Bulag sa Katotohanan

108 4 0
                                    

Bulag sa katotohanang,
Tayo'y isang lantang nabubuhay sa mundong ibabaw.
Sariwang hangin na mahirap ng langhapin,
Dahil sa unti-unting pagkasira ng ating magandang tanawin.

Muntik ko ng makalimutan,
Isang gabi ako'y nanaginip.
Ang mga tao raw ay nagugutom at nauuhaw,
Tila mga asong nababaliw at naliligaw, dahil sa init na rin ng panahong nakakatunaw.

Naks, aking panaginip ay advance mag-isip.
Alam agad ang mangyayari sa atin pagkatapos ng ating trip.
Alam mo ba ang binabanggit kong trip?
Yun ang pagsira sa ating mundong nanahimik.

Opps, ito pa.
Isang araw ako'y naglalakad sa kalsada.
May nakita akong nagtapon ng basura,
Gusto ko siyang sigawan na itapon ito sa maayos na paraan,
Pero ayun, ako'y naging bulag nanaman sa katotohanan.

Katotohanan na tayo'y walang disiplina,
Gusto ng pagbabago sa mundo pero nagpapakatanga.
Isa ka rin sakanila hindi ba?
Isa sa mga bulag sa katotohanang tayo'y isang mga hipokrito't hipokrita.

Pero inaamin kong ako'y hanggang tula na lang,
Dahil ako'y nawawalan na ng pag-asa na magbabago pa ang lahat ng nilalang.
Siguro dito nanaman magtatapos ang isang maikling tula,
Tula para sa mundong unti-unting nasisira.

--

PLAGIARISM is a CRIME.

Earth TodayWhere stories live. Discover now