Iskwater

43 1 0
                                    

"Nabalitaan mo na ba?"

"Oo, nakakadiri sila."

Kinagat ko ang labi ko at pilit na hinahayaan ang mga taong nag-uusap sa aking tabi. Ang tagal ni Ate Lolit.

"Oh, ano nanaman? Uutang nanaman kayo?" bungad sa akin ni Ate. Narinig ko ang hagikhikan ng mga chismosang kapitbahay namin.

Huminga ako ng malalim at kinapa ang perang nasa bulsa ko. Ngumiti ako kay Ate Lolit, ang may ari ng tindahan dito saamin.

"Hindi po, magbabayad lang po sana ng utang." sabi ko rito.

Agad ngumisi ang Ate saakin at lumapit sa bintana.

"Aba mabuti! Magdadalawang buwan na ata itong mga utang niyo." atake nito.

May kinuha siyang notebook sa gilid at sinimulang buksan ito, hinahanap ang utang namin.

"Oh, 340 lahat ng utang niyo. Puro mga de-lata. Buti hindi na kayo nagmukhang sardinas?" sabi nito sa akin na agad tumawa ang mga taong nakarinig noon.

Agad akong namula. Ganito lagi, ganito ang nangyayari sa amin ni Nanay. Lagi kaming inaapi, lagi kaming minamaliit, lagi kaming inaapak-apakan, at lagi kaming sinasabin na marumi.

"May pambayad yan ngayon Lolit, may nabingwit ata yung nanay niya na matandang Amerikano, kaya may pera yang mga iyan." sabi nung lalaki na nakatambay ngayon dito sa tindahan.

Hindi ko na lang pinansin at pinatulan. Agad kong ibinigay kay Ate Lolit ang limang daan.

"Aba may pa-five hundred." nang-iinsultong sabi ni Ate Lolit.

Kinagat ko na lang ang labi ko. Agad naman ako sinuklian ng tindera. Nagpasalamat na lang ako at agad na umalis. Ngunit puno pa rin ng panghuhusga ang aking naririnig sa aking tenga.

"Nanay niyan madumi eh. Kung saan-saan pumapatol para lang magkapera."

Iyan ang pumatay sa puso ko. Agad akong napatigil sa paglalakad at nilingon ang boses ni Auntie Huliet, pinsan ni Mama.

"Oh tinitignan mo diyan? Lumayas ka!" sigaw nito sa akin. Nagsitawanan naman ang mga kumare nito. Lahat sila nakatambay sa labas ng bahay ni Auntie Huliet.

"Auntie, mapalad po kayo kasi nasa abroad si Uncle Drew." agad tumulo ang luha ko.

"Mapalad po kayong lahat dahil nakakakain kayo ng tatlong beses sa isang araw. Pero kami ni Nanay, isang latang sardinas hanggang gabi nanamin iyon." pinigilan ko na ang sarili ko na huwag na magsalita, ngunit hindi ko na kaya ang panlalait niya kay Nanay.

Hindi ba niya naisip na kamag-anak siya? Na pinsan niya mismo sinisiraan niya? Na bakit ganito ang mundo? Na kung sino pa ang kadugo mo, siya pa ang sisira sayo?

"Aba wala akong pakealam, hindi ba nakabingwit iyang Nanay mo ng matandang Amerikano? Kaya nagbayad ka na ng utang mo kina Lolit? Malandi talaga iyang Nanay mo eh." parang isang bala ang tumama sa dibdib ko sa sinabi ni Auntie Huliet. Si Nanay? Malandi?

Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko.

"Auntie, hindi malandi si Nanay! Iyang sinasabi niyong matandang Amerikano, amo niya iyon, kasambahay siya ngayon doon at may asawa ang lalaki. Hindi na po nagtratrabaho sa bar si Nanay, at kung nagtratrabaho man siya dun hindi niya ibinebenta ang sarili niya. Waitress lang si Nanay noon, hindi gaya ng iniisip niyo na nagbebenta ng laman! Mas mabuti pa nga po yung ibang tao tinutulungan kami pero kayo, kayong kamag-anak namin, sinisiraan niyo kami!" sigaw ko rito.

Agad umiba ang timpla ng mukha ni Auntie. Nagulat ako ng bigla itong lumapit sa akin at sinampal ako sa kanang pisngi. Naramdaman ko ang hapdi at sakit nito. Pero wala ng mas sasakit pa ata sa panglalait nila kay Nanay. Naririnig ko na rin ang bulungan ng mga tao sa piligid namin.

"Wala kang kwenta! Mga iskwater! Nakakadiri kayo!" banat nito sa akin.

Iskwater? Kami pa ang iskwater?

Tinignan ko na lang si Auntie at ngumiti ng mapait. Agad akong umalis sa harapan niya habang umiiyak.

Kahit anong gawin ko, kahit isampal ko rin sakanilang lahat ang katotohanan, pilit pa rin nilang pinipikit ang mga mata nila. Kung ano ang narinig nila at hindi alam ang buong istorya, nanghuhusga pa rin sila.

Anong magagawa ko sa mga taong sarado ang isipan? Anong magagawa ko sa mga taong pinapaniwalaan ang mga kasinungalingan? Nagsasayang lang ako ng laway.

Nakarating na ako sa munti naming bahay kaya pinunasan kong mabuti ang aking mukha. Huminga ako ng malalim at pumasok sa loob.

"Nay, nakabayad na po ako." bungad ko kay Nanay na nasa kusina.

Kahit nasa 30's na si Nanay, maganda pa rin ito. Ewan ko lang kung bakit pa naghanap ng iba si Tatay eh.

"Oh bakit ka namumula, Heri? Huwag mong sabihin na inaway ka nanaman ng mga kapit-bahay natin? Ayos ka lang, anak?" malumanay na tanong ni Nanay.

Ngumiti ako kay Nanay at agad lumapit sakanya. Yinakap ko ito ng mahigpit. Kahit anong mangyari, siya pa rin talaga ang nagpapaginhawa sa akin. Kahit anong sabihin ng ibang tao, mahal ko pa rin si Nanay.

"Hindi po, Nay. Tsaka, ayos lang po ako."

Earth TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon