Inang Kalikasan.

121 3 0
                                    


Hindi ko magawang imulat ang aking mga mata dahil sa naririnig kong sigawan. Kaya kahit labag sa aking loob na huwag silang pakinggan, tinakpan ko na lang ang aking mga tenga.

Naramdaman kong may humawak sa aking balikat, na parang sinasabi na ayos lang ang lahat. Pero para sa akin, hindi ito maayos.

Ngunit hindi ko ito masisisi, dahil ang mga sigaw na iyon ay purong pagdurusa at pagsisisi rin sa kanilang mga nagawa. Subalit may mga tao pa ring matitigas, dahil mura sila ng mura sa amin.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na imulat ang mga mata kong puno ng awa sa mga taong pinaparusahan ngayon. Sila ngayon ay nauulanan, may mga nakikidlatan, nalulunod sa tubig na puno ng basura at nahahampas ng malakas na hangin.

"Magbabago na kami Inang Kalikasan, basta ilagay niyo lang po kami sa inyong tabi kagaya nila. Parang awa niyo na po!"

"Wala naman po talaga kaming ginagawang masama sainyo! Ang mga taong na sa tabi mo ay mga sipsip lamang!"

sigaw nila sa amin.

Napatingin ako sa aking tabi, imbes na maawa ito ay mas pinalakas pa niya ang parusa ng mga naninira at mapang-abuso sakanya.

"Mga hangal! Ngayon pa kayo nagsisisi at ginawa niyo pang masama ang mga nag-aalaga sa akin? Mga mapagtanggap!" sagot nito sakanila.

Hindi sila nakasagot dahil ang mga ito'y sumisigaw na lamang ng sakit at pag mamakaawa.

Kung sana nung una pa lang pinahalagahan na nila ang Kalikasan, edi sana hindi na nangyari ito sa kanila.

--

PLAGIARISM is a CRIME.

Earth TodayWhere stories live. Discover now