C H A P T E R - 6

6.4K 271 10
                                    

Maraming salamat po sa mga sumusuporta at sa mga nagbabasa ng storyang ito. Hindi ko po in-expect na aabot ng 200+ reads yung story. Para man sa iba ay maliit lang po yun pero para sa akin ay mahalagang bagay na po yun sa akin sa journey ko as an aspiring writer. This will be my motivation and your support will be my inspiration. Again, thank you po. I'll dedicate this chapter to all of you guys.

"Same quantity but different in quality."

Clint's POV

HANGGANG ngayon ay nakatulala pa din ako dito sa harap ng lalaking akala ko ay si Ace. Nung sinabi niyang di niya ako kilala ay tinitigan ko talaga siya kung totoo ba ang sinasabi niya o nagsisinungaling lang. Sa nakikita ko naman ay nagsasabi naman siya ng totoo. Ibig lang sabihin nito ay its either, kapatid niya si Ace o di kaya ay kambal niya ito.

Kung tutuusin, mas sure ako kung sasabihin niyang kambal kasi mula ulo hanggang paa ay lahat kamukha ni Ace. Sa buhok na hindi mo malaman kung sinuklayan ba o hindi dahil ang messy-messy, sa mukha na ang gwapo-gwapo, sa balikat na pwede nang landingan ng eroplano dahil sa lapad, sa mga kamay at bisig na halatang adik sa gym, sa malalaking kamay na kumwelyo saakin nung first day ko, sa katawan na errr, masarap hakhakhak, sa mga paa na mahahaba at sa ... diko na kayang sabihin pa kasi alam niyo na yu.

All in all, parehong-pareho talaga ang buo nilang katawan. Baka nagtataka kayo paano ko napansin ang similarities nila. Napaka observant ko kasi kaya madali ko lang napapansin ang mga bagay-bagay, minsan lang tinutopak ako kaya nawawala ako sa wisyo. Tsaka siya ang dahilan kong bakit wala akong kaibigan sa school na ito kaya ni hibla ng buhok ay di ko makakalimutan sa kanya. Grrrrr.

"What, you turn into a statue? Did you come here to steal huh?" naniningkit na tanong sa akin kaya napalaki naman ang mata ko. Pocha, napagbintangan pa tuloy ako. Nganga lang kasi ng nganga, kung marami lang langaw dito, punong-puno na siguro yung bibig ko. Ewww!

"Sorry, I-I'm Clint Avance, a-ahh *ehem* f-riend ni Ace, hehe" sabi ko nalang. Halaaa, baka di nakakakaintindi to ng tagalog, english pa man din ng englis kanina pa pero bahala na nga. Waahhh, di ko alam paano ko ipapakilala sarili ko na hindi siya magtataka kung paano ako napunta dito. Lord, please help me.

"Ohh, a friend of Ace, he didn't tell me." aning sabi nito at mukha namang walang pagtataka kaya napahinga ako ng maluwang. Pochaaa. Lalabas na ata puso ko sa kaba. Sana lang di niya malaman na nagsisinungaling lang ako sa kanya. Ace, kung nasaan ka man, wag ka muna magpakita. Faramis*, ililibre kita ng kwek-kwek next time, mamatay man si Iron Man, ay shet patay na pala siya lintik, grabe naiiyak na naman ako sa nangyari sa Avenger: Endgame, yoko naaaaaa!

"By the way, I'm Ice, Ace's twin. He's not here so.." ani niya pero di ko na pinatapos at nagsalita na ako. I know its a little bit disrespectful pero pinangungunahan na ako ng kaba kaya nagsalita na ako.

"No i-its okey, baka kasi malate na din ako sa klase ko kaya maybe next time." ani ko nalang at nagpaalam na dito tsaka patakbong lumabas na ng bahay.

NUNG NASA classroom na ako ay tsaka lang ako nakahinga ng maayos. Grabe, napagod ako kakatakbo. Diko naman kasi in-expect na ganun pala ang mangyayari sa Adventure sa Abandoned House eme na yun. Tsk, sabi abandoned eh may nakatira pala. At kailan pa naging kaluluwa yung Ice na yun eh kitang-kita ng mga mata ko na buhay na tao. At hindi siya babae kundi lalaki. At yung bahay, deymittt pocha talaga ang ganda pa ng loob.

