Untitled Part 21

360 21 0
                                    


NAKA-assemble na ang mga kapwa niya campers. Naghahanda nang mag-exercise. Halata ni Paisley na nagulat rin si Fredo nang makitang hindi nila kasama si Bb. Bayang. Nilapitan ito ni Miss Carla, lumayo ng konte ang dalawa para mag-usap.

May sumigaw, "Pey!"

Parang huminto ang tibok ng puso niya sa narinig. Si Jacob lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon. Ang karamihan, kasama na ang mommy at daddy niya, Leigh ang tawag sa kanya.

Si Anton ang tumawag sa kanya. Kumakaway pa at nakangisi. Walang dudang tuwang-tuwa sa pagbabalik niya at...sa totoo lang, natutuwa rin naman siyang makita na ulit ito. Pati si Chi, siempre.

Lumapit siya sa mga kagrupo.

Bear hug ang salubong ni Anton sa kanya. Angat siya sa lupa sa higpit ng yakap nito.

"You're back! I'm so happy you're back!

"Don't be silly. Put me down." Aniya.

Ibinaba siya ni Anton. Niyakap rin siya nI Chi pero hindi naman kasing higpit ng kay Anton. Ang asal ni Anton, parang si King Tut or simply Tut--short for tuta raw sabi ni Professor . Sadly, nagkaroon ng infection sa tiyan si Tut, namatay. Hindi nila magawang bumili ng panibagong aso. Mahal na mahal nila si King Tut. Masayahin at laging excited ang beagle. Malikot masyado, nakakairita minsan pero nakakatuwa kadalasan.

Paris ni Anton.

Naaalala rin niya kay Anton si Jacob. Kakatwa iyon dahil si Jacob ay emo type. Mas gustong nag-iisa dahil daw hindi naman daw ito naiintindihan ng mga tao, bakit pa makikihalubilo?

Habang si Anton,parang ang bilis makipag-kaibigan...at makipag-away. Dahil siguro masyado itong...transparent. Walang itinatago.

Physically, magkaiba rin ang dalawa. Sa laki ni Anton, alam mo na kaagad na malakas at matibay.Si Jacob, payat at maputla. Hindi makikita ang tinatagong lakas at tatag dahil wala iyon sa pisikal nitong anyo. Nasa utak. Matalino si Jacob at iyon rin ang dahilan kaya laging may problema sa school. Nakakainip daw. Nakakasawa ang mga leksyon. Ang mga routines.

Sa kabila ng pagkakaibang iyon, pareho sina Anton at Jacob. Dahil taglay rin ni Anton ang parang nasasaktan na facial expression ni Jacob.

They both looked hurt.

Pumunta na sa unahan si Miss Carla at pumito. Nagsimula sila sa stretching, susundan iyon ng squats at lunges may kaunti ring Zumba moves. Tinapos nila ang exercice sa Jumping Jacks.

"Alright!" Wika ni Miss Carla matapos pumito. Sinenyasan na silang huminto. Nagpatuloy ito nang makabawi na silang lahat ng paghinga, "Someone or some people deliberately put ants on Team Two's beddings."

"What?" Usal ni Paisley sabay linga sa Team Two. May mga pantal nga sa braso si Tristan.

"And since no one has come out to admit his crime, you'll all be punished for it."
"But we're the victim, Miss!" Angal ni Harlan.

"Who told you to get victimized?" Katuwiran ng counselor. "No lunch for today. Now go and have some breakfast!"

Nagtaas ng kamay si Paisley, "Miss, I already ate, so can I just use the time to wash-up and change?"

"Sure. Go ahead."

Tumakbo na si Paisley sa kanilang kubo. Kinuha niya ang mga damit at toiletries sa bag, bumaba na siya sa banyo na nasa likod ng kubo.

Napawisan niya ng husto ang T-shirt ni Jacob kaya nilabhan na ulit niya iyon kasama damit niya gamit ang baong liquid detergent. Dalawang buwan sila doon,sinabihan ang mga magulang nila na sila ang maglalaba ng mga damit nila.

At obviously, nakapaglaba na sina Anton at Chi. Wala nang space sa sampayan. Bawat kubo, may sariling sampayan sa likod. Okupado na iyon ng mga tshirts, boxers, shorts. Kung maayos sana ang pagkakasampay, may space pa para sa mga damit niya.

Kaso..

Napailing na lang si Paisley sa hitsura ng sampay ng dalawang lalaki.

Buti na lang totoong girl scout ang kanyang mommy. Pinagdala siya ng 'emergency sampayan' daw. Rubberized nylon cord. Kailangan lang niya ng mapapagsabitan niyon.

Wala sa labas pero sa loob ng banyo mayroon. Katapat ng shower area--mas bagay ang 'balde and tabo' area--may nakausling pako at sa tapat niyon, may hook na sabitan ng tuwalya.

Isinampay niya ng maayos ang mga nilabhan at saka lang siya naligo.

HITMAN TONY'S SUMMER CAMP SURVIVAL GUIDEWhere stories live. Discover now