C H A P T E R - 26

3.2K 160 14
                                    

"You can see it all trough the eye."

Clint's POV

WALANG anu-ano ay dinala ko ang bata sa apartment ko. Hindi ko na naisip na tumawag sa pulis dahil baka mapagbintangan akong kidnapper pero isa lang ang nasa isip ko sa lagay na iyon. Ang pagaanin ang loob ng bata.

Hindi ko maintindihan kong bakit apektadong-apektado ako sa pag-iyak ng bata. Ganto na ba talaga ako ka-excited na magkaroon ng anak na pati batang umiiyak ay gusto ko nang akuin?

Hahaha, nababaliw na siguro ako.

Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kusina at ibinaba ko ang bata sa may lamesa. Kumuha ako ng tubig para naman mahimasmasan ang bata.

Habang umiinom ito ay tinitigan ko ng mabuti ang bata at ngayon ko lang napagtantong may kamukha ito pero diko maalala. Inaalala ko lahat ng mga kakilala ko kung may kamukha ba nitong bata. Nabalik lang ako sa realidad ng hawakan ng bata ang kamay ko na nakapatong din sa lamesa kung saan siya naka-upo.

"ahm, m-mommy, o-ok lang po ba makahiram ng phone?" tanong nito sa akin. Nagtaka man ay binigay ko pa din ang cellphone ko tsaka tinignan kong ano ang tinitipa nito.

Nakita kong pumunta ito sa Dial at mukhang may tatawagan na number pero tumigil ito at ibinigay ulit ang cellphone sa akin. Malungkot ito. Malungkot na malungkot na ikinabigla ko.

"B-Baby? May tatawagan ka ba?" tanong ko sa kanya pero umiling lang ito at itinaas ang mga kamay na parang nagpapabuhat kaya binuhat ko naman.

"I don't want to make him sad anymore." bulong nito.

Him? Yung daddy ba niya ang tinutukoy niya? Ano kaya ang nangyari at napadpad ito dito at bakit gusto niyang ako nalang ang mommy niya?

Andami kong tanong na gusto kong itanong. Pero sa ngayon, seguridad muna ng bata ang kailangan kong isipin.

Sinipat ko ang bata at mukhang nakatulog na siguro ito kaya binuhat ko siya papunta sa kwarto ko at doon muna inihiga.

Tinitigan ko ito ulit. Hindi lang pala cute kundi ang gwapo din nito. May kamukha talaga siya eh pero hindi ko talaga maalala kong sino at saan ko iyon na kita. Tsk, yaan na nga.







MATAPOS kong magluto para pagising nung bata ay may makain na ito ay tumawag na ako sa pulis at tinanong kong may report ba ng nawawalang bata.

Naisip ko kasi kanina na masyado lang akong nag conclude. Di ko naisip na baka may magulang pa itong bata at ayaw lang nito sabihin. Mas maganda na yung alamin muna na natin yung mga bagay bagay bago tayo mag desisyon. Minsan kasi, pag nag dedecide tayo, hindi na natin iniisip kung ano ang dulo ng desisyon natin tapos pagsisisihan pala natin sa huli. Andami din factor na dapat isaalang-alang.

Tulad kanina, masyado akong nadala ng emosyon ko kaya napag desisyonan ko agad na akuin ang bata tapos nay mga magulang pa pala ito. Diba?

Kung iisipin, di ko alam ang sitwasyon ng panikya ng bata pero nag conclude na agad ako. Mas maganda talaga kong alamin muna natin ang buong istorya bago tayo umaksyon.

Nakaupo na ako ngayon sa tabi kung saan nakahiga ang bata ng biglang umilaw ang phone ko at nakita kong may tumatawag. Naka silent mode kasi ito at baka magising ang bata.

Pagkasagot ko ay isang baritonong boses agad ang narinig ko.

"Good day Mr. Avance. I am Brian Ford. May we meet and talk ahout ... my son?" tanong nito sa akin pero sa daming words na sinabi niya. Dalawang salita lang ang nag-eecho sa tenga ko.

His Unexpected Babies (Mpreg) (HIATUS)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum