Nagkamali

27 4 0
                                    

Sa panahon ng sakuna,
Umaasa tayo na lahat tayo'y magkakaisa.
Pero tayo'y nagkamali,
At tayo'y nagiging mali.

Umaasa tayo sa biglaang milagro,
Umaasa tayo na sana'y pakinggan nila tayo.
Pero tayo'y nagkamali,
At tayo'y nagiging mali.

Aksiyon ng mga ulap,
Akala natin makakapagpagaan sa atin.
Pero tayo'y nagkamali,
At tayo'y nagiging mali.

Akala natin ang mga ulap ang siyang tatakip sa init ng araw,
Upang tayo ay maprotektahan sa init ng sakuna,
Pero tayo'y nagkamali,
At tayo'y nagiging mali.

Umaasa ka na uunahin nila ang mga tao,
Pero inuna nila ang mga ibon dahil sa tingin nila'y, magpapaganda sa kanilang mga paligid,
Pero sila'y nagkamali.
Sila'y nagiging mali.

Pero sino nga ba tayo,
Para diktahan ang mga ulap sa alapaap?
Tayo'y walang magawa,
Dahil tayo'y pinagtatawanan, tinitignan lang tayo mula sa itaas.

Hindi ko alam kung kailan tayo uunahin ng mga ulap,
Kailan tayo sisilungan para maiwasan ang init ng araw?
Sana huwag na tayo magkamali,
Tayo'y huwag ng magkamali.

Sabay na lang nating langhapin, ang lamig ng hangin.
Habang umaasa na tayo'y uunahin,
Ng mga ulap, na naninirahan,
Sa kanilang alapaap.

Sana huwag  na tayo magkamali,
Tayo'y huwag ng magkamali.

Earth TodayWhere stories live. Discover now