CHAPTER 16

1.2K 37 0
                                    


Nasa restaurant sa Oslo, Norway si Waldo at naghihintay sa kanyang ka-appointment ngayong hapon. Kinse minuto na siyang nandoon nang tumawag na mali-late ng mga isang oras dahil may nadaanang aksidente at ihahatid muna raw sa hospital ang tao.

Napasipsip na lang siya ng chocolate latee sa ilalim ng umbrella shade at napabukas ng cellphone. Dumiretso siya sa facebook. May ni-tsika si Arami sa kanya na drama tungkol sa kaibigan nilang si Elli. On the process of divorce daw ito at ang asawang Italyana kaya nagbabatuhan ng masasamang salita sa facebook.

Nagtype siya ng El sa search nang lumabas na naman ang Eloida Magsikop. Imbes na account ni Ellie ay kay Eloida na naman ang tiningnan niya. Mabilis kasi ang internet sa Norway kaya pagbukas ng account ng babae ay parang sa kidlat din siyang nahulog mula sa upuan. Sa pinakataas ng timeline ng babae ay may naka-tag na picture na naka-saleslady uniform ito at malaki ang tiyan.

Pero baka sa damit lang na suot. Iyon nga lang, payat si Eloida kaya impossibleng lalaki ng ganyan ang tiyan niyan. At hindi pa naman siya nakasuot ng proteksiyon ng gabing 'yon.

Hindi kasi pangalan niya ang nakalagay sa facebook account niya niyang Madbiker0001. Hindi rin niya picture. Ni-try niyang kausapin kaya pinadalhan niya ng message.

"Hi. Waldo here. How are you?"

Hindi na nga umabot ng limang minuto at may sumagot.

"Demonyo! Hayop!"

Ano pa ba ang aasahan niya? Binasa niya lang ang message at hindi sinagot. Mukhang may sinusulat ang babae dahil Eloida Magsikop is writing a message.

"SUPOT!"

Grabe naman ang isang 'to. Supot siya dahil hindi naman kasi nagpapatuli ang mga Europeans. May sinusulat pa ang babae.

"Wala akong pakialam kung hindi mo kami paninindigan. Mas mabuti ngang lumaki ang anak ko na malayo sa 'yo para hindi mahawaan ng ugali mo. ADIOS!"

Doon siya nag-response.

"Sino nagsabi sa 'yo na hindi kita paninindigan? Grabe naman ang isang 'to. Bata na ang pinag-uusapan dito at anak niya pa. Hindi naman niya hahayaan 'yan basta-basta.

"Talaga! Pinaalis mo nga kami doon sa gusali mo na parang aso eh!"

"What are you talking about?"

"Pinuntahan kita doon para kausapin ka, pero pinaalis lang ako ng dalawang bruhang babae tapos ng mga gwardiya! Sabi nilang sabi mo na huwag akong papasukin!"

"Yeah! I told them that but it was before I went to Mt. Batung! I did not give any new instructions!"

Hindi nakasagot ang babae.

"So how are you and how is the child?"

Walang sagot.

"Hoy, sagutin mo ako dahil akin 'yan!"

Nabuwisit siya. Nag-iinarte pa eh! Tinawagan niya ang concierge sa Leaf Park para bungangaan.

"Sabi niyo po kasi sir na hindi papasukin," sabi sa kabilang linya.

"But that was before! You should have asked me first before doing anything! Sitantehin ko kaya kayong lahat diyan!"

Hindi nakasagot. Binaba niya dahil naiinis siya. Kung hindi pala siya nakabukas ng facebook ay hindi niya pa natuklasan. Paano bubuhayin ni Eloida ang anak niya? Ang hirap pa naman ng trabaho ng mga sales lady na 'yan. Kayod-kalabaw ang trabaho diyan kaya kawawa naman ang mag-ina niya. Tiningnan nga niya uli ang picture ng babae. Sobrang payat na ewan. Kinabahan naman siya.

Tinawagan niya ang babae sa facebook. Ayaw sagutin. Hindi niya tinantanan pero ayaw talagang sagutin. Kinansela na lang niya ang appointment nila para maka-focus siya sa isang 'to. Naisip nga niyang mukhang disenteng babae naman si Eloida at kung tutuusin ay attracted naman siya rito kaya panindigan na lang niya. May edad na rin siya at oras na ring magkapamilya. Nandiyan na rin kasi 'yan kaya ang babae nga siguro talaga ang "the one."

Tinawagan niya ang abogado sa Maynila para puntahan si Eloida at ayusin ang mga papeles nito. Papupuntahin na lang niya rito sa London para malapit at masubaybayan niya. Tinawagan niya rin ang sekretarya para pumunta ng Hospital para magtanong kung puwedeng magbiyahe ang buntis. Kailangan niya rin sigurong bumili ng family home dahil pang-bachelor kasi ang pad niya, parang hindi angkop sa buntis at sa magiging sanggol. Tapusin na niya lahat ng mga kailangan niyang tapusin dito sa Norway at bumalik ng London para makahanap ng bahay.

INDISCREET (to be published by Bookware Publishing Inc.)Where stories live. Discover now