Untitled Part 26

360 23 1
                                    


NA-FOCUS na ang atensyon niya sa pagsunod, paghabol kay Miss Carla. Hindi na namalayan ni Paisley ang paligid niya. Una ay nagbibilang pa siya-- One -thousand three seconds ang kalahating oras. Pero nalito na siya at nawala sa bilang. Hanggang nainis na siya at sumuko. Itinuloy na lang niya ang paghahanap kay Miss Carla. Na-curious kasi siya kung bakit nasa gubat din ang counselor. Binabantayan ba sila? Pero imposibleng magawa iyon ni Miss Carla. Siyam silang nakakalat sa kakahuyan, mache-check ba sila isa-isa? Baka may paraan ang counselor para ma-check silang lahat.

Whatever.

Curious lang siya talaga dahil sa nakita niya kagabi. Dahil doon, mas naging kahina-hinala para sa kanya ang kilos ng mga counselors. Wala na siyang tiwala alinman sa mga iyon.

Tumuntong siya sa isang malaking bato na flat ang surface at pinag-aralan ang paligid. Malinaw naman na maraming nagka-camping doon. Unang patunay na ang mga basurang naipon niya. Pangalawa, maraming trails. Salasabid na. Pangatlo, may mga traces, remnants ng mga siga at pinaglutuan.

Nasa mas masukal na siyang bahagi ng kakahuyan. Mas dikit-dikit ang mga puno at halaman, hindi ganoon kasakit sa balat ang init ng araw. Kani-kanina lang, parang nakita niya ulit ang likuran ni Miss Carla sa kanyang eleven o'clock. Tinawag ulit niya ito pero walang sumagot. Imbes ay nakarinig siya ng kaluskos ng mga dahon na nabulabog.

Hindi kaya pinaglalaruan lang siya ng mga mata at pandinig, na ang mga naririnig niya at nararamdaman ay natural lamang sa lugar?

Maybe.

Nagpasya siyang kalimutan na muna si Miss Carla. Hahanapin na lang muna niya ang mga nasa listahan niya.

Earthworms.

Madali lang ang mga iyon. Nasa ilalim lang ng mga bato kadalasan. Bumaba siya sa tinutuntungan at itinulak iyon gamit ang paa.

Nabulabog ang mga creepy crawlies doon. Nagpulasan. May maliit pang centipede. Namangha si Paisley sa mga insekto. Nakakadiri, nakakapangilabot ang mga hitsura pero...

They're also...beautiful. Graceful.

Fascinating.

Lahat nang mga hayop at insekto. Maski mga bulate.

I like earthworms. Harmless ang mga iyon at tumutulong para lumusog ang lupa.

Ibinalik niya ang bato sa dating posisyon para makabalik sa bahay ng mga ito ang mga insekto. Naghanap siya ng iba pang bato hanggang makaswerte ng earthworms. Naghagilap siya ng manipis na sanga at inihanda niya ang plastic bottle na paglalagyan niyon.

"I'll set you free promise. Just don't die." Labag talaga sa kalooban niya na alisin sa tahanan ng mga ito ang mga bulate. Nilagyan na rin niya ng kaunting lupa ang bote. Para hindi masyadong ma-homesick ang mga bulate. Hindi na niya tinakpan at sa water pouch ng kanyang backpack niya inilagay.

Bigla niyang naisip si Anton. Sinadya niyang sa lalaki ibigay ang kaputol ng listahan kung saan kasama ang bullfrog. Nakahuli na kaya ng frog si Anton? Napangiti siya sa naisip.

Why, that big dude can make me smile. Even laugh. Isa pa iyong pagkakapareho nina Anton at Jacob. Parehong nakakatawa ang mga iyon, kahit magkaiba ang paraan.

Dry humor kay Jacaob.

Slapstick si Anton.

Tumuwid siya. Oras na siguro para tagpuin sina Anton. Pumuhit siya. Tiwalang mate-trace niya ang pinanggalingan.

May narinig siya.

"Paisley!"

Tinig ni Miss Carla.

Pihit ulit si Paisley, "Miss? Over here!"

Ilang segundo ang lumipas. Parang pati hangin huminto at nabalot ng katahimikan ang kakahuyan.

Narinig na uli niya ang tawag ni Miss Carla, "Paisley!"

Nanggagaling iyon sa direksyon kung saan 'parang' nakita niya ito kanina. Kung ganoon, hindi siya pinaglalaruan ng mga mata niya. May nakita talaga siya.

Humakbang siya patungo doon.

"Miss Carla?" Tawag niya. Paulit-ulit.

Wala nang sumasagot. Sa unahan niya, may puno pero hindi na ganoon kakapal. Mas maliwanag doon. Mas nakakapasok ang sikat ng araw. Hinawi niya ang mga gumagapang na halamang nakahara sa dadaanan niya.

Napasinghap siya.

Nasa bingit siya ng bangin at kung hindi nakahawak pa siya sa creeping vines, baka natuluyan siyang mahulog.

Nanlamig ang buong katawan niya. Parang nawala lahat ang bigat niya. Nanghihina siya at nanginginig pero hindi niya magawang gumalaw. Ni hindi niya magawang humakbang paatras. Pakiramdam niya, kapag gumalaw siya, guguho ang tinatapakan niya.

Hindi rin niya magawang alisin ang tingin sa kung ano ang nasa ibaba ng bangin.

Bigla siyang napaluhod at napasubsob.

Hindi dahil sa panghihina at panginginig.

Parang may pumalo ng isang mabigat na bagay sa alak-alakan niya.

Ganoon na lang ang kanyang sigaw.

HITMAN TONY'S SUMMER CAMP SURVIVAL GUIDEWhere stories live. Discover now