CHAPTER 15

1.3K 33 0
                                    


Pagmulat ni Loida ng mata ay nakita niya si Mr. Zachary na nakaupo at nakabihis. Hawak nito ang cellphone.

"Okay, thank you, captain," sabi ng lalaki sa cellphone. Ilang thank you pa bago nito binaba ang telepono. Tiningnan siya nito pagkatapos. "I'm leaving. The helicopter will be here in a minute."

Ano raw? Leaving? Napabangon naman siya at dumiretso sa kubeta para maligo. Nang nakabihis ay tumulong siya sa pagluto ng kamote. Nakita nga niyang naligo si Waldo. Nang nakabihis ay ay nagbigay ng mga instructions sa mga engineers at kay Boy. Dala ang back pack ay tinahak na nito ang daan. Nakahabol pa si Blonde dahil mukhang may ilan pang galit na sinabi kay Zachary. Walang imik ang lalaki.

Lumapit sa kanya si Boy. "Sabi ni Sir ay iaatras daw nito ang kaso sa pamangkin niyo at salamat raw." At bumalik na si Boy sa tent nito para raw mag-ayos dahil bababa ito sa bayan para pumunta sa police station at maisumbong daw ang Pranses sa pagti-tresspassing..

Maya-maya ay may narinig siyang tunog ng helicopter na bumababa. At pagkatapos ng ilang minuto ay nakita na niya ito sa himpapawid na lumayo. Luwa mata nga siyang napatingin sa langit. Pagkatapos ng isang gabi ay ganoon lang, itsapuwera lang, goodbye bundok? Para sa ibang tao pala ay ganoon lang iyon kasimpleng bagay habang siya naman ay inalagaan niya para lang sa kanyang pinakamamahal.

Okay, hindi naman niya masasabing pinakamamahal ang negosyante. Siguro nga libog din ang kanya, pero magpapasalamat naman siya ng malaki kung pananagutan siya nito. Aba, kung 'yon ang asawa niya ay suwerte siya dahil magiging donya ang beauty niya. Pero, iyon nga. Huwag dapat siyang mangarap ng gising dahil siguradong pangkamot lang siya ng libog no'n. Asa pa!

Pagbalik nga ni Blonde ay nakakamatay na tingin ang binigay nito sa kanya. Kumain na agad siya ng kamote. Nagbaon ng apat sa bag at kinulit na si Boy na baba na sila ng bundok. Mabuti naman at pumayag ang kakilala.

Dalawang araw nilang binaybay ang mga bundok at parang kalansay nga siyang naglalakad dahil ang utak niya ay lumilipad. Nalulungkot siya, pero iyon nga at naisip din niyang kahit papaano ay may napuntahan din itong lakad niya. Hindi na raw sila idedemanda. Malaking tinik na 'yon na nabura.

At sabagay sa panahon ngayon ay hindi na importante kung virgin o hindi. At isa pa, sa nangyaring sex video ay tingin niyang wala na ring papatol sa kanyang matinong lalaki. Tanggap na rin niyang tatanda siyang dalaga. May mga pamangkin naman siya kaya siguro naman ay makakasama naman siya sa buhay. O kung papalarin na makahanap uli ng trabaho ay aampon na lang rin siya ng bata para naman kahit papaano ay may makakasama siya.

Pagdating niya sa bayan ay nag-PM siya sa ate niya para humingi ng pambili ng ticket pabalik ng Maynila. Mabilis naman itong nagbigay ng pera dahil natuwa sa balitang hindi na kakasuhan ang anak. Nang sumunod na araw ay bumalik agad siya ng Maynila.

Hindi na nga siya nagsayang ng oras. Naghanap siya ng trabaho at mabuti naman at may nakita siyang trabaho bilang kahera sa isang maliit na shopping center isang sakay lang ng jeep mula sa kanila. Dito na lang muna siya habang wala pang makitang trabaho. Anim na buwan naman ang kontrata niya.

Mga ikalawang buwan yata nang may napansin siyang nakakaiba. Hindi siya nadatnan ng regla. Irregular naman kasi ang menstruation niya kaya hindi na niya pinansin. Nang mahilo-hilo siya tuwing umaga at nagsimulang tumakbo sa lababo ay iyon siya kinabahan na baka may nabuong silver sa tiyan niya. Bumili siya ng pregnancy kit sa botika at halos mangisay nang nakitang may nabuo. Grabe namang semilya 'yon! Dalawang beses pa nga lang nangyari ay may tao na agad sa sinapupunan niya. Paano niya bubuhayin 'to? Baka mamaya ay hindi pa ito aakuin ni Waldo Zachary. Baka kung anu-ano na naman ang ibibintang no'n.

Napaupo talaga siya sa higaan niya para makapag-isip-isip. Siguro sa ngayon ay pinakamaigi niyang gawin ay kausapin ang lalaki. Aba! Hindi lang naman siya ang nasarapan sa nangyari ha! Pareho naman silang napapaungol no'n kaya bakit siya lang ang magdadala nito? Isa pa, hindi naman siya ang nanglandi eh. Ang lalaki ang nanglandi.

Naalala niyang may numero siya kay Boy. Baka napabalik si Mr Zachary sa bundok. Tinawagan niya ang kakilala.

"Nag-kansela siya ng kontrata, Loida, dahil may hindi raw siya nagustuhan sa lugar. May bagong negosyanteng papalit, kaibigan din yata ni Mr. Zachary. Hudyo raw eh at sobrang yaman."

Nagpasalamat naman siya sa nasagap na impormasyon.

Nagpasya nga siyang mas maiging bisitahin ang lalaki sa Leaf Peak. Umaga ng biyernes ay pumunta siya sa gusali at nagtanong siya sa concierge kung nandiyan ang negosyante.

"Ilang beses na kayo pinagsabihan di ba na ayaw kayong kausapin ni Sir Zachary?" inis na sabi ng concierge.

"Guard!!" tawag ng isang kasama nito. "Hindi ba sabi ni Mr. Zachary ay huwag niyong papasukin 'to, bakit nakalusot na naman ang isang 'to. Hindi niyo yata ginagawa ang trabaho niyo!"

"Ayy, sorry po, ma'am!" sabi ng mga gwardiya. Inalalayan nga siya ng isa para makalabas ng Leaf Peak.

Nasaktan naman siya sa nangyari. Para siyang asong pinagtabuyan. Pumunta na lang siyang Mc Donalds para kainan ng sundae ang nararamdamang hapdi sa balikat. Paano na ngayon ang baby niya? Paano niya 'to bubuhayin?

Pero sa kabilang banda ay na-i-excite din naman siya. May itsura kaya ang Zachary na 'yon kaya siguradong maganda o gwapo itong magiging anak niya. Sana naman babae para may barbie doll siya. Pag-iigihan na lang niya ang trabaho para may pangbuhay. Malay niya at dito pala ang suwerte niya sa huli. Sigurong matalino rin 'to tulad ng ama.

At hindi nga pala talaga madali ang mabuntis, dahil pagpunta niya sa OBgyne ay natuklasang kambal ang nasa sinapupunan niya. Hindi rin siya nagulat dahil may kambal ang ate niya kaso namatay. Nang nagdatingan na ang mga gastusin tulad ng mga gamot, check ups, gamit ng baby ay doon na siya nahirapan. Idagdag pa diyan ang mga masasamang balita galing sa tsismosa.

Minsan ay tumulong siya sa pagtinda sa ina niya sa palengke ay narinig niya ang nagtutumpukang