C H A P T E R - 8

6K 253 13
                                    

"Make a choice, a choice that will never hurt you."

Clint's POV

NAKATINGIN pa din sa akin si Ace na parang tinitignan kong nagsasabi ba talaga ako ng totoo o hindi. Hindi naman niya kailangan kasing mabahala tsaka hindi din ako sinungaling. Honest kaya ako tapos mabait pa, faramis!

"Tsk" ani nalang niya at tumalikod na paalis. Luh? Yun na yun? Wala talagang aminan na magaganap? Hay!

Susunod na din sana ako ng humarap ulit ito sa akin at nagsalita.

"Simula ngayon, wag na wag ka nang lumapit sa akin! Naiintindihan mo?" babala niya sa akin at tumalikod na.

'Teka wow, ako pa talaga ang binalaan niya. Excuse me, siya nga itong lapit ng lapit eh. Bakit ako na naman. Loko to ah. Gigil na naman niya ako' sa isip ko habang nakabusangot.

"May sinasabi ka ba?" tanong niya at humarap ulit sa akin. Grabe lakas ng hearing sense ng lalaking ito. Amazing!

"H-Huh? May sinabi ba ako? Wala, wala akong sinabi, haha. Sige na boss, babye na. Ingat ka" nakasmile na sabi ko. Mahirap na at mapatalsik pa ako sa school na ito. Kawawa naman mga magulang ko.

Inirapan na lang niya ako at naglakad na ulit as in nag lakad na talaga siya at nang sure akong hindi na siya lilingon ay napahinga ako ng maayos habang iniisip yung nangyari sa amin errr, yung usapan namin kanina.

Bakit niya kaya tinatanong sa akin si Ice tsaka bakit parang takot na takot siya. Luh, baka totoo yung hinala ko na killer si Ice at ayaw niyang mapahamak ang kambal niya kaya pinuntahan niya ako para alamin kung may nangyari ba sa akin. Gosh, nakaka-loko. Bakit ko ba iniisip yun. Maiistress lang ako. Hindi naman na kami siguro magkikita ulit ni Ace kaya dapat chill lang. Hinugot ko nalang yung Fres Mint candy ko sa bulsa na mag nakasulat na "Have a nice day."

-___- Anong nice sa araw ko aber? Loko tong kendi na to ah. Bato kita eh, pero syempre joke lang. Kaya nga ako nagbaon ng ganitong kendi para ma-motivate ako araw-araw na nabubuhay ako sa mundo eh other than pampa-bango din ng breath. Yikes!

Pero yung akala kong hindi kami magkikita ay isang napakalaking JOKE lang pala! Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni destiny at bakit KAKLASE KO YUNG BAKULAW. Ang pinaka-worst pa ay KATABI KO!!  The eff with this day. Walang sabi-sabi ay niluwa ko yung candy sa inis. Lintik na have a nice day yan!

Hindi ko tuloy alam kong mag ha-hi ba ako sa kanya o wag siyang pansinin and in the end, hindi ko nga siya pinansin.

Nilibot ko ang mga mata ko sa buong classroom namin at naghanap ng vacant seat since wala akong choice kundi lumipat nalang. Naalala ko pa na sabi niya wag daw ako lumapit kahit na siya yung lumalapit sa akin. Napaka-ironic lang. Hayyyy

Nang may nakita ako ay niligpit ko muna ang mga gamit ko at tatayo na sana para lumipat ng biglang pumasok ang terror namin na professor kaya napa-upo ako ulit. Shemay, wrong timing naman si prof. Dahil wala akong choice ulit ay nagsulat nalang ako sa isang papel at sinabing,

'Maya nalang me lipat, anjan na prof.'

Pagkatapos ay nilapit ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin na halata mong naiinis kasi nakakunot yung noo. Okeyyy sorry na. Ito naman, galit agad.

Binasa naman niya yung nakasulat at pagkatapos ay nagsulat din siya.

'Stop bothering me.'

Pagkabasa ko ay sumimangot ako agad. Loko to ah, nagsasabi lang para di niya ako ma-misunderstood kung bakit andito pa din ako nakaupo katabi niya. Bahala na nga siya. Di ko na siya papansinin. Kahit magmakaawa siya na pansinin ko siya.



Many Months Later

MARAMING buwan na ang lumipas at di ko na sasabihin kung ilang buwan na yung 'marami' kasi wala lang, ayoko lang.

Masasabi kong mula nung araw na sinabihan niya ako ng 'Stop bothering me' ay hindi ko na talaga siya tinitignan. Kahit na magkaklase kami nung 2nd year at ngayon ay 3rd year na ako ay ni isang tingin ay di ko talaga ginawa. Tambay pa din ako sa likod ng school at kahit na gusto ko ulit nay trespass ay di ko na ginawa. Makulong pa ako eh kaya ligaw tingin nalang ginagawa ko sa bahay ni Ice pag natambay ako. Sinunod ko si Ace kasi ayokong magkaproblema sa school. Malilintikan talaga ako, ngayong 3rd year na ako, dapat focus na.

Pero kahit na ilang buwan na ang lumipas, kahit ayaw ko mang makasagap ng mga bali-balita patungkol sa kanya ay nakakasagap pa din ako. Isipin niyo ba naman na sikat siya, may maririnig at maririnig talaga akong mga chismis. Nagiging updated tuloy ako sa bawat galaw niya lalo na ngayong 3rd na ako at kaklase ko siya ULIT kaya no choice ako kundi kimkimin nalang yung mga salitang gusto kong ibato sa kanya.

At ngayon naman sa sasabihin ko ay sure akong magugulat kayo. As in 0_0.

Kasi...kasi...MAY JOWA NA AKO!! Yohooo! Partey partey!

Gulay kayo no? Syempre hindi joke yun. Totoong may girlfriend ako at Kate ang name niya. Naging seatmate ko siya nung lumipat ako ng upuan since ayaw kong katabi si Ace. Bakulaw na yun! Pero kahit ganun nagpapasalamat pa din ako kasi blessing in disguise siya kahit na demonyo siya na may anghel na mukha.

Naging close kami ni Kate at mula nun ay palagi na kaming magkasama. Ang galing nga eh, siya yung first girlfriend ko kaya I really give her what she want. I even went to find a part-time job para pag lumabas man kaming dalawa ay may pera ako. I love her kaya as long as kaya kong ibigay ay ibibigay ko. Hindi naman maarte o di kaya ay materialistic si Kate, I just doted on her and I treat her as my Queen 'cause I want her to be happy with me. Shit, oh diba napapa-English ako, halatang inlove si ako, yie!

Minsan pa ay naiisip ko na siya na yung forever ko. Siya na yung magiging ina ng anak ko at makakasama ko pagtanda ko. Huhu, napaka-futuristic ko ba? Wala eh, mahal ko yung tao. Buti nga ay tanggap niya ako kahit na wala akong masyadong abs at hindi ako tulad ng ibang lalaki na matipuno. Tanggap niya din ang pagiging feminine ko kaya mas lalo akong nainlove sa kanya.

Madami akong plano, yung plano ko sa future na kasama siya. Iniisip ko pa kung saan ako magpapatayo ng bahay o di kaya ay ilang anak ang mabubuo namin. Exaggerated man pakinggan pero gusto ko nang hilahin yung mga araw para maka-graduate na at makapag-trabaho na para makita niyang reliable ako.

Marami pa akong naiisip, yung mga planong kong akala kong mangyayari.

Pero akala ko lang pala at hanggang sa isip lang pala lahat ng iyon.

His Unexpected Babies (Mpreg) (HIATUS)Where stories live. Discover now