C H A P T E R - 1

18K 387 18
                                    

"Love at first sight is not true, it's just like and not love."

Clint's POV

HELLO EVERYONE! Well, magpapakilala muna ako. I'm Clint Avance, a 25 years old man and i am a bisexual. I am working under my friend's LeVough Company as his secretary.

When it comes to my physical appearance, hindi ko masasabing gwapo ako. Yung sakto lang.

Hindi ako tulad ng ibang mga lalaking mapapa-sign of the cross ka sa sobrang gwapo, hot at ma-appeal. Well, sad to say, hindi ako ganun. Hindi din ako tulad ng mga nababasa niyong story sa wattpad na may angelic face or mala greek god na katawan.

Normal lang ang mukha ko, dark brown hair at may highlight sa upper portion which is blonde, normal black eyes, hindi masyadong matangos na ilong, may cheekbones din at may normal na lips 'di tulad ng iba na may red kissable sexy lips.

Yung height ko naman ay normal 5'7 at normal na pangangatawan. Overall, NORMAL ako at hindi EXAGGERATED tulad ng iba.

Sa ngayon, nasa bar ako kasama ng iba ko pang kaibigan. Every Saturday kasi is our bonding day. Kahit na may kanya-kanya na kaming buhay, we still keep in touch with each other. We're friends way back high school years and now yung iba sa amin may mga anak na't lahat but that didn't stop our bonding. Napaka understanding naman ng mga naging asawa nila kaya ok lang.

In our group, there are 5 who had their own family already and 1 who has a boyfriend and 4 who are still single and i am part of that 4.

Alam niyo yun, kahit na gustong-gusto kong magkagirlfriend or boyfriend man lang pero malas ata ako sa lovelife eh. In my years of existence, nagkaroon ako ng 5 boyfriend at 1 girlfriend at lahat ng iyon ay seryoso na umabot ng mga taon kaya lang lahat din na yun ay niloko lang ako. Diba ang saklap. Pero kahit na ganun, still pursuing love pa din kasi ayoko namang tumanda ng mag-isa. Ok lang kahit na hindi na ako mag-asawa basta magkaroon lang ng anak ok na sa akin. Hindi na ako bumabata at kahit na 25 years old palang ako, matanda na yun para sakin para gumawa ng sarili kong pamilya.

When it comes to my family naman, i can say that i am a lucky child to have my family right now. Hindi man kami biniyayaan ng yaman, we are rich when it comes to love. Tinuruan ako ng mga magulang kong maging mabuti hindi lang sa sarili at maging sa kapwa kaya lang nung naging highschool ako at nakilala ko ang mga barkada kung mga bully sa school, nagbago ako at naging pasaway at palaging nakakahanap ng away. Well, teenagers is real ika nga nila, madali matukso pero don't worry bumalik din naman ako sa dati ng makilala ko yung mga kaibigan ko.

Nahirapan pa ako nung una kasi nasanay akong palaging may nakakabugbugan pero as we complete our junior years dun na bumalik fully, yung 'ako' talaga nung una. Kaya kahit na may pagkabaliw at bangag tong mga kaibigan ko, i really treasure them kasi sila ang nagpabalik sakin sa tunay kong katauhan. Di ko man masabi sa kanila ang sincere na thank you ko kasi sanay sila sa pagiging palabiro ko at pagkakaroon ng slight na bad boy image, alam naman nila yun the way i act.

"Hoy ano yang tinutunganga mo jan, itungga mo na tong baso mo nang matapos na tayo." ani saakin ni Allen sa akin.

"Oo nga, antagal na niyan sa kamay mo, di mo pa din iniinom." segunda naman ni Leo.

"Oo na, ano kala niyo, diko kayang i one shot tong alak na to?" pagmamayabang ko. Hindi naman kasi sa ano ah pero mataas ang alcohol tolerance ko kaya kahit na ilang oras pa kaming magbababad sa alak na toh, ako lang ang last man standing dito.

"Yabang neto ah, ano suntukan nalang," ani ni Kyle na mukhang lasing na habang tinataas ang sleeves niya. Baliw talaga.

"Di ako pumapatol sa mga weak tol, sorry hahaha" ani ko nalang at ni-one shot ang alak.

"Ang boring naman, laro tayo." biglang sabi ni Angelo.

"Ano laro yan? Ayus-ayusin mo lang ah, baka masabon ako ng asawa ko." birit na sabi ni Shenon. Napaghahalataang under ng asawa.

"Lol, wala ka pala eh." hamon ko sa kanya.

"Baliw, pag nagka-asawa ka mararanasan mo din ang nararanasan namin ngayon." ani ni Niel.

"Wala nga yang girlfriend o boyfriend eh, asawa pa kaya" sabi ni Mark na nasa tabi ko. Sa lahat ng mga kaibigan ko, dito lang ako sa gunggong na toh nakakapag share na hindi nahihiya kaya alam na alam niya ang mga problema at pati na ang sitwasyon ko.

"Maghanap ka na kasi bro, tagal na din ng huli mong jowa ah," sabi naman ni Trev na nasa tabi ko din.

"Oo nga," ani ni Chris.

Oo nga antagal na din magmula ng maghiwalay kami ng jowa kong babae. Hay, ang hirap pa man din makahanap ng babaeng tanggap ang kasarian ko. Alam niyo naman na bisexual ako diba? Pero kahit na bisexual ako, lamang pa din sa akin ang pagiging homosexual ko kesa sa pagiging hete kaya nahihirapan akong makahanap ng babaeng mamahalin ko. Well, bakit babae? Kasi sabi ko nga tumatanda na ako kaya gusto ko na din magka-anak. Nagseselos ako sa mga kaibigan ko pag may pagkakataong dinadala nila angbmga anak nila sa kompanya ni Mark. 'Di ko mapigilang isipin na kung heterosexual lang ako, baka matagal na akong nakahanao ng mapapangasawa ko.

'Di ko din naman masisisi ang sarili ko khng bakit sa lalaki ako mas nagkakagusto, alam kong may rason ang Diyos kung bakit ako ganito at naniniwala ako sa destiny pero kung destiny kong mabuhay ng mag-isa dun na ako  gagalaw.

Ipapangako ko sa sarili ko na kahit ano man ang mangyari, magkaka-anak ako bago ako mag 26 years old which is 10 months from now.

His Unexpected Babies (Mpreg) (HIATUS)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz