Untitled Part 11

328 18 0
                                    


BUMABA sila ng balsa at naglakad patungo sa gusaling pinanggalingan nila nang nakaraang araw. Walang imik at kumibo-dili si Paisley habang nasa balsa sila.

Iniisip niya si Anton. Yeah, him. Halata naman kasi na nagtataka iyon kung bakit umamin na lang siya, imbes na ipaglaban ang totoo.

But that truth was nothing compared to the truth I am after.

Kumatok sa backdoor ng gusali si Miss Carla. Bumukas naman agad iyon, may matandang-babae na sumilip.

"Okay na?" Tanong dito ni Miss Carla, sinilip pa ang loob.

Tumango ang ale. Nasa fifties siguro. Katamtaman ang pangangatawan pati ang taas. Nakasalamin. Maiksi ang buhok. Parang mailap ang mga mata. Para ring galit na malungkot na ewan ang expression.

Baka naman ganoon lang talaga. Resting Bitch Face.

Tuluyan nang binuksan ng ale ang pinto. Sumunod na si Paisley kay Miss Carla sa loob nang pumasok ito.

"Sit down." Utos sa kanya ni Bb. Bayang, nasa likod niya.

Naupo sa bench si Paisley, itinaas ang kamay "Ahhm, w-what am I supposed to do here?"

"You'll find out." Sagot ni Bb. Bayang.

"When do I get back to the camp?"

"it depends." At sa ale na bumaling si Bb. Bayang. Parang nag-usap ang mga mata ng dalawa pagkatapos ay magkasunod na nagtungo sa reception/office area ng gusali.

"Okay, let's have some breakfast first." Wika nI Miss Carla, lumapit sa kalan kung saan may nakapatong na malaking kaldero.

Iginala ni Paisley ang paningin sa buong kusina/komedor. Ang pakiramdam doon ay kagaya ng pakiramdam pagkatapos ng bagyo.

Humid.

Yeah, the floor looks kind of damp. Semento lang iyon, walang kulay. Hindi naman niya ramdam sa paa niya kung basa nga dahil naka-sneakers siya. Yumuko na lang siya, kunwari ay inayos ang kanyang sintas. Pasimple niyang hinipo ang sahig.

Basa-basa nga. Malamig. Malagkit.

Pero ganoon naman yata talaga ang mga sementado lang na sahig. Tutuwid na sana siya nang mapatingin siya sa likod ng pinto. Hindi pa iyon nakasara ulit kaya natabingan ang nakatambak doon na kalat.

Mukhang may nagwalis gamit ang plastic na walis pero imbes na ideretso sa basurahan ang winalis, inipon lang sa sulok at tinakpan ng walis.

Maybe they'll get back to it. Maybe they're getting a trash bag.

Whatever.

Mga bubog ang nakatambak doon. Baso? Garapon? Could be. Pero bukod sa mga bubog, mayroon ring bulak at mga lukot na paper towels.

Nanghilakbot si Paisley.

May mga dugo ang bulak at paper towels.

"here you go." Wika nI Miss Carla.

Napaigtad si Paisley, kunwari ay nagkamot ng binti bago siya tumuwid ng lubusan.

"T-Thank you, Miss." Aniya. May bowl na ng lugaw sa harapan niya.

Lumaktaw na sa bench si Miss Carla at naupo sa tabi ni Paisley. Tinanggal din nito ang takip ng malaking bowl na nasa mesa. Mga itlog na nilaga. Kumuha ito ng isa, binasag sa mesa ang shell at binalatan.

Ginaya niya ito. Gutom na talaga siya. Nang-aanyaya ang mga itlog.

"So, how did you manage to hide your cigarettes from Fredo?" Tanong ni Miss Carla kay Paisley.

"Uh, i---I just took it from my backpack so it wasn't there when Fredo did the search. I was just hoping I could sneak away to smoke....and we weren't frisked naman after that, so it just stayed in my pocket." Kutob naman niya, ganoon rin ang ginawa ni Valerie kaya hindi nahuli ang yosi.

At nangangahulugan iyon na hindi ganoon kabusisi sa paghahalungkat si Fredo. Ginamit lang niya ang naobserbahan kaya naitago niya ang yosi.

"How long have you been smoking?" Tanong pa ni Miss Carla.

"Uh, a year?" Hindi nakaligtas kay Paisley na para siyang si Verlaine sumagot. Patanong. Dahil nagsisinungaling siya. Hindi siya naninigarilyo, And I never will.

"It's time to quit, okay?"

"Yes, Miss." Kinagat niya ang itlog na binalatan at sinunod-sunod na niya ang subo ng lugaw.

"You can have more if you want." Wika ni Miss Carla.

Hindi makapaniwala si Paisley. Mukhang mas okay pa maparusahan, hindi tasado ang pagkain. Buong magdamag na mahapdi ang sikmura niya dahil dalawang saba lang naman ang dinner. Hindi niya masyadong nakain ang inihaw na kamote dahil hindi naman nila iyon naluto ng maayos. Hindi rin siya nakatulog ng maayos. Ang tigas ng banig. Ang talas pa sa balat.

Higit sa lahat, first time niya iyon natulog na dalawang lalaki ang kasama. Katabi. Isa lang kasi ang banig. Tig-iisa lang sila ng unan at kumot.

Napabuntonghininga siya. Nami-miss na niya ang kanyang kwarto...ang kanyang mommy..daddy....miss na rin niya ang pagkakaroon ng pagkain anumang oras niya maisipang kumain.

HITMAN TONY'S SUMMER CAMP SURVIVAL GUIDEWhere stories live. Discover now