Pero ang nakakapagtaka lang, nasaan si Ace at bakit isang buwan na siyang wala sa school or baka andito siya pero di ko lang nakikita. Di kaya kinuha na siya ng mga alien. Kidding, pero malalaman ko naman kung andito siya sa school kasi alam niyo na. Sikat yung asungot na yun. Para siyang artista kung ituring ng mga student dito, ewan ko kung pati ba sa labas. Well, perks of being the son of the owner plus mayaman pa plus gwapo plus ma-appeal equals to instant sikat but minus manners. Bwahahaha, hindi pa din siya perfect. Tsaka wala namang taong perfect eh except kung ang pangalan mo eh Perfect.

NAGSTART NA ANG KLASE namin ng biglang kumalabog pabukas yung pintuan at nakita ko dun si ... ICE?? Bakit andito si Ice? Shet! Ipapakulong niya ba ako kasi nalaman niya na hindi ko talaga kaibigan si Ace. Waaahhh! Ayoko makulong masikip na dun. Wala na akong space.

Nakita kong nilibot niya ang kanyang paningin kaya walang sabi-sabing nilagay ko ang librong hawak-hawak ko sa harap at itinakip iyon sa view niya para di ako makita. Huhu, scary!

Napatingin ako sa katabi ko nang siniko niya ako kaya nagtanong ako kung bakit. Nataranta ako nung may itinuro siya sa harap. AHHH, NASA HARAP NA SIYAAAAA!!!

"I-Ice, I mean Mr. Fuentes, b-baka naman pwede nating itong pag-usapan. Aamin naman talaga ako eh, kinabahan lang ako ka-kanina. Huhu please, ayokong makulong!!" nagsusumamonhg ani ko at nakapikit pa ako sa lagay na to. Katakot kaya mga mata nila. Pati na din si Ace, shockss kaya nga natakot ako nungbfirst day eh tsaka obviously kasi kambal nga sila kaya pareho silang nakakatakot.

Yan bobo ko kasi, mapapatay talaga ako ng kiyuryosidad ko. Mamatay ako ng maaga dahil sa sarili kong kagagawan, pochaa! Hindi ko man lang makikita ang magiging anak ko at magiging apo at apo sa tuhod, isama na natin apo sa talampakan para lahat na.

"You!" gigil na wika niya. Shet, oo alam ko na galit ka na grabe. Ramdam ko, ramdam ko ang poot, hinagpis, pagkamuhi at gigil, cheretttt! Pocha nagiging makata pa ako sa lagay nato. "Look at me" cold na sabi dagdag nito.

Titingin ba ako? Baka ma-deads na ako, killer eye pa man din siya. Pero baka kasi mas lalong magalit kaya titingin nalang ako. Lord, i know po na mahal niyo po ako kaya i know hindi niyo ako hahayaan sa kamay ng isang ... isang.. gwapong nilalang. Yikes!

"Isa!" shet nagbibilang na, sabihin ko ba Dalawa para mawala galit niya? Lol, baka mas lalong magalit yun kaya tumingin nalang ako pero nung pagkatingin ko ay nagtaka ako.

H-Hindi siya si Ice. Pero paano? Napatingin ako sa damit niya at same na damit ito sa damit ni Ice kanina, pati yung singsing sa kaliwa't kanan niya ay naalala ko kaya sure akong si Ice dapat ito pero hindi. Hinding-hindi ito magiging si Ice na mas ipinagtaka ko pa lalo.

Mas tinitigan ko pa siya sa kanyang mga mata at doon ko napag-alamang hindi nga siya is Ice dahil siya si ...

"A-Ace?"






*FARAMIS - is a hero in Mobile Legends BangBang. I use it to replace 'PROMISE' in a fun way.

His Unexpected Babies (Mpreg) (HIATUS)Where stories live. Discover now