Untitled Part 12

363 26 1
                                    


Bigla siyang napaisip: Paano kung iyon na pala ang una at huling pagkain niya buong araw? Lugaw at itlog.

Maya-maya ay tumayo na si Miss Carla. Ubos na ang lugaw nito.

"Someone will be here in a while." Bilin nito bago siya iniwan sa kusina.

Walang inaksayang sandali si Paisley. Kumuha siya ng tatlongitlog sa bowl. Ibinulsa sa itim na hoodie sweat shirt. Buti na lang naisipan niyang suotin. Malamig kasi kaninang madaling araw. Hinubad na lang niya nang mag-exercise sila at itinali sa beywang.

Nang maitago ang mga itlog, kumuha pa ulit siya ng lugaw. Ganon pala talaga kapag naranasan ang magutom. Nakakadala. Ayaw na niyang maulit....kaya pala parang hayok ang mga tao doon sa depressed areas na pinupuntahan nila kapag immersion.

Napapangalahati niya ang lugaw nang pumasok mula sa backdoor ang isang maliit at payat na lalaki. Hindi na teen-ager, parang nasa twenties na. Naka-shorts na pambasketball, T-shirt na pinutol ang manggas, tsinelas.

"Ikaw si Paisley?" Nakangiti naman ito. Mukhang friendly.

Tumango siya.

"Tapos ka na?" Tanong pa ng lalaki.

"Oo." Tumayo na siya at lumaktaw sa bench. Kumuha siya ng baso at isinahod iyon sa water dispenser sa tabi ng entryway sa kusina.

"Sumama ka sa akin. May pinapagawa sina Binibining Bayang."

Iyon ring daan papunta sa daungan ng mga balsa ang binagtas nila pero imbes na dumeretso sa lawa, kumanan sila nang nangangalahati na ang trail.

Napansin na niya iyon kahapon at kanina, at naisip pa kung saan kaya iyon hahantong. Ngayon, malalaman na niya.

"Kuya, ano'ng pangalan mo?" Tanong niya sa kasama.

"Loy."

"Kuya Loy." Aniya. "Uh, empleyado ka ba nina Miss Carla? I mean, kasama ka sa group nila na nag-o-organize ng summer camps?"

"Hindi. Sideline ko lang 'to. Pag may pinapagawa sila, ako ang pinapatawag. O kaya 'yung tatay ko. Hindi pwede ang tatay ngayon, may trabaho sa bayan, sa 'kin pinasa ang trabaho. Sayang naman, eh."

"Ano'ng lugar ito , Kuya? Ano'ng bayan? Tsaka anong baryo ito?"

"Cavinti. Kanluran lang ang tawag naming dito sa sitio."

Napatango siya, kahit paano ay nakadama ng sense of accomplishment. At least, alam na niya kung nasaan siya. At tama siya, nasa Laguna pa rin sila.

"Lagi bang may nagka-camping dito?"

"Oo, pero ang alam ko, sa gobyerno ito at ide-develop na nila para maging tourist attraction. Kaya nagpagawa ng building sina Miss Carla doon." Inginuso nito ang dako pa roon. "Nabili nila 'yung lupa, parang doon na lang nila dadalhin ang mga campers sa susunod. Kasi, isasara muna ito sa mga campers at hikers. Napayagan lang sina Ma'am Carla kasi may permit na sila bago pa 'yung desisyon ng mga konsehal."

"Ah." Tango ni Paisley.

Hindi nagtagal, tumambad sa kanya ang bakuran na base sa itsura ay pansamantalang binakuran ng mga yero at table. Sa gitna ay may dalawang-palapag na gusali. Parang gusali sa mga eskwelahan.Bagong gawa. Wala pang pintura . Nakatambak pa ang mga sobrang materyales sa isang panig.

Pumasok sila sa gate na mukhang pansamantala rin lang. Deretso sa front entrance si Loy. May pintong salamin.

Tiles ang sahig. Puti. Light blue ang pintura ng dingding. May maliit na lobby sa kaliwa ng entrance. Sa unahan nila ay pasilyo.May mga silid sa tabi. Sa kanan naman ng entrance ang hagdan.

"Ano'ng gagawin ko dito, Kuya Loy?" Tanong ni Paisley. Amoy pintura at iba pang kemikal ang paligid.

Dumeretso sa pasilyo si Loy. Binuksan ang ikatlo at huling silid doon. Pinturado na rin. Malinis. May mga built-in floor-to-ceiling shelves sa dalawang dingding. May mga kahon sa gitna na naglalaman ng mga libro, magazines at iba pang babasahin.

"Ito daw ang library. Ayusin mo daw 'yang mga libro." Lumapit ito sa isang shelf, may kinuha doong papel, ibinigay kay Paisley, "Ikaw na daw bahala."

Binasa niya ang nakasulat: HISTORY, GEOGRAPHY, ARTS, SCIENCE, FICTION. ETC.

Next line: KIDS, ADULTS, TEENS

"I see." Kailangan niyang i-organize ang mga libro at babasahin. Easy enough.

Dahil hilig niya ang mag-organize.

And I love books.

Humanda na siyang magtrabaho. Kung iyon ang parusa sa kanya, It's awesome. Books are my life.

Lumapit siya sa bookshelves, "Ah, Kuya Loy? May basahan ka na malinis? Maalikabok, eh. Pupunasan ko muna."

"Ah, sige. Hahanap ako." Iniwan siya nito sa silid. Agad niyang ineksamin ang mga libro. Mga textbooks. Mukhang donasyon mula kung kani-kanino. Pagsasamasamahin din niya ang mga iyon. Isang linya ng shelf ang ide-dedicate niya sa textbooks, lalagyan niya ng label--science, math, language....

Bumalik si Loy, "Ito lang nakita ko, eh. Pagpag mo na lang." Iniabot nito sa kanya ang itim na basahan. Lumang T-shirt, kapit-kapit na dahil pinampunas na yata sa kung anu-ano. May mga mantsa ring puti, powdery. Parang natuyong grout. Amoy gaas.

"Thanks." Iniladlad pa rin niya ang basahan sa abot ng makakaya.

Hanggang natigilan siya.

Kilala niya ang T-shirt na iyon.

"Okay ka na dito? Akyat na 'ko, may gagawin ako dun." Wika ni Loy.

"O-Oo, Kuya. S-Salamat."

Hindi siya puwedeng magkamali.

Kay Jacob ang t-shirt. Bigay niya sa lalaki.

"I got it from ebay. It belongs to a collector but he passed away, the grandson decided to sell them. He needed college money, the granddad would understand."

Vintage t-shirt iyon na galing pa sa unang American consert ng Beatles. Alam niya na totoo dahil nagpatulong pa siya sa kanyang papa na i-aunthenticate iyon, sa tulong na rin ng mga colleagues nito sa U.S.

Gustong-gusto iyon ni Jacob.

Nalaglag ang luha ni Paisley.

"Jacob." Hikbi niya. "Where are you?" Niyakap niya ang T-shirt.

HITMAN TONY'S SUMMER CAMP SURVIVAL GUIDEWhere stories live. Discover now