C H A P T E R - 19

4.8K 213 10
                                    

"Endings can create new beginnings."

Clint's POV

MASAYA kaming naglalakad ni Mark papunta sa bar kung saan ay andun na din ang mga kaibigan namin. Tahimik lang kami kasi, wala lang. Gusto naming panisan kami ng laway, bakit ba.

Nang makapasok na kami sa bar ay nagulat ako nang bigla niya akong kinulbit na ikinalingon ko naman sa kanya.

"Ahm, Clint? I know, this is not a  proper place para sa sasabihin ko sayo ngayon pero feeling ko mawawalan ako ng lakas ng loob na sabibin ko ito sa iyo kung ipag-papabukas ko pa" bigla niyang ani niya sa akin at in fairness, hindi mabaho hininga niya. Na-conscious tuloy ako sa hininga ko kaya hindi na ako nagsalita at nag make-face nalang na parang nagtataka. Kakahiya naman kasi pag na-amoy niya diba. Tsk!

"I like you." ani niya na ikinagulat ko. What? Gusto niya ako? Hindi ko alam sasabihin ko. Nagdadalawang-isip ako kung magsasalita ba ako o wag na. Kainis! Sana pala dinala ko yung breath spray ko na Swish yung brand. Tsk!

At dahil wala siyang nakuhang sagot mula sa akin ay ipinagpatuloy niya ang pag co-confess niya kuno. Luh!

"Matagal ko nang itinatago ito. Gusto kita Clint...but I know, hindi ako ang type mo. Tanggap ko na kaya sana kahit na sinabi ko sayo ang totoong nararamdaman ko ay wala pa ding magbabago." ani niya at nginitian ako at naglakad na papunta sa table kung saan nakapuwesto ang ibang kaibigan namin.

Hay! Hindi man lang ako nakapag-reply sa kanya, bad siya. Pero kung tutuusin ay matagal ko nang nararamdaman na may iba mga sa mga kilos at tingin ni Mark sa akin. Kahit naman kasi na minsan may aning-aning ako, observant pa din kaya alam kong may feelings nga siya pero hindi ko in-expect na aamin siya at sa bar pa talaga h! Lakas ng amats ng baklang yun!

Tsaka yung sinabi niyang walang magbabago? Lol, sabi niya lang iyon pero sa totoo lang, pag nangyari sa inyo ito, magreresulta talaga ng awkwarness between the two of you. Ano toh! Pusong bato lang at walam nararamdamng lungkot o awkwardness. Pagbabaliktarin man ang mundo, hindi man natin sabihin o nakikita, ramdam mo naman na may nagbabago o magbabago talaga sa pagitan ng dalawang tao, yung umamin at yung inaminan.

Hay! Atleast, kahit papaano ay considerate naman si Mark. Bait kaya nun, pabebe nga lang. Nalulungkot tuloy ako. Wala eh, iba kasi type ko at diko sasabihin kung ano o sino. Blackmail niyo pa ako, nalintikan na talaga.

Iwinaksi ko nalang sa isip ko ang confession portion ni Mark kanina. Wala namang mangyayari kong iisipin ko pa eh. Nagpapasalamat nalang ako kasi kahit papaano ay nabawasan ang mga admirer ko. Lol, feeling ko ba. Tsk, yaan niyo na NORMAL ako eh kaya wag nang umepal.

Ay shet! Abnormal na nga pala ako dahil sa lintik na sakit ko! Akala ata ng sakit ko na makakalimutan ko siya, NO WAY!!

Naglakad nalang ako papunta sa puwesto nila Mark na malungkot.

NAWALA yung lungkot ko ng makita ko na ang tropapepz ko. Kung wala ka kasing girlfriend, kaibigan mo lang, masaya ka na. Kaya sa mga single jan, maswerte pa din kayo kung may kaibigan kayong sa dilim man o liwanag ay nandyan para sayo.

At habang nagkakasayahan kami ay nagulat ako, di! Hindi lang pala ako kundi pati ang dabarkadz ko nang may isang lalaking mapapa- ohhheemmmgeee ka sa laki! I mean, yung katawan. Malaki ang katawan at ehem...alam niyo na!

Napatanga naman kami kasi nagtataka kung bakit kami nilapitan nung lalaki. Tatanungin na sana nila Leo nang nagulat kami ng hatakin niya si ... Mark?? Kilala ba ni Mark ito?

Kaya napatingin kami kay Mark at base sa mukha niya ay mukhang kilala naman niya ang lalaki. Pocha! Mas mag makaka-points ata si Mark ngayon kaysa sa akin ah. Lakas!

Nakita kong nag-alangan si Mark pero in the end ay nag-paalam nalang siya sa amin at kinausap ang lalaki. Hila-hila lang siya nung lalaki papalayo at di namin alam kung saan siya dadalhin. Tsk! Bahala na nga si Mark, damulag na yun. Hindi na kailangang bantayan. Tsaka, marunong naman yun sa self defense eh kaya no need to worry mates. Dapat ang isipin ko nalang ngayon ay kung paano ako mag-kaanak este paano ako makakahanap ng girlfriend na pwede kong anakan na.

Iniimagin ko palang ay napapangiti na ako. Bakit ba, sa masaya ako eh. Napatingin ako sa isang kaibigan ko na may anak na. Nung mga nag-aaral pa lang siya, eh nuknokan ng arte. Tsk! Lalaki pa man din pero mula noong nagkaanak ay maging responsable.

Late palagi noong umuwi. Ngayon mas nauuna pa siyang umuwi sa amin pag may galaan at may pa-curfew pa siya na 10 pm. Diba! Antanda na pero may curfew pa din, ganyan nga siguro pag nagkakaanak na.

Ganyan din kaya ako ka-responsable? Hmm, nilingon ko ang paningin ko sa buong bar. Mukhang pag nagka-anak ako, magpapaalam muna ako sa mga lugar na tulad nito. Magiging good dad ako sa magiging anak ko. Nyha-- huh??

Tama ba ang nakita ko?

Si Ace!?

Bakit na naman andito yung damuhong yun!

Tinignan ko ulit yung parte kong saan ay nakita ko siya at napalaki ang mata ko.

Shit! Wala siya dun. Lasing lang siguro ako. Tsk! Paranoid masyado, sarap katukin ng utak ko.

Nawalan tuloy ako ng gana. Hindi dahil sa nakita ko siya (or sadyang namamalikmata lang talaga ako) pero parang ganun na nga.

Tsk! Yaan na nga yun. Hindi naman siya makakalapit sa akin eh as long as andito ang mga kaibigan ko. Mga kaibigan kong susuporta sa akin. Yiee. So cringy!

LUMIPAS pa ang ilang oras ng napag-desisyonan na naming umuwi kaya tinawagan ko si Mark. Kahit papaano ay concern din naman ako sa kanya kaya magpapaalam lang ako na umuwi na kami.

Ilang ring muna ang nangyari bago niya sagutin ang tawag pero hindi pa man nag lilimang segundo ay nahulog ko ang cellphone ko sa gulat kaya nagulat din ang mga kasama ko at nagtanong kong ano ang nangyari.

Napatingin ako sa kanila na may malaking matam. Shit! I can't believe it!

Dahil sa gulat ay imbis na sagutin ang tanong nila ay ngumisi ako ng pagkalaki-laki at inilahad ang kamay na parang may hinihintay na iaabot. Shit! Akala ko unlucky day ngayon pero look! SUPER LUCKY KO!

"Lintik! Panalo ako sa pusta! Akin na tig li-limang libo niyo! Naka-base si Mark!"

His Unexpected Babies (Mpreg) (HIATUS)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin