C H A P T E R - 9

5.5K 256 16
                                    

A/N: Sorry for the late update guys. Nagkaroon lang po ng family problem that is why, I didn't have the urge to update :'(.

As a compensation, kahit na hindi pa din ok ay mag-uupdate ako para sa inyo kasi mahal ko kayo. Yes namann!

BTW, this story reach 1k reads because of you all. Thank you for spending your time reading this story. Let's pray na maging successful po ang story na ito. God bless us all ❤.


"Secrets can be hidden but hidden secrets are bound to be known."

Clint's POV

"HAPPY birthday babe" ani ko kay Kate habang kayakap ito. Makikita sa mukha ko ang saya, ikaw ba naman magkaroon ng maganda, mabait, at napaka-undertsanding na girlfriend.

"Thank you babe, thank you for all the efforts that you made. I am so thankful to be your girlfriend." ani naman niya sa akin na makikita mo din dito ang saya. Kaya kahit lalaki ay kinilig talaga ako, shit nakakahiya. Well, normal na sa aming mga lalaki ang mahiya kung kikiligin man. Hindi naman kasi kami showy tulad ng mga babae. Kalma lang kami  kumbaga, pero may iba pa ding lalaki na kahit kalma ay makikita mo pa din na kinikilig at isa na ako dun.

"No babe, dapat ako ang nagsasabi niyan kasi I am bless to be your boyfriend. Feeling ko tuloy napakabait kong tao sa past life ko to be with the woman I love now." sabi ko pa sa kanya. Para tuloy kaming mga kitikiti na kilig. Napaka-cringy man pakinggan pero I really love her and I will do my best to be the man that she will be proud of.

Woah, ume-English na naman ako shemay. Nagka-girlfriend lang English na ako ng Emglish. Buti sana kong straight, conyo naman. Tsk,yaan na nga, inlove eh.

WE spent together that day holding hands while walking. Pumunta din kami sa paborito naming tambayan which is JOLLIBEE. Yes, naging favorite spot namin ang Jollibee other than masarap ang Jolly spaghetti nila na paborito ko at Chicken Joy na paborito ni Kate, mahalaga din sakin ang fastfood na ito kasi dito ko unang dinala si Kate. Diba ang sweet, napapakanta tuloy ako nung kanta ni James at Nadine na Bahala Na. Yun nga yung theme song namin ni Kate eh. Mais ba? Wala kayong maggagawa, yun yung theme song namin eh, bakit ba -_-

Napatingin ako sa kanya ng magsalita ito.

"Babe, nagyaya yung friend ko na kakarating lang from Canada to hang out later, is that ok with you?" tanong niya sa akin. Shit! Bakit ngayon pa. May hinanda ako sa condo ko na romantic dinner with candles and balloons eh. Pano na ito?

"H-Huh? Ahh" aayaw sana ako ng magsalita ulit ito.

"Babe please, minsan ko lang makita yung friend na iyon since di naman siya dito nakatira kaya payagan mo na ako." hirit pa niya with cute puppy eyes and pouty lips. Diba ganto lagi ginagawa ng mga babaeng nasa Wattpad? Opss.

Hay, anong sasabihin ko? I want her to be with me the whole day. I mean, first birthday niya ito na kasama ako kaya gusto ko ma sulitin namin yung time ng magkasama. Sayang yung effort kong gumawa ng cake para sa kanya. Ang hirap pa man din gumawa ng cake lalo na at di ako marunong pero ok lang, kung para sa kanya naman ito, gagawin ko.

*sigh* Selfish na ba ako kung ipapa-mukha ko sa kanya ang efforts ko para sa birthday niya na pinaghandaan ko talaga wag lang siyang umalis?

"O-Oh, sige lang. It's okey, minsan mo lang naman kasi silang makasama diba?" paninigurado ko. Kasi gusto ko talagang makasama siya ngayong araw, buong araw.

"Y-Yes, so? Payag ka na diba?" tanong niya sa akin.

"Oo na po, ano pa bang maggagawa ko." ani ko nalang tapos bigla niya akong niyakap. Hmm

"Thank you babe, I love you" ani niya at hinalikan ako sa lips. Yes!

"I love you more." ani ko at nakita kong ang saya-saya niya.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na siya sa akin na aalis na. Napatingin naman ako sa wrist watch ko, oh diba yamanin, kamusta ang G-Shock haha.

Nakita kong alas 3 pa lang. Tinanong ko kung bakit ang aga at sabib niya ay susunduin pa daw ito sa airport. Ayaw niya namang pahatid kaya nagpaalam nalang din ako.

Kaya ngayon, heto ako nakatunganga mag-isa sa Jollibee, shit! Ba't parang anlungkot naman. Ansakit sa heart, parang pinipiga. Napa buntong hininga nalang ako at napag-desisyonang bumili ng Sundae sasaya pa ako.

Pagkatayo ko ay bigla kong nakita sa peripheral vision ko si Ace?...ACE? Tumingin ulit ako sa direksyon kong saan ko sila nakita at wala na siya doon. Siya ba talaga nakita ko? Or namamalikmata lang ako? Antagal ko na ding di nakikita yung damulag na iyon. I mean, oo magkaklase nga kami pero di ko naman siya tinitignan. Sabihan pa niya akong namiss ko siya, tf!

Since, diko nga siya nakita ay dumeritso nalang ako sa pilahan para umorder ulit.


SINCE wala akong maggawa ay nagliwaliw nalang ako saan-saan at kung sinuswerte ka nga naman ay napadpad ako sa isang bar. Sabi nila sikay daw itong bar na ito. May mga sikat din na artista daw ang nakikita dito, baka maswerte ako at makakita, papa-picture man lang. Di naman kasi ako masyadong nalabas, pag nagyaya lang si Kate. Tsaka may trabaho ako, wala akong masyadong time para gumala o magwalwal man lang.

Pumasok ako sa bar at masasabi ko talagang secure dito. Yung mga guard kasi kala ko sasabak sa wrestling sa laki ng katawan. Nahiya naman ako sa normal ko na phsyical attributes. Tsk, bahala na nga sila.

Pag kapasok ko ay nabingi agad ako sa lakas ng music. Buti di nabibingi mga tao dito or sanay lang. Kung titignan mo, hindi naman siya yung bar na masyadong liberated, slight lang. Alam ko yung may nagsasayaw na dikit na dikit masyado tapos may lalaking nakaupo sa gilid na may kandong na babae. Oo slight palang ito. Kasi nung first time ko pumasok sa bar kasama si Kate, shemay ewan ko kung bar pa ba yun o sex den na. Napa-sign of the cross talaga ako dahil dun. Tsk, buti nga dito parang chill-chill lang. Kung sa anime genre pa, Smut lang ito at hindi Hentai :D.

Dumerechonalang ako sa may bar counter. Nabasa ko kasi sa wattpad na yung mga bidang lalaki o babae ay pag pumupunta sa bar, direkta sa bar counter. Ewan ko kung bakit pero mukhang cool naman kaya ginaya ko nalang. Hehe

Dun ako pumwesto sa may gilid para di masyadong pansinin. Nakakahiya, baka may kakilala akong andito din sa bar, makita pa ako.

Umorder ako ng alak na diko alam kong ano, basta red yung kulay niya. Ang weird din nang name kaya tinuro ko nalang sa barista. Baka magkamali pa ako ng pronounciation, pagtawanan pa niya ako. Nakakahiya!

Iinomin ko na sana ang alak na inorder ko na may marinig akong boses. Pamilyar ito sa akin pero diko masyadong maalala tsaka sa lakas ng music dito baka nagkamali lang ako ng rinig. Shit! Baka magkaroon pa ako ng problema sa pandinig kung tatambay ako dito ng matagal. Imbis na pansinin yun ay inisang lagok ko ang alak na nagdulot ng init sa lalamunan ko kaya napa-ubo ako. Napatingin sa akin yung barista kaya binigyan niya ako ng tubig. Nakita ko pa siyang nagpipigil ng tawa. Lintik!

Pagka-inom ko ay nahimasmasan naman yung lalamunan ko, kainis na alak yun. Aalis na sana ako nang marinig ko na naman yung pamilyar na boses at masasabi kong malapit lang ito. Napatingin ako sa may likuran ko ng makita ko ang isang babae na naka-kandong sa isang lalaki na halata mong may lahi kasi sobrang puti na akala mo ay pinaliguan ng Zonrox.

Diko na sana sila papansin at aalis na sana nang may nakita ako na iginagulat ko, sa tabi ng babaeng nakakandong ay may isa pang katabing babae  na nakikipag-halikan sa isang lalaki. Napakapamikyar nito kaya tinitigan ko pa ng maayos kasi ba namamalikmata lang ako pero shit! Hindi!!!!

"K-Kate..." ani ko kasabay ng pagbuhos ng luha.

His Unexpected Babies (Mpreg) (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon