CHAPTER 15

25.1K 553 5
                                    

CHAPTER 15


❤ Magnolia ❤




"LOVE!" NAPABALING AKO ng tingin ng marinig ko ang pagtawag ni Seige. Nahihiya na napaiwas ako ng tingin sa mga estudyanteng narito sa garden ng school, dahil kita ko ang pagtinginan nila na tila kilig na kilig sa pagtawag sa akin ni Seige ng 'Love'.

Narito ako sa garden dahil hinihintay ko talaga si Seige, dahil sabi niya ay sabay kaming uuwi. Tapos na ang klase ko kaya siya na lang ang hinihintay ko dahil may exam sila para sa last term ng course niya.

Isang araw palang ang nakalipas mula ng makipagtanan si Bettina kay Chad at ang pag-uwi rin nito. Kahit na masaya ang pinapakita ni Bettina sa amin ay ramdam ko at kita ko na hindi parin siya maka-move on kay Chad.

Kalat na kalat na rin sa buong school na fiancé ni Chad ang isang chinese girl na rito rin nag-aaral..

Hindi muna pumapasok si Bettina para makapag-isip siya ng maayos at malayo muna kay Chad.

At habang tumatagal naman ang relasyon namin ni Seige ay inaamin ko na hulog na hulog na ako sa kanya. Sanay na ako na parati siyang nand'yan at nakabuntot sa akin, kasi gusto ko rin naman na lagi siyang kasama.

"Tapos na ang exam niyo?" tanong ko ng makarating siya sa harap ko.

"Yes." tugon niya at humalik sa pisngi ko na kinainit ng pisngi ko, dahil maraming nakakakita. Lalo na ang barkada niya na si Paul at Lawrence na may kanya-kanyang akbay na babae na nginitian ako kaya ngumiti rin ako.

Alam na rin ng buong campus na ako ang girlfriend ni Seige. Maging ni Bettina at Samuel na nagpapasalamat ako dahil hindi pa alam ni Ma'am Beatrice at Sir Dimitri. Lalong-lalo na si Ate.

Mabuti at laging ginagabi si Ate ng uwi kaya hindi niya ako natatanong dahil tulog na ako. Kung wala naman siyang work ay lagi naman silang umaalis ni Kuya Duke. Alam ko kasi na may paghihinala na si Ate kung bakit laging nakadikit sa akin si Seige.

"Oo nga pala, Love. Girlfriend ni Paul at Lawrence." sabi ni Seige habang tinuturo ang dalawang babae.

"Hi, Magnolia. Ako si Bianca, Paul's girlfriend." pakilala ng cute at medyo maliit na babae. Napangiti ako dahil ramdam ko na mabait siya at mahiyain rin.

"Ako naman si Bea. Nice meeting you, Magnolia." sabi naman ng maputi at slim na babae na mukhang mataray sa unang tingin pero mukhang mabait rin.

"Nice meeting you rin sa inyo. Paano niyo nalaman ang pangalan ko?" nakangiti kong tanong.

"Ah, sinabi lang nila." sabi nitong si Bea.

"Gano'n ba." sabi ko at tumingin kay Seige na nasa tabi ko.

"Love, may double date kasi sila." sabi niya.

"Tapos?" nabibitin kong sabi.

"Date rin tayo." Sabi niya na parang bata na nag-aya kaya natawa ako at napailing. Kinuha ko ang libro na nakalapag sa table at ang shoulder ko bago siya hinarap.

"Sige, tara na." pagpapayag ko na kinalaki ng ngiti niya.

"Thanks, Love." sabi niya at kinuha ang dala kong libro.

"Ako na rito." sabi ko ng balak niya pang bitbitin ang bag ko.

"Hindi, ako na." pagpipilit niya at sinukbit ang bag ko sa isang balikat niya kahit na meron pa siyang sukbit-sukbit na back pack sa likod niya.

Hinawakan niya ako sa kamay at inaya na sila Paul na nakangiting nakatingin sa amin.

Kanya-kanya ng sasakyan ang dala namin. Kami ni Seige ay sa sasakyan niya.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon