CHAPTER 3

1.9K 44 1
                                    

Naka-isang buwan na rin sa kakahanap ng bagong trabaho si Eloida pero wala pa ring tumatanggap sa kanya. Pinapahinga siya pero alam niyang wala na siyang babalikang trabaho sa simbahan. Gusto nga sana niyang magbakasyon muna pero galit sa kanya ang ina. Siguradong makikita lang siya nito palagi kapag doon siya sa bahay tumigil. Masakit pa naman 'yon kung magsalita. Nag-deactivate nga siya ng facebook para hindi pa makatanggap ng mga masasamang salita mula sa kapatid.

Pagkauwi niya sa bahay ay may nakaparke na itim na kotse sa labas ng bahay. Pumasok siya at may nakahintay sa kanya na lalaki na naka-leather jacket at may bitbit na Rayban. Bigotelyo pa.

"Ikaw ba si Eloida Magsikong?"

"Opo!

"Ako si Diko Manalastas. Gusto ko lang tanungin kung ano ang parte mo sa kumakalat na sex video ni Sir Waldo Zachary."

"Sinong Waldo Zachary?" tanong niya.

"Ang biniktima niyo."

"Ang nabiktima? Ako kako ang biniktima!"

"Gumagawa kami ng imbestigasyon ngayon kung sino ang may pakana nang paglaganap ng sex video. Siguraduhin niyo lang na wala kayong alam dahil makakalaboso kayo."

At nagpaalam na rin ang lalaki.

Mabilis naman niyang hinilam ang laptop ng pamangkin at ni-search ang pangalang Waldo Zachary. Wala itong Linkedin at facebook, pero sa isang picture ng forum tungkol sa mga precious metals ay may mga pictures doon ng mga namumuhunan. Ang pinakamatangkad na lalaki ay kamukha ng lalaking kaniig niya sa sex video. May limang link pa siya na merong pangalan ang lalaki. Isa raw ito sa mga major investors ng mga malalaking gusali dyan sa BGC. Ang iba naman ay nakasulat na sa ibang lengwahe, parang French.

Naghanap pa siya ng litrato at meron pa nga itong picture na kasama si Tony Blair at meron ding kasama nitong ang crush niyang si David Beckham. Yayamanin!

Pero teka! Paano naman sila nito nagkasama sa isang sex video? Ni minsan ay hindi niya nakita itong lalaki sa personal. Kailangan niya itong kausapin para malaman ang katotohanan.

Naghanap siya ng address. Wala! Pero hula niya ay naka-opisina ang lalaki sa isa sa mga gusali kung saan may shares ito. Una niyang pupuntahan ang the The Leaf Peak.

Kinaumagahan, alas-otso pa lang ay nasa BGC na siya. Nagpapasukan pa lang ang mga empleyado kaya napagpasyahan niyang tumambay muna sa Seven Eleven. Habang nasa Seven Eleven at kumakain ng biniling cheesedesal ay nakatanga siya sa napakatayog na makabagong gusali sa harap. Gawa ito sa salaming at bakal at parang nakahulmang monopod. Pakiramdam nga niya ay isa lang siyang gagamba na nakatanga sa isang dambuhalang obelisk. Napapaisip nga siya kung saan niya diyan makikita si Waldo Zachary.

Hinintay niya ang quarter to ten bago pumasok sa entrance ng gusali. Dumiretso siya sa list of offices na nakadikit sa dingding malapit sa elevator. Hinanap niya ang pangalang Zachary. Wala. Hinanap niya rin ang salitang metal. Wala rin. Tanungin na lang niya kaya sa concierge at malay niya ituro sa kanya.

Lumapit siya sa concierge kung saan may isang magandang babae na nakatayo. Mabait naman ang itsura nito.

"Miss, saan ba ang opisina ni Waldo Zachary?" tanong niya.

Napalaki ang mata ng babae pagkakita sa kanya. Siguro nakita nito ang sex video at namukhaan siya. Maya-maya ay may tinawag ito sa mga taong dumadaan. "Ma'am Lei-lei, sandali!"

Lumapit sa kanila ang may edad na babae. Nang nakita siya ay lumaki din ang mata nito. Baka namukhaan din siya.

"Yes, ma'am?" tanong ni Ma'am Lei-lei.

"Hinanap ko po si Mr. Waldo Zachary. Wala po akong appointment dahil hindi ko kasi alam kung saan ako makakakuha. Gusto ko sana siyang makausap tungkol sa isang personal na bagay."

"You wait here. Kakusapin ko muna siya kung gusto ka niyang makausap," sagot ni Ma'am Lei-lei.

Napatayo naman siya sa sulok at tumingin-tingin sa mga dumadaan. Mabuti nga pala at nagbihis din siya para hindi naman siya mukhang taga-bundok. Mga fifteen minutes siyang naghihintay bago siya nilapitan uli ni Ma'am Lei-lei.

"Miss, follow me," sabi ng sekretarya.

Bumuntot naman siya papuntang elevator at umakyat sila sa penthouse. Dumiretso sila pagkatapos sa isang pintuan papasok sa isang makabagong opisina sa kulay na bughaw at puti, at glass na lahat. Napakaganda pa ng receptionist.

Dumaan sila sa glass hallway na kitang-kita sa loob ang mga puting cubicle ang mga manggagawa na abala sa ginagawa ng mga ito. Huminto sila sa isang pintuan. May isang opisina pa doon at waiting area bago tuluyan siyang nakapasok sa opisina ni Waldo Zachary.

Napadiretso ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa gilid ng mesa at abala sa kakatingin sa laptop. Grainy din kasi ang sex video kaya iba ang dating ng lalaki sa video at iba rin sa personal. Sa personal pala ay mas tisuyin ito at ang lakas ng personalidad, iyong kagalang-galang. Nang nakita siya ay huminto sa kakapatik ng laptop.

"Have a seat," sabi nito sa makalkulang boses.

Umupo naman siya sa upuan na nasa harap ng mesa nito.

Napatitig ang lalaki bago nagsalita sa sarkastikong boses. "So what brought you here? Are you going to blackmail me or extort some money?"

Ang gusto nga niya sana ay makipag-usap ng maayos pero ganitong pang-iinsulto na agad ang bungad ay hindi niya rin maiwasan ang ma-high blood agad. Hindi nga siya agad nakasalita pero nang nabawi sa pagkabigla ay hindi na niya napigilan ang bunganga. "Ako pa ang pinagsabihan niyo niyan, sir, na ako nga rito ang biktima. Mabuti ka nga pagkatapos ng sex video ay may trabaho ka pa. Ako sinisante ako roon sa simbahan!"

Hindi nagsalita ang lalaki. Tumitig lang ng masakit.

"Sino po ba ang gumawa noon? Sabihin niyo po sa akin dahil idedemanda ko siya!"

"If you can act well on that video, then maybe you're an actress and can act well here!"

Ano raw? English eh. Nakapag-aral naman siya ng Secretarial at nakakaintindi ng English pero ang diction ng lalaki.... pamatay! British ba 'yon? Hindi niya na-gets ang sinabi pero ang itsura kasi ng lalaki habang nakatingin sa kanya ay parang siya ang tinuturo nitong may gawa ng video.

"Hindi po ako ang babaeng 'yon, sir. Kung tutuusin nga ay mas kamukha niyo ang lalakeng 'yon!"

"Ofcourse not!" Naeskandalo ang lalaki sa sinabi niya. "It ain't me. Look at your mole! Very close to that girl."

Nainis na siya na pinipilit ng lalaki na siya ang babae, gayong hindi nga siya 'yon. "Bakit ako lang ba ang may mole? Tingnan niyo po yang kapal ng kilay niyo! Saktong-sakto doon sa lalaki! Yong nguso niyo pa!"

Ang mukha ng lalaki ay dumilim. Lalong kumapal ang kilay at sa mapanganib na boses ay nagbabala. "Just make sure that you have no part on it because I'll hell bring you to jail."

Kinabahan din siya sa galit ng lalaki, pero baka kaya-kayanin lang siya kapag magpakita siyang mahina at natatakot, lalo na at sa lugar ng lalaki. Ginawa niyang bato ang mukha at sa matapang na boses ay nagbabala rin. "Siguraduhin niyo rin pong hindi kayo ang nagpagawa noon dahil kahit wala akong perang pangpakalaboso sa inyo ay may kakilala naman akong mangbabarang!"

"Really?" ang tanong ng lalaki. Tumingin ito pagkatapos sa pintuan. "Marami pa akong gagawin so if you may..."

Pinapalabas na ba siya? Tumayo na lang siya, tumango sa lalaki at dumiretso sa pintuan. Nagpasalamat siya kay Ma'am Lei-lei at dumiretso siya sa elevator. Nang nakalabas nga ng gusali ay nakaramdam siya ng awa sa sarili. Paano kaya siya napasama sa sex video na 'yon? Ang alam niya ay wala naman siyang inapakang tao para may gagawa sa kanya ng masama.

"May awa ang diyos, Eloida," sabi niya sa sarili. "May karma ang mundo!"

INDISCREET (to be published by Bookware Publishing Inc.)Where stories live. Discover now