Hinaplos ko ang mukha niya at buhok bago siya halikan sa noo.

"I love you." bulong ko sa kanya at napangiti. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ko maingat na inalis ang ulo niya sa leeg ko maging ang braso at binti niya. Nang maalis ay napahinga ako ng malalim at bumangon sa kama niya habang kipkip-kipkip ang isang tuwalya na nakita ko na ibinalot ko sa katawan ko.

Pinulot ko ang mga pinaghubaran namin at tinungo ko ang isang pinto tila walk-in closet niya.

Wow! Napahugis bilog talaga ang bibig ko sa linis, aliwalas, at ganda ng walk-in closet niya.

Lahat ng pang business suit niya, formal suit, casual, at at iba pa ay nakahelera at maayos na nakasalansan at naka-hanger sa iba't-ibang closet.

Binuksan ko ang drawer at napangiti ako dahil maging ang kurbata niya ay nakaayos ang tupi maging ang medyas. Binuksan ko ang isa at nakita ko na mga boxer niya at brief.

Napatingin naman ako sa isang jewelry mirror cabinet niya na nakahilera din ang mga branded niyang watch, necklace, at shades.

Napahinga ako ng malalim at nilibot ang tingin sa buong paligid. Kung hindi ko siguro tinuloy 'yung pangarap ko ay baka nahihiya parin ako na maging girlfriend niya. Ewan ko, pero ang hirap na isang ford ang magugustuhan ko.

Naalala ko noon si Ate. Palagi niyang sinasabi na parang hindi siya deserving kay Kuya Duke. Ang katulad daw kasi nila ay parang bituin na kumikislap na mahirap maabot at 'pag naabot mo naman ay parang pakiramdam mo ay hindi nararapat sa 'yo. At katulad ni Ate ay gano'n din ako.

Pero sa ugali naman ng pamilyang Ford ay hindi mo sila makikitaan ng kayabangan patungkol sa yaman nila. Tapos sa isla pa sila namamalagi para makaiwas sa ibang tao na nais na ungkatin kung ano man ang meron sila. Kapag sa isla nga naman ay hindi sila basta-basta mapapasok. Pribado.

Aist! Tama na nga itong iniisip ko, baka maabutan pa ako ni Seige nang ganito parin ang ayos ko.

Napahawak ako sa pisngi ko ng biglang uminit ito. Naaalala ko 'yung kamuntikan na naman niyang pag-temp kagabi. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta sa sobrang takot ko na maramdaman muli 'yung sakit ay parang nagdilim ang paningin ko. Wala pa naman akong tulog sa eroplano, tapos deretso agad ako sa hotel para ma-set-up lang ni Bianca.

Pumili ako sa mga t-shirt ni Seige na maaari kong isuot, dahil wala naman ang maleta ko kaya wala akong damit na pamalit. Kinuha ko 'yung gray shirt at kumuha ako ng boxer niya para naman may pamalit ako sa panloob ko. Ang kaso wala akong pamalit sa bra ko?

Napahinga ako ng malalim at lumabas na nang walking closet para mag-shower at gawin ang mga routine ko sa umaga.

Pagkatapos kong maligo, magsipilyo at iba pa. Lumabas na ako habang pinupunasan ng towel ang buhok ko. Napatingin ako kay Seige na tulog pa habang nakadapa kaya kita ko ang mamasel naman niyang likod na katamtaman lang naman pero makinis at maputi.

Napailing ako at tinampal ko ang pisngi ko dahil ano ba itong pinag-iisip ko. Masyado ko nang pinakatitigan ang likod niya.

Sinabit ko na sa sabitan ang towel niya at lumapit sa tukador niya kung nasaan ang mga pabango niya. May suklay doon ngunit wala namang pulbos. Puro panlalake. Kaya wala tuloy akong ilalagay sa mukha ko.

Nagsuklay na lang ako at tsaka naisipan na lumabas para magtungo sa kusina upang magluto ng breakfast niya.

Balak kong puntahan si Ate pagkatapos. Magtatampo iyon 'pag nalaman niya na hindi man lang ako magpapakita sa kanya.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon