CHAPTER 2

28.5K 805 12
                                    

CHAPTER 2

❤ Seige ❤

"SEGI, HINDI PA ba tayo uuwi?" ungot ni Paul.

Tapos na kasi ang class hour kaya maaari na kaming umuwi dahil tanging observation lang din naman ang ginawa namin sa Law Class kanina ngunit ayoko pang umuwi dahil may nais akong gawin.

"Mauna na kayong umuwi." sabi ko sa dalawa habang palapit kung saan ang room niya.

"C'mon, Segi. Sino pa ba ang hinihintay mo rito?" tanong ni Lawrence.

Hindi ko sinagot si Lawrence dahil napatingin na ako sa loob ng room kung saan nalaman ko na dito siya naka-room. Mag-isa na lang siya sa room habang nagliligpit siya ng mga gamit niya.

"Tila alam ko na kung sino ang hinahanap niya, Lawrence. Tinamaan ata ang Segi Boy natin." dinig kong panunukso ni Paul.

Hindi ko pinansin pa iyon at inayos ko ang suot kong damit at pati na rin ang buhok ko dahil palabas na siya.

Tumikhim ako at nang paraan na siya sa mismong pinto ay humarang ako. Napaangat siya ng tingin kaya nakita ko ang maamo niyang mukha at ang biluga niyang mata na lumaki dahil sa gulat.

"Hi. Pauwi ka na ba?" bungad ko sa kanya habang may malaking ngiti ako sa labi.

"Oo." maikli niyang tugon.

"Hatid na kita." alok ko at agad na kinuha sa kanya ang librong bitbit niya.

"'Wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa." tanggi niya at balak sanang agawin pa ang libro niya ng itaas ko iyon upang hindi niya makuha.

"'Wag ka nang tumanggi." nakangiti ko paring sabi sa kanya.

"Hindi na." tanggi parin niya at pilit na inaabot ang book niya.

"Sumunod ka sa akin." sabi ko na lang at tinalikuran ko na siya habang bitbit ang libro niya para hindi na siya maitanggi pa.

Sumipol-sipol ako at lumingon upang tignan kung sumunod nga siya. Nakita ko na nakayuko siyang sumunod habang nasa likod ang dalawang gunggong na naka-thumbs up sa akin. Napangiti ako at agad na humarap sa nilalakaran ko ng tyempong mag-aangat siya ng tingin.

Pagdating sa kotse ko ay agad kong binuksan ang pinto sa front seat at humarap sa kanya.

"Get in." nakangiti kong sabi sa kanya.

Nag-aalangan pa siya pero nang humakbang na siya para sumakay sa kotse ko ay lalo akong napangiti.

Sinara ko na ang pinto at tumingin sa dalawa na napapangisi at napapailing.

"Ang bilis mo talaga sa girls, Segi boy. Hanga na talaga kami ni Paul." wika ni Lawrence na inilingan ko lang.

Tinapik ko ang balikat ng dalawa, "Sige na. I have to go. Kita-kita na lang sa tambayan." paalam ko at umikot na sa kabila para sumakay.

Pagkasakay ko ay tumingin ako sa kanya habang nag-si-seatbelt. Napahinga ako ng malalim at binuhay na ang makina.

Nagmamaneho na ako habang panaka-nakang tumitingin sa kanya.

Tumikhim ako, "Kanina nga pala.. Sorry, it's my fault." wika ko habang nakatingin sa daan. Tumingin muli ako sa kanya at tanging pagtango lang ang ginawa niya.

Shit! Why she like that?

"Anong year mo na?" tanong ko para mag-salita siya.

"Third year level." maikling tugon niya, "d'yan na lang sa tabi." sabi pa niya kaya napatingin ako sa paligid. Dito pala ang bahay nila hindi ko naman alam dahil hindi naman ako nakapunta pa dito noon.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon