Untitled Part 5

482 16 0
                                    


BAWAL GUMAWA NG INGAY. BAWAL KAUSAPIN ANG KATABI. Lahat nang katanungan ay kay Miss Carla ia-address. Torture iyon kay Anton. Parang walang hanggan ang biyahe nila papunta kung saan. Hindi rin sinabi sa kanila kung saan sila dadalhin ng coaster kaya wala siyang ideya kung ilang oras sila magbibiyahe. Isa pa, sinamsam din ang mga relos nila, kaya useless din kahit malaman niya kung saan sila papunta.

Sabi ng psychiatrist noong nasa grade school siya, mayroon daw siyang ADHD. Tuwang-tuwa si Pilita. At least daw, hindi pala ito ang dapat sisihin sa kapilyuhan niya. Excited pang nag-explain sa kanyang ama. Hindi na-impress ang engineer. Kalokohan lang daw ang ADHD na iyon, binibigyan lang daw ng palusot ang mga batang salbahe at mga nanay na hindi marunong dumisiplina sa mga anak. Pinagalitan lang silang mag-ina. Umayos daw sila.

Kaya hanggang ngayon, hindi sigurado si Anton kung totoo ang ADHD at kung taglay niya iyon. Ang alam lang niya, gusto na niyang sumigaw at magwala. Kailangan niya ang kanyang cell phone at headset. Kailangan niyang gumalaw. Kailangan niyang magsalita.

At hindi siya nag-iisa. Hindi lang siya ang naiinip at naba-badtrip. Dinig niya ang iba na hindi mapakali sa upuan, galaw nang galaw. Dinig rin niya ang mga buntonghininga, pagkakamot, pag-iinat, paghihikab.

Maliban sa isa.

Ang katabi niya.

Parang kalmadong-kalmado. Halos hindi gumagalaw. Nakamasid lang sa labas ng bintana. Ano kaya ang iniisip ng babaing nakaitim?

Anton leaned forward. Idinikit niya ang sintido sa sandalan ng upuan ni Miss Carla na nasa unahan nila ng babaing naka-itim. Sinadya niyang ipahalata sa katabi na tinitingnan niya ito. Kinikilatis.

Maiksi ang buhok. Litaw ang teynga, batok at leeg. Hati sa kanan ang buhok. Pixie cut na humahaba na rin kaya siguro may ipit sa bangs. Hairpin na itim.

Maliit ang mukha ng babae. Para ding pixie. May maliliit na tigyawat sa noo. Mga....binilang ni Anton...six. Ang kabuuan ng mukha, makinis naman. Medyo pink pa ang pisngi.

Maliit na ilong. Maliit na bibig. Bilugan ang mga mata na drinowingan ng itim na lapis ang paligid.

Slim. Mga five feet siguro ang taas or lower. Maputi.

Pixie nga.

Nakasuot ng cropped pull over na litaw ang mga sinulid sa neckline, maliit na paldang may tu pi-tupi, stockings na makapal--leggings na rin siguro iyon. Boots. Walang takong.

Kandong ang itim na Hershel backpack.

Hindi niya tinantanang tingnan ang babae hanggang tumingin na rin ito sa kanya. Nginisian niya.

Wala itong reaksyon pero binuksan ang bag. Kumuha ng notebook na may built-in pen holder. Binuklat hanggang makarating sa blangkong pahina. Nagsulat:

STOP STARING!

Pinigil ni Anton ang bungisngis. Genius! Ang notebook at ballpen! Makakapag-usap sila! Sumenyas siya na magsusulat rin. Parang nag-isip pa muna ang babae bago inilapit kay Anton ang notebook . Ibinigay sa kanya ang ballpen.

Nagsulat siya gamit ang kaliwang kamay.

Am a leftist!

Napangisi siya sa sariling joke.

WAT UR NAME

Pero bago pa makapagsulat ng sagot ang Pixie, may umalingawngaw na, 'HEY, MISS!' sa bandang gitna. Si Denim Jacket Girl ulit, nakatayo at nakataas ang isang kamay.

Tayo naman agad si Miss Carla, hinarap ang tumawag. Nakabalandra kay Anton ang dibdib nito. Hindi naman litaw ang cleavage pero matambok. Ala-Joker ang ngisi ni Anton.

"Yes?" Wika ni Miss Carla kay Denim Jacket.

"Aren't we gonna stop to eat? What about a bathroom break?" Tanong ni Denim jacket. Mahaba, kulot-kulot ang dulo ng buhok, may kulay na pink at purple. Parang naka-tube lang sa ilalim ng jacket. Dilaw.

"We'll eat at the camp. No bathroom breaks. Hold it in." Sagot ni Miss Carla. Nalubak sila, umalog din ang dibdib nito. Alog rin ang eyeballs ni Anton.

"For how long?" Follow-up question ni Denim Jacket.

Nakangiting sumagot si Miss Carla, sa malambing na malambing na boses, "Do you know what else you lack, children? The ability to delay gratification. Now, you will learn PATIENCE." Sabay upo ito. Wala na ang 'magandang view' ni Anton.

Napa-paling na lang ulit siya sa notebook ng katabi. May nakasulat na doon, in really bold letters: PERVERT!

Hiniram ulit niya ang ballpen at nagsulat: DAT UR NAME?

Bilis-bilis na nagsulat ang pixie: U KNOW ITS NOT. CREEP.

Kinuha niya ang ballpen pero maagap ang pixie, iniiwas sabay isinalpak sa notebook at itinago na sa bag. Tinalikuran na rin si Anton sa abot ng makakaya sa upuan. Tumingin na uli sa labas ng bintana.

Kinalabit ito ni Anton sa braso. Hindi ito lumingon, pagalit lang na ipinagpag ang braso. Kinalabit ulit niya. Hindi niya tatantanan hanggang hindi siya pinapansin.

Sabi ni Pilita, mas masahol pa daw ang kakulitan niya sa tutang gutom. At walang nakaka-dedma sa tutang SPG--Sobrang Patay Gutom.

Nang muli niyang kalabitin ang braso ng pixie, napa-angil na ito, "What do you want?"

Biglang tayo si Miss Carla, "What was that?" Nakatingin sa kanila.

Itinuro ni Anton ng hinlalaki si Pixie Girl.

"He won't leave me alone, Miss." Depensa nito sa sarili.

"I said no talking." Wika ni Miss Carla. "Get in the aisle. You'll stand for the rest of the trip."

"Wha--" sabay isinara ni Pixie ang bibig.

Tumayo si Anton para paraanin ito. Tiningnan siya nito ng matalim. Pinalungkot niya ang mukha, hinila pa ang ilalim ng mga mata.

Belat.

At sa pwesto nito sa tabi ng bintana siya naupo.

Pero pagkalipas ng mga limang minuto, naaawa na siya kay Pixie Girl. Mukha talagang pixie. Hanggang kili-kili lang niya. Mukhang grade four.

Naisip na naman niya si Ayeng.

Ano ang sasabihin ni Ayeng sa ganoong sitwasyon?

Buntonghininga si Anton at, "Miss Carla?"

Tayo ulit ang babae, "Yes?"

"I have a question. Important question. Can I be punished instead of her cos I made her talk?"

"No. She broke the rule, not you. Now, be quiet. No more question from you. All of you. When one breaks the rule, everybody suffers."

HITMAN TONY'S SUMMER CAMP SURVIVAL GUIDEWhere stories live. Discover now