Kabataan para sa Kalikasan at Bayan

221 7 0
                                    


Mga basurang lumulutang,
Sa tubig alat o tubig tabang,
Nakakapangamba dahil ito'y hindi na, maganda.
Nakikita mo ba ito? O hinahayaan mo rin, kagaya ko.

Mga gubat na nakakalbo,
Sunod-sunod na pagputol sa mga puno nito.
Mga hayop saan na tumitira?
Baka naman sila'y nagutom at namamatay na.

Tapon dito, tapon doon,
Mayroong basurahan pero mas gusto ang ganon,
Akala mo ba cool na tayo sa gawaing yan?
Hindi, dahil pa-cool ang tawag diyan.

Pag dumating ang bagyo at baha,
Nagrereklamo ka dahil sa dami ng basura.
Pero hindi mo alam,
Ang itinapon mong plastic, kasama rin sa mga lumulutang.

Sa dami ng basura sa mundo,
Hindi na nakakapagtaka kung kinabukasan, kinakain na natin ito.
Nararamdaman mo na ba ang galit ng kalikasan?
O nagbubulag-bulagan ka na lang at ito'y hinahayaan.

Mga kapwa ko kabataan!
Tayo ba talaga ang pag-asa ng bayan?
Hindi ko kasi maramdaman,
Hahayaan na lang ba natin na ganito kagulo ang mundo?

Kailan kaya tayo kikilos?
Kailan mga katropa?
Kapag ba nandyan na ang parusa?
O ipapasantabi pa rin at unahin ang mga makabagong teknolohiya?

Hindi pa naman huli ang lahat hindi ba?
Sana sabay-sabay na nating imulat ang ating mga mata,
At patunayan nating nasa kamay ng mga kabataan,
Ang natitirang pag-asa ng bayan.

--

PLAGIARISM is a CRIME.

Earth TodayTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang