C H A P T E R - 10

5.5K 248 26
                                    

A/N: Since inspired ako ngayon, I will update again. Lovelots all ❤



"I will never believe in the word 'forever' again."

Clint's POV

"K-KATE..." yan nalang ang nasabi ko nang makita ko ang babaeng nakikipaghalikan sa lalaking katabi nito kaya  napatigil ito sa pakikipaghalikan ng marinig na may tumawag sa pangalan niya.

Pagkatingin nito sa akin ay nagulat ito at napatayo habang ako ay gulat pa din sa nakita. Shit! A-Ano yung nakita ko. Namamalikmata pa din ba ako at nakikita ko si Kate, yung girlfriend ko, yung kasama ko kaninang kumain sa Jollibee, yung MAHAL KO!

"C-Clint...le-let me e-explain..." nauutal na ani nito sa mahinang boses na may tinatagong sekreto at lumapit sa akin. Nang akma niya akong hahawakan ay ipinaksi ko ang kamay nito. Nanlamig ako ng mapag-alamang totoo ngang si Kate iyon.

"K-Kate?? Ano to?" nagsusumamo kong tanong. Hinihintay na sabihin niyang mali ang nakita ko. Na mali yung pakikipaghalikan niya. Na hindi naman siya ang naunang humalik. Na namamalikmata lang ako. Na sinungaling ang mga mata ko. NA HINDI TOTOO LAHAT NG NAKITA KO!

Napansin ng mga kasama niya ang pagtayo ni Kate kaya napatingin sila sa gawi namin. Tumayo ang babaeng kanina ay kandong ng kano habang lumapit naman ang lalaking kanina lang ay kahalikan ni Kate at umakbay sa kanya.

Naningkit ang kamay ko at napatingin sa kamay na umakbay sa GIRLFRIEND KO! Gusto ko siyang suntukin, gusto ko siyang sipain at sitahin kung bakit nasa balikat ng girlfriend ko ang kamay niya at prenteng naka-akbay dito. Gusto kong hilahin ang girlfriend ko papunta sa akin para masabi nilang akin siya.

Andami kong gustong gawin, ndami kong gustong gawin pero...pero bakit hindi gumagalaw ang katawan ko na para bang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Na para bang na-freeze ako. Lintik lang, sisisihin ko ang Sundae sa Jollibee na kinain ko kanina, bwisit!

"Oh, babe. Who's he?" tanong ng lalaki kay Kate kaya napatingin ako kay Kate. Kinakabahan sa sasabihin niya. Kung ipapakilala ba niya ako o hindi bilang boufriend niya.

"H-Huh, Ah, he...he's m-my friend. Yes my friend."

...friend

...friend

...friend

FRIEND!

Paulit-ulit na nagrereply sa isip ko ang sagot niya na para bang sirang planka. FRIEND! FRIEND LANG AKO SA KANYA.

Gulat akong tumingin sa kanya na sinuklian niya ng makahulogang tingin. Tingin na parang sinasabing wag kong sabihin ang totoo, na magsinungaling na kaibigan ako at hindi boyfriend.

Dahil sa gulat ay hindi ko man lang napansin na umiiyak na ako. Na-umaagos na ang luha sa mata ko.

Di ko in-expect na first girlfriend ko ay ang first heartbreak ko. Ito ba ang sukli niya sa lahat ng effort na ginawa ko sa kanya. Isang taon. Isang taon ko siyang pinagsilbihan. Isang taon akong naghirap sa pagtatrabaho para lang maging masaya siya tapos ito ang isusukli niya? Ganto na ba ako ka-tanga para diko maisip na baka may iba na siya? Tanga ba ako para di mapansin na minsanan nalang siyang mag-text o mag-chat sa messenger na naka Star Wars theme pa para mas maganda ang react emoji? Tanga na ba ako para isipin na ok lang na makipag-halikan siya basta ba sumama siya sakin pauwi? Tanga na ba ako? Tanga? Baka nga, bwisit na buhay to.

Tumingin ulit ako sa kanya, makikita sa mukha ko ang halo-halong emosyon kaya parang natauhan ito at lumapit sa akin pero tinulak ko siya. Oo tinulak ko ang babaeng mahal ko. Tinulak ko siya palayo sa akin. Tinulak ko siya papunta sa lalaki niya.

"Simula ngayon huwag na huwag ka nang lalapit sa akin." malamig na ani ko at dire-diretsong umalis ng bar.

"AHHHHHHHHHH!!" sigaw ko pagkalabas ko ng bar. Maraming napapatingin sa akin pero wala na akong pake. Broken ako ngayon kaya wala muna akong pake sa kanila. Tsaka nalang pagkatapos kong mahimasmasan.

Naglalakad lang ako na hindi tinitignan ang dinadaanan ko. Wala na din akong pake na masagasaan o makabangga. Nawalan na ng saysay ang buhay ko. Nawala na ang taong mahal ko. Di ko na alam anong gagawin ko.

Ganto pala nararamdaman ng mga taong nagmahal at nasaktan. Ganto pala kasakit ang maloko. Yung mga taong na-two time. Halata naman kasing hindi alam nung kano na may boyfriend yung babaeng hinalikan niya. Grabe, ganito pala ang mga bababe. Diko in-expect na masasaktan ako ng lubos-lubosan na gusto ko nang magpakamatay ngayon din. Pagod na utak ko, pagod na katawan ko, pagod na din ang puso ko. Pagod na ako sa lahat ng ito. Suko na ako. Bakit pa kasi nagmamahal kong masasaktan lang din naman. Ang tanga ko, ang tanga tamga ko.

Hindi ko na alam kong saan na ako napadpad pero masasabi kong nasa kabihasnan pa din ako. Magulat kayo kung sabihin kong nasa kagubatan na ako. Isipin niyo, wala na masyadong gubat sa Manila. Puro naglalakihang gusali na kaya saan ka man mapunta kabihasnan pa din ang destinasyon mo.

Dire-diretso pa sana ako ng may mahagip ang mata ko na mas nagpa-init ng ulo ko.




JOLLIBEEEEEEEE!!!

Lintik na bubuyog yan. Tama siguro yung sabi nila na may sumpa sa fastfood na ito. Na lahat daw ng magcouple na dito kumain palagi ay maghihiwalay din.

Nakakainis!!! Sabi sa kanta may forever pero seriously, wala talagang forever. Akala lang ng iba na meron pero WALANG WALA. Kaya wag na kayong maniniwala sa forever kasi masasaktan lang kayo. Sasakit ang utak, at puso niyo!

Nilapitan ko ang statue ni Jollibee at dinuro ito.

"Huwag kang ngingisi-ngisi sa akin, kasi hindi ka nakakatuwa." panimula ko. Napatingin ako sa paligid at pinagtitinginan na ako. Bwisit, broken ako kaya pasalamat kayo!

"Akala ko lahat ng naisip ko para sa future ay mangyayari. Akala ko ay siya na ang magiging ina ng magiging anak ko. Akala ko sasaya ako sa piling niya. At akala ko may forever sa Jollibee, wala pa. Akala ko lang lahat. AKALA LANG!"

His Unexpected Babies (Mpreg) (HIATUS)Kde žijí příběhy. Začni objevovat