Untitled Part 17

311 17 0
                                    


PARE-PAREHO NAMAN ANG MGA KUBO AT UMAGA PA LANG, NAIKUTAN na ni Anton ang kubo ng Team Two--dahil nga binabalak niyang gantihan--at tuwang-tuwa siya na makitang bukas ang bintana sa tabi.

Ang kailangan lang gawin ay itaas si Chi doon at hayaang gawin nito ang 'itchy deed'. Kinakabahan din naman si Anton. Baka maisipan ni Fredo na silipin kung tapos na sila maghugas ng mga plato, makikitang wala sila doon. Magroronda.

Mas yumuko pa si Anton. Halos sumuot na siya sa silong ng kubo. Pigil ang hininga. Alerto ang pakiramdam at paningin. Bawat anino at bawat kaluskos, nagpapalundag sa puso niya.

Hanggang sa wakas, pagkatapos ng parang walang hanggan, narinig niya ang sutsot ni Chi. Tiningala niya ito. Nakasilip na sa bintana.

"Tapos na?" Bulong niya. Tumayo na siya at humandang saluhin ang kasama. Lumaktaw na ito sa bintana.

Nagtatakbo sila pabalik sa kubo ni Fredo.

"That was awesome, Bruh!"

High-five!

"I can't wait to see their reaction." Wika pa ni Chi.

HITMAN TONY'S SUMMER CAMP SURVIVAL GUIDEWhere stories live. Discover now