CHAPTER 26

33.3K 668 12
                                    

CHAPTER 26

❤ Magnolia ❤

"CONGRATS BIANCA AT Paul!" masaya kong sabi nang makalapit kami ni Seige sa kanila matapos ang pictorial.

"Thank you, Mags. Kayo, kelan ba?" nakangiting tanong ni Bianca.

"Soon.." sagot agad ni Seige habang nasa tabi ko at kanina pa hawak-hawak ang kamay ko. Binangga ko ang braso niya dahil may pa-soon-soon pa siya nalalaman, hindi naman namin napag-uusapan iyon.

"Aasahan namin 'yan." nakangiting sabi ni Bianca kaya ngumiti lang ako dahil hindi ko naman alam kung kelan ba.

"We have to leave. 'Yung gifts namin ay nasa loob na ng bahay niyo." sabi ni Seige sa dalawa na nagpasalamat.

Ngumiti kami sa mga ito bago maglakad palabas ng reception.

"Bakit ngumunguso ang love ko, ha?" bulong niya sa tenga ko at inakbayan na ako habang tinutungo kung saan siya nag-park ng kotse.

"Wala." sabi ko.

"Bakit ngumunguso ka nga? Gusto mo ng kiss?" pilyong sabi niya at hinalikan ako sa pisngi kaya siniko ko siya na kinahalakhak niya.

"Wala nga. Bahala ka nga d'yan." sabi ko at inalis ang kamay niya sa balikat ko at naunang maglakad.

Hinabol niya ako at yumakap sa likod ko habang lumalakad kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid at lihim akong nakahinga ng maluwag ng walang tao.

"Masungit ka ata ngayon? Hindi mo naman menstration day, dahil alam ko kung kelan. Baka naman buntis ka na, sabihin mo agad." sabi niya na kinapula ng mukha ko.

Inalis ko ang kamay niya sa baywang ko at hinarap siya para ihampas ang dala kong bag sa kanya.

Pero agad siyang nakalayo habang tawa ng tawa.

"Napakapilyo mo!" inis kong sabi at hinabol siya. Tuwing maaabutan ko ay inahampas ko siya, kaso palagi siyang nakakalayo.

Napatigil ako sa paglalakad ng matipalok ako, kaya napaupo ako sa lupa at dumaing sa sakit.

"Shit!" siya.

Agad siyang lumapit sa akin at lumuhod, "Sorry, Love. Saan ang masakit?" nag-aalala niyang tanong at inalis ang high heels ko na suot.

"Dito." turo ko sa kanang paa ko at napadaing ng konti ng masanggi ng heels ko.

"Wait." sabi niya at lumapit sa kotse niya at binuksan ang front seat. Nang mabuksan niya ng maluwag ay agad siyang tumakbo pabalik sa akin, "Dadalhin kita sa hospital. Baka mamaga ang mga paa mo." sabi nyya at pinangko ako kaya humawak ako sa leeg niya.

"'Wag na. Hot compress at ipapahinga ko lang ang mga paa ko tiyak na mawawala rin ito." sabi ko sa kanya.

"Okay, ako na lang ang gagamot sa 'yo." sabi nya kaya napangiti ako.

Pahalang niya akong inupo at paharap sa driver seat ang mga paa ko. Sinara niya ang pinto sa side ko kaya umayos ako ng upo para makasandal.

Umikot siya at sumakay sa driver seat. Maingat niyang pinatong ang mga paa ko sa binti niya.

"Dapat sa backseat mo na lang ako inupo, mahihirapan ka n'yan." sabi ko sa kanya.

"Hindi 'yan, hihilutin ko para hindi mamaga ang ugat mo sa paa." sabi niya at in-start ang sasakyan.

Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan at tumingin sa kanya na focus sa dahan-dahan na pagda-drive niya habang ang isang kamay ay hinihilot ang paa ko.

"Sa susunod ay 'wag mo na nga isuot ang sandals na 'yan. Kapag nakita ko pa "yan, susunugin ko." sabi niya kaya napailing ako at napangiti.

"Ano ka ba, kasama na sa buhay ng babae 'yan. Tsaka hindi naman kasalanan ng high heels ko, kasalanan ko dahil hindi ako nag-iingat." pagtatanggol ko sa high heels ko. Ewan ko ba at bakit pa namin pinagtatalunan ang bagay na iyon? Sa lahat talaga ng bagay na nakakasakit sa akin ay nagagalit siya.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon