CHAPTER 22

25.9K 571 15
                                    

CHAPTER 22

❤ Lawrence ❤

"WHERE IS HE?"

Napalingon kami nila Paul mula sa paglibot ng tingin sa loob ng pad ni Seige, and all I can say is it's all a mess.

Si Kuya Duke ang nagsalita kasama ang asawa niya na kapatid ni Magnolia.

"Nagpa-book siya ng flight going to United State." sabi ni Paul na madaldal.

"What? He's crazy!" kuya duke.

"Wife, just stay here. Susundan ko lang ang ugok na 'yon."

"No, I will come with you. I also want to talk to him." Nestle.

Nagpaalam naman sila kaya kaming apat na lang ang naiwan. Ako, si Lawrence, Bea at Bianca.

-

❤ Seige ❤

I AM NOW sitting in the lobby of the airport departure area. I leaned my arms against the back of the chair while waiting for my flight to be called.

"All passengers going to the united states, you can line up at the departure entrance."

Nang i-announce na ang flight ko ay tumayo na ako habang hatak-hatak ko ang maleta habang ang isang backpack ay sinukbit ko sa balikat ko.

"Seige!"

Marahas akong napalingon ng marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. They are here! Bullshit!

"What are you doing here?" asik kong tanong.

"Ikaw ang dapat naming tanungin n'yan. Anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba malinaw sa 'yo na kaya siya umalis ay para tuparin niya ang pangarap niya na hindi mo siya palaging ginugulo." harsh pero sapul na sapul ang sakit sa sinabi ni Kuya Duke.

"I don't care what you say." sabi ko at tumalikod na.

"Oo, masakit ang maiwanan ng walang paalam, Seige. Pero naiintindihan ko na kung bakit ka iniwanan ni Magnolia na hindi nagpapaalam." sabi ni Ate Nestle, "Ayaw ka niyang masaktan. Mas masakit ang magpaalam, dahil alam ko na hindi mo kakayanin at baka pigilan mo rin siya sa pangarap niya. Kaya please, kung talagang mahal mo ang kapatid ko, hayaan mo siya na matapos niya ang pinapangarap niya na maging doctor. Bata palang kami ay 'yun na ang goal niya sa buhay. Alam nating pareho na wala ka pa no'n. Kaya kung susundan mo siya, maguguluhan lang siya at alam ko na sa ugali mo 'yan ay pipilitin mo siyang umuwi. Masakit man ang katotohanan, pero hindi lang sa 'yo umiikot ang buhay niya."

Napalunok ako at napakuyom ng kamay habang pinipigil ang pagbadya ng luha ko. What a harsh word. It was as if a truck had hit me.

Naglakad ako hindi para tumuloy kundi bumalik sa pad ko. Malinis na nang maabutan ko.

Hindi naman ako magagawang ikulong na lang nila Daddy sa Isla dahil hindi nila ako kaya.

Pabalibag kong hinagis ang maleta ko kahit saan, maging ang bag pack ko.

Tumuloy ako sa kusina para kumuha ng alak, pero napangisi ako dahil wala na pala.

Well, there is a bar just near here.

Kaya lumabas akong muli at agad na sumakay ng sasakyan. Pinaharurot ko sa pinakamalapit na bar at dahil malapit ng maggabi ay dagsa na ang mga tao.

Lahat ay nababangga ko ng dumaan ako sa kumpol ng tao sa bar at wala akong pakialam kung masaktan sila dahil pahalang-halang sila sa dinaraanan ko.

Pabagsak akong naupo sa isang couch at nagtaas ng kamay upang senyasan ang waiter.

"Give me the hard drinks." sabi ko habang tinataas ko ang mga paa ko sa lamesa.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon