CHAPTER 21

25.6K 638 15
                                    


CHAPTER 21

❤ Magnolia ❤

NAKATITIG LANG AKO ngayon sa mukha ni Seige habang magkatabi kami sa higaan ko. Hinayaan ko na matulog sya ngayong gabi na katabi ko, dahil ito ang huling araw na makakatabi ko pa siya.

Sa nakalipas na araw ay mas naging mahirap sa akin. Naiiyak ako sa tuwing maiisip ko na maiiwan ko siya na walang paalam. Ayoko na maglihim sa kanya, pero sigurado ako na hindi niya ako hahayaang makaalis.

Bukas, sa saktong pag-alis niya patungo sa isang probinsya kasama ang Tito Xander niya ay siyang pag-alis ko ng bansa. Tingin ko ay si Sir Xander ang pinakiusapan ni Tita para mailayo si Seige at para hindi niya matunugan ang pag-alis ko.

Hinaplos ko ang mukha niya na tiyak kong mamimiss ko ng matagal. Lalo na "yung bawat pagkibot ng kilay niya sa korteng salubong ay hudyat lang na galit o di kaya ay naiinis siya. Ang pagkunot ng noo niya na nagpapahiwatig na naguguluhan siya at di kaya ay walang maintindihan. Ang kanyang ilong na palagi kong pinipisil lalo na 'pag namumula kapag nakakaamoy siya ng kakaibang amoy na senyales na pala na na-alergic siya. Ang kanyang labi naman na palaging nagnanakaw ng halik sa akin at inaamin ko na hindi ko kayang tanggihan.

Napahinga ako ng malalim at yumakap ako sa kanya. Ngayon palang kasi ay mamimiss ko na siya ng sobra.

Gumalaw siya tila nagising ko kaya bumitaw ako ngunit binalik niya muli ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Love, ayaw mo ba talagang sumama sa akin bukas? Wala ka naman sigurong gagawin, 'di ba?" sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Akala ko pa naman tulog na, gising pa pala.

Napakagat-labi ako at pumikit dahil parang nagbabadya ang pagngilid ng luha ko.

"'Wag na, mahal. Pupuntahan ko rin kasi si Ate Joe dahil nagpapatulong siya sa amin ni Bettina." sabi ko kaya napahinga siya ng malalim.

"Isang araw kitang hindi makikita, pakiramdaman ko ay mababaliw ako. Bakit kasi ang layo pa ng pupuntahan namin ni Tito. Nandoon daw kasi 'yung kumpare niya na nais akong kunin para sa mabigat na kaso. Hay..." sabi niya kaya napahinga ako ng malalim. Nakapasa si Seige sa board exam at sobrang tuwa ko talaga dahil nag-top siya. Isa na siyang ganap na abogado at marami agad ang nais siyang makuha. Kaya masaya parin akong aalis dahil meron nang maipagmamalaki si Seige.

"Mahal, 'wag ka nang magreklamo. At ipangako mo nga sa akin na dapat pagbutihan mo ang trabaho mo, ha? Para malaman din ng lahat na kung gaano ka kagaling na abogado. At sana 'yung nasa tama ang lagi mong tutulungan at 'yung mga kapos sa pagkamit sa hustisya." bilin ko sa kanya.

Umalis siya ng yakap sa akin kaya umayos ako ng higa. Habang siya ay tumagilid at padapa siyang humarap sa akin habang nakatunghay.

""Yun ang gusto ng Love ko kaya susundin ko." sabi niya at humawak sa kamay ko kung nasaan ang singsing na bigay niya. Hinalikan niya ito at pinagsiklop sa kamay niya bago ilagay sa ulunan ko at binaba niya ang mukha niya palapit sa mukha ko, "I'm so excited to tie knots with you." mahinang wika niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Sorry." 'yun ang sabi ko sa sinabi niya na kinakunot ng noo niya.

"What? Sorry for what?"

"Sorry, dahil palagi ko na lang pinapainit ang ulo mo. Sorry, dahil tingin ko ay hindi ako nararapat sa pagmamahal mo. Sorry, dahil--"

Naputol ang sasabihin ko ng patahimikin niya ang labi ko gamit ang labi niya. Tumugon ako habang hindi ko mapigilan na mapaiyak.

Tumigil siya at kaya napapikit ako dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya na mapupungay.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon