C H A P T E R - 5

6.9K 283 4
                                    

"Curiosity really kills a cat."

Clint's POV

MAG-IISANG buwan na magmula nung may nangyari sa classroom namin. Mula nung araw na yun ay hindi ko na nakita yung lalaking iyon. Ewan ko kung saan na siya nilipad ng kasigaan niya. Nagpapasalamat din ako kasi kahit papaano, matiwasay yung mga araw ko. Matiwasay din ang pamamalagi ko sa dorm since wala pa yung ka-roomate ko or baka mag-isa lang ako sa dorm na to. Mas maganda sana para sakop ko buong kwarto, bwahahaha.

Marami din akong napansin sa mga sumunod na araw at una na doon ang hindi pagpansin sa akin ng mga kaklase ko. I mean, hellooooo! Clint Avance here!

Nakaka imbyerna kaya. Isa pa man din akong friendly na cute na little pup pero wala man lang akong naging kaibigan sa ilang linggong pamamalagi ko dito sa bagong school ko. Ako na nga ang lumalapit, sila naman ang lumalayo. Alam niyo yung napapakanta nalang ako ng. 'Lapit ng lapit, ako lalapit. Layo ng layo, ba't ka lumalayo.'

Hay, ito ba yung sinasabi ng mga kaklase ko na parusa daw sa pagsagot ko sa anak ng nagmamay-ari ng paaralang ito? Oo, kahit walang pumapansin sa akin, kahit papaano ay napag-alaman kong yung Ace Fuentes daw ay ang anak ng school na to. Matalino din daw pero yun ang pinagtataka ko. Shota, kung matalino yun ba't ganun sumagot sa professor diba. Tsk, baka matalino lang siya kasi may pagka-butiki. Pfft, natawa tuloy ako sa isip ko. Shemay, inimagin ko kasi na isa siyang butiki. Shockks, cringy.

NGAYON naman andito ako sa lugar na naging tambayan ko na pag vacant ko. Nasa likod ito ng building namin at sa araw-araw ko na pagpunta dito ay masasabi kong wala masyadong nagpupuntang estudyante dito kasi una, anong use ng mga fastfood and restaurant at other leisurely places dito sa loob ng school kung tatambay lang sila sa likod ng school diba? Oo, may pa-fastfood at restaurant dito sa loob ng school namin. Yaman nga kasi ng may-ari. Huhu, nakakaiyak lang. Pangalawa, mapuno sa part nato kaya may sabi-sabing may mga ahas daw dito. Well, nagbabakasyon kami sa probinsya ng nanay ko at nasa may bukid yun kaya sanay na ako sa mga mapupunong lugar kaya di ako masyadong natatakot sa mga wild animals. Pangatlo, creepy din dito minsan kaya baka dahil doon ay wala masyadong napupuntang mga student dito. May isang abandonadong room kasi dito na kung titignan mo ay napaka-creepy nga. Narinig ko pa sa isang chismisang schoolmate ko habang nakain ako sa Jollibee dito sa school na may namatay daw doon kaya hindi na ginamit. Ani nila, nagpaparamdam daw ang babae habang humihingi ng tulong.

Hindi ito horror o thriller na genre ah pero sabi talaga nila totoo daw. Hindi naman ako natatakot kasi hindi ko naman nakita. Ilang linggo na akong pabalik-balik dito pero wala naman akong naririnig o kahit paramdam man lang mula sa sinasabing multo. Baka tinatakot lang nila ang sarili nila kasi nakakatakot nga naman talaga yung room na yun.

Minsan kasi may mga tao talagang mahilig lang mag-exaggerate ng mga kwento kaya wala na tayong maggagawa. Nasa tao nalang yun kung paniniwalaan ba niya o hindi basta ako, naniniwala ako sa kasabihan na 'To see is to believe' kaya wala dapat ika-takot.

Since tapos na akong mag sight-seeing, napatingin ako sa relo ko na G-shock. Oh diba, G-shock ito, tig 100 sa market nung bumili ako ng grocery para sa stocks ko sa dorm. Napatingin ulit ako sa abandonadong room at napag-desisyonang pasukin ito. Hehe, bakit ba, nagtataka kasi ako bakit sinasabi nilang haunted eh.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid bago tumuloy. Baka paghinalaan pa akong nasasapian eh, mas mabuti na yung nag-iingat. Mahirap na, baka maging instant sikat agad sa school.

Mabagal akong naglakad palapit sa room na iyon at napansin kong kahit na may kalumaan na ito ay maayos pa din naman. Kung malilinis lang ito ng maayos ay pwede pa itong gamitin. Tinry ko itong buksan at kung sinuswerte nga naman ako, hindi naka-lock. I love you destiny ❤.

Pero ang mas nakakagulat ay nang makita ko ang loob ng room.

"Woahh! Shemay! Ito ba talaga yung creepy na classroom na nakita ko kanina?" biglang sabi ko ng makita ko ang loob ng room.

Kung sa labas ay makikita mong napakaluma na ng building, sa loob naman ay magugulat ka kasi napakaganda ng interior. Shet, naniniwala na talaga ako sa don't judge a book by its cover.

May black and white theme ito na masasabi mong napaka- cool. Ang mga furnitures naman ay masasabi mong mamahalin kahit na walang price tag kasi deymit, makita mo palang alam mong mahal na. Kung tutuosin, para itong bahay. Pagpasok na pagpasok mo ay makikita mo agad ang living room, pero bago ka makapasok sa living room ay madadaanan mo muna ang shoerack na punong-puno ng magaganda at mamahaling mga sapatos.

Nang makita ko ito ay nagdalawang-isip agad ako kung tutuloy pa ba o hindi kasi halatang-halata naman na may nakatirang tao dito pero curious ako eh kaya wala akong magagawa. Kesa naman di ako makatulog kakaisip kung ano ang nasa looban ng building nato. Pagbigyan ko na lang sarili ko, hehe mahal naman ako ni destiny eh. Di niya ako ipapahamak.

Dahil sa napagdesisyonan ko nang ipagpatuloy ang aking adventure ay pumasok nalang ako kahit na invasion of privacy ito. Sana di ako makulong.

"The fuck!" rinig kong sigaw kaya napaupo ako sa gulat at napatingin sa may pintuan kung saan ko narinig yung sumigaw.

"A-Ace Fuentes?" patanong ko na ani na gulat pa din ang itsura. Sa kanya ba itong bahay na ito? Shemaaayyy, kung minamalas ka nga naman! Buwisit!

"Who the fuck do you think you are!?" sigaw na tanong niya sa akin na ipinagtaka ko.

"The heck! Di mo ako kilala?" nagtatakang tanong ko. Pocha yan, pinaglololoko ba akong ng butiking ito. Akala niya maloloko niya ako, hindi uy. Asa!

Nakita ko itong minata ako mula ulo hanggang paa. Aba!

"Do you think I'll ask you if I know you, idiot" cold na sabi nito. Seryoso ba talaga siya? Di niya ako kilala? Matapos yung mga nangyari sa amin. Err, bat parang iba yung meaning. Erase, erase, erase.

I mean, kahit naman first time lang namin magkita ay nakakapagtaka naman na hindi niya ako nakilala.

"Hey, moron! I am asking you who are you!" sigaw ulit na tanong nito na halatang galit na galit na.

Shet! Siya ba talaga yung nakilala ko nung first day ko sa school?

His Unexpected Babies (Mpreg) (HIATUS)Where stories live. Discover now