Untitled Part 15

306 16 0
                                    


MADUMI na siya at mabaho. Mainit sa library-to-be at wala namang pinrovide na electric fan, pinawisan si Paisley ng todo at pakiramdam niya, dumikit sa kanya lahat nang alikabok at amoy na mula sa mga pintura at varnish. Maski ang mga libro ay maalikabok, ang iba ay may ipis pang kasama.

Madilim na nang muling dumating sa silid si Loy. Huli siyang pinuntahan nito ay kaninang tanghali. Dinalhan siya ng pagkain. Kanin at ginisang munggo na kinain niya nang walang kubyertos.

"Okay, ah." Comment nito nang makita ang ayos ng mga libro. "Natapos mo?"

"Meron pang natitiram inipon ko na lang muna sa isang box." Inilagay niya iyon sa isang tabi. "Tas 'yang ibang box, mga sira-sira na ang nand'yan, may mga kain ng anay, 'yung iba, parang nabasa."

"Sige, sabihin ko na lang kay Miss Carla. Tara na, ihahatid na kita dun."

"Pwedeng maghugas muna ako sa banyo?"

"Sige. Intayin kita sa may gate."

Katabi lang ng library ang banyo. Pumasok siya doon. Nasiyahan siya nang may makitang sabon, kahit panlaba, dahil iyon naman talaga ang gagawin niya. Maglalaba.

Dali-dali niyang binuksan ang gripo at binasa ang hawak na black t-shirt. Hindi iyon pinansin ni Loy kahit lantaran niyang dala-dala. Hindi nito pinansin ang basahan.

Pero hindi iyon basahan.

It was Jacob's.

Sinabon niya iyon sa abot ng makakaya. Hindi siya puwedeng magtagal masyado, baka mainip si Loy, magtanong pa bakit niya nilalabhan ang 'basahan'.

Nang sa tingin niya ay nalinis na niya ang t-shirt, binanlawan niya ng maige. Piniga rin niya ng husto. Nang matiyak na hindi na iyon tutulo, binalot niya ng hoodie sweatshirt niya. Naroroon pa rin sa bulsa niyon ang mga itlog.

"Sorry ha, natagalan ako." Aniya kay Loy paglapit dito.

"Okay lang, Tara na."

HITMAN TONY'S SUMMER CAMP SURVIVAL GUIDEWhere stories live. Discover now