Mars

41 2 0
                                    

Mars, nabalitaan mo na ba?
Lilipat ang mga boarders ko.
Ewan ko kung anong mali,
Siguro ang sirang bahay ko.

Mars, nabalitaan mo na ba?
Aalis ang mga boarders ko.
Siguro nandidiri na sila sa bahay ko.
Pero kasalanan ko ba ito?

Mars, nabalitaan mo na ba?
Nag-register kaya sila.
Siguro hindi na kaya ang kalupitan,
Nang aking kakambal na kalikasan.

Mars, alam mo ba?
Sayo raw lilipat ang mga boarders ko.
Deserve ko na raw na iwan,
Kasi sirang-sira na ako at walang pakinabang.

Mars, alam mo ba?
Bakit sa'kin nila isinisisi ang gulo,
Eh sila naman ang gumawa ng mga pakulo.
Pero bakit kailangan na iwan nila ako dito, eh hindi naman ako ang nagpasimuno nito.

Mars, alam mo ba?
May hinanakit ako sa mga boarders ko.
Bakit kailangan pa nilang lumipat,
Kung pwede naman nila akong ayusin at tulungan.

Mars, alam mo ba?
Bakit sa huli ako ang iiwan?
Bakit sa akin nila sinisisi na dugyot ang bahay ko?
Eh sila naman ang sumira nito.

Mars, may pakiusap ako.
Kung dumating man ang araw na lilipat sila sayo,
Pakialagaan sila gaya ng pag-aalaga ko.
Maghanda ka na lang,
Dahil may mga boarders akong naninira sa gandang yaman.

Mars, kung dumating man ang araw na iiwan na nila ako,
Pakisabi na ako ang una nilang Ina,
Na kahit sinira't iniwan nila ako,
Mahal ko ang mga anak ko.

Mars, ikaw na ang bahala.

Earth TodayМесто, где живут истории. Откройте их для себя