Untitled Part 20

310 23 0
                                    


ARAW DAW IYON PARA SA SHARING/ OPEN FORUM/ GETTING CREATIVE. Si Miss Carla mismo ang nagsabi. Narinig ni Paisley ang diskusyon tungkol doon habang nag-aagahan siya ng tsamporado at pandesal. Sa may entryway lang ng kusina nag-uusap sina Miss Carla at Binibing Bayang. Base sa narinig niya, si Bb. Bayang mismo ang magpa-facilitate ng mga activities. May role-playing pa siyang marinig bago sumilip sa kusina si Miss Carla at sinabihan siyang bilisan kumain para makabalik na sila sa camp.

Pagkatapos ay pumasok sa opisina si Miss Carla, para siguro kunin ang mga material para sa mga activities. Tumayo na si Paisley para dalhin kay Manang Gina sa lababo ang kinainan niya. Narinig niyang tinawag ni Miss Carla si Bb. Bayang. 'Tita'. Sumunod naman iyon sa loob ng opisina.

Kinabahan si Paisley pero kinalma niya ang sarili. Wala siyang dapat ikatakot. Wala naman siyang iniwang ebidensya sa opisina kagabi. Bago siya umakyat ulit sa dingding, tiniyak niyang hindi mahahalata na may nangialam doon. Ginawa niya ang makakaya para hindi mahalata na may nakialam doon. Maliban na lang kung may nakatagong camera....pero hindi, sigurado siyang walang camera.

Sa front office na lang niya hinintay ang dalawang counselors, kasama ang dalawang lalaki na magkakarga ng almusal ng campers. Tiniyak rin niyang hindi makikita ang tshirt ni Jacob sa ilalim ng shirt niya at jacket. Isinuot niya iyon, itinupi ang mga manggas at ipinaloob sa pantalon. Saka niya isinuot ang kanyang T--shirt at jacket na isiniper niya hanggang leeg.

Hindi pa naman gaano mainit dahil wala pang alas-sais ng umaga ayon sa orasan sa ibabaw ng reception desk.

Hinigpitan din niya ang kanyang sintas. Ibinuhol ng dalawang beses.

Si Miss Carla lang ang lumabas, niyaya na si Paisley na sumunod sa likod.

"Uh, Miss--" wika niya paglabas. "I thought Bb. Bayang is coming with us."

"She had tons of paperworks to attend to." Umuna na ito sa trail, parang wala sa mood makipag-usap. Nanahimik na lang din si Paisley tutal wala na rin siyang maisip itanong at kailangan din niyang mag-isip.

Mali lang ba ang pagkaintindi niya sa narinig niyang usapan kanina? Parang hindi naman. Sinabi pa ni Bb. Bayang na rumadyo si Fredo dahil may kaguluhan sa camp, si Bb. Bayang na lang daw ang bahala pagdating nila doon.

Pero ngayon, nagpaiwan? Busy bigla?

Should I panic?

Bigla siyang tinanong ni Miss Carla pagtuntong nila ng balsa, "Marunong ka ba lumangoy, Paisley?"

"Po? O-Opo. B-Bakit po?"

"Wala..good. We're thinking of having water activities. Sana lahat kayo, marunong lumangoy." Pagkasabi niyon ay nanahimik na ulit si Miss Carla, nakatingin lang sa tubig...sa mga water lilies.

HITMAN TONY'S SUMMER CAMP SURVIVAL GUIDEWhere stories live. Discover now