Cassandra.

80 3 0
                                    


Isang malamig na madaling-araw ang nang gising sa akin. At dahil ako pa rin ay inaantok, pilit kong itinutulog ang alerto kong isip na nakikiramdam sa paligid.

"Ano ba iyan..." bulong ko sa aking sarili.

Iminulat ko na lang ang aking mga mata at tinignan ko ang aking katabi na si Cassandra. Tinitigan ko ang mahimbing nitong pagtulog. Mapapa-sana all ka na lang.

Umiwas ako ng tingin at tinignan ang kalangitan, at unti-unti rin akong nakatulog. Pero wala pang tatlong minuto, may naramdaman akong pag galaw sa aking hinihigaan. Iminulat ko ang aking mga mata, at hinawakan ang kaliwang kamay ng aking katabi.

Ayan nanaman ang lindol. Akala ko tapos na, pero hindi pa pala. Malapit na talaga ang pagdating ng ating Diyos. Ito na ang mga senyales para mapalapit tayo sakanya.

Pero bakit ganito ang ating mundo, binabalewala natin ang mga nangyayari sa atin. Bagkus mas lalo tayong gumagawa ng masama.

Naririnig ko na ang sigawan ng aking mga kapit-bahay, sinisigaw na kailangan nila ng tulong. Imbes na bumangon ako, huwag na. Tutal, tapos na ang aking tungkulin sa mundo. Hinigpitan ko ang paghawak sa aking walang malay at patay na katawan.

Tumingin ulit ako sa aking katabi, na siyang aking katawan. Bakit kailangan ko pang mamatay sa lindol? Bakit kailangan ko pang mabagsakan ng pader? Bakit kailangan pa nating magsisi sa huli, dahil sa pagkasira ng mundo at paggawa ng kasamaan?

Ako si Cassandra, namatay dahil sa lindol at dahil na rin sa pagbabalewala sa mga nangyayari ngayon dito sa mundo.

--

PLAGIARISM is a CRIME.

Earth TodayKde žijí příběhy. Začni objevovat