C H A P T E R - 11

5.8K 267 18
                                    

A/N: Flex ko lang po na habang nagsusulat ako ay nakikinig ako ng Fifth Harmony musics :D.

Here's the update po. Sorry po at napahaba ng chapter na ito :'(.

BTW, Thank your for those people who reads and supports my story. Thank you so much guys. Hope you enjoy this chapter. Mwa ❤



"Jealousy can lead to Anguish and Anguish can lead to Destruction."


Clint's POV

MULA nung nagyari sa bar ay palagi na akong wala sa wisyo. Yung parang palaging lasing kahit na hindi naman talaga. Pag naiisip ko si Kate ay napapaluha nalang ako. Wala eh, mahal ko yung tao, alangan namang tawanan ko lang kahit nasasaktan na ako. Masabihan pang baliw, mahirap na.

Oo masakit pa rin lalo na at magkaklase kami. Diba, double kill. Minsan nati-tripke kill pa kasi transferee pala sa school namin yung 'boyfriend' niya daw. Pinag-uusapan na mga sila pero parang walang paki si Kate.

Minsan nakita ko pa silang naghahalikan sa may cr ng girls. Hindi sa loob pocha, mapupulis pa ako pag nakita ko sila sa loob. Dun lang sa may gilid na di kita ng ibang mga student pero dahil adventurous akong tao kaya ay kung saan-saan ako napupunta dito sa campus. Isa sa adventure ko yung sa likod ng building kung naalala niyo pa. Yung nakita ko si Ice. Luhh, namiss ko yun. Haha

At yun nga, minsan ko nang nakita si Kate at yung 'boyfriend' niya na naghahalikan sa gilid ng cr ng girls. Alam niyo yung triple kill na nga, nag-savage pa. Lintik talaga. Pinapa-mukha talagang wala na kami. Diko tuloy mapigilang maging bitter. Bwisit.

Hindi ko nalangnpinansin kahit na nasaskatan ako. Kahit naman kasi bitter ako, di ako manhid lara di makaramdam ng sakit. Kung pwede lang iluto ang pagiging broken hearted, niluto, kinain at tinae ko na ito, matagal na. Hmp!

Tsaka, umalis na din ako sa mga part time jobs na pinagtrabahuhan ko noon. Wala naman na akong girlfriend eh kaya wala na akong ibang pagkakagastusan kundi sarili ko lang at yung allowance ko naman ay haling kila mama at papa.


NGAYON ay nasa bar na naman ako. Simula din noong pangyayaring yun ay naging regular na ako sa bar kung saan ko nakita si Kate. Ipapamukha ko lang sa sarili ko na dapat na akong mag-move on kasi wala talagang forever. Hindi ako masokista pero gusto ko lang talagang i-motivate yung sarili ko na dapat harapin ang lahat ng masasakit na nangyari sa akin at kalimutan ito para in the near future ay wala akong makakaligtaan. Baka kasi pag patuloy ko pang iisipin ang lahat ng nangyari sa amin ni Kate ay mag suicide na talaga ako. Sayang naman at mababawasan ng gwapong nilalang ang mundo.

Nasanay na din ako sa lasa ng alak dito sa bar na to. Pabalik-balik ba naman di ka masasanay. Nakakahiya pa man din pag nahahalata nila na baguhan ako when it comes to drinking liquor. Tawanan pa ako ng barista ulit, baka masuntok ko na talaga sarili ko.

Habang nainom ako ay diko maiwasang makaramdam ng parang may taong nakatingin sa akin. Alam mo yung tingin na para kang hinuhubaran. Yung kahit na tingin lang ay sinisilaban ka na. Bigla tuloy akong nanginit. Gusto ko tuloy makipag *ehem* alam niyo na. Yung exercise pag gabi err pwede din sa  umaga.

Napalaki ang mata ko nang marealize kong ano yung mga ini-imagine ko. Epekto ba ito nung nakita kong naghahalikan sila Kate. Lintik kasi yang tumititig eh, ang init tuloy.  Shit! Lasing na din ata ako, ano-ano nalang naiisip ko. Buti sana kong may kasama akong umuwi sa dorm. Buti nga at nakatakas ako sa guard eh. Kahit naman kasi private school yung eskwelahan ko at may dorm sa loob ay ok lang naman na lumabas. Wag ka lang papakita sa guard kasi baka ma-guidance ka. Tsaka no need naman kasing lumabas, diba nasabi ko nang maraming mga establishments sa loob ng building kaya para ka na ding nasa labas kahit nasa loob lang ng school. Pero since broken-hearted ako ay walang makakapigil saking lumabas. Wala naman akong roomate kaya wala din mamomroblema sa akin. Si mama at papa ko naman ay chill lang. Parte na daw kasi yan ng buhay teenager kaya hinahayaan lang nila ako basta alam ko daw ang limitasyon ko. Diba, answeet at supportive ng mga magulang ko. Kaya mahal na mahal ko yung mga yun eh.

His Unexpected Babies (Mpreg) (HIATUS)Where stories live. Discover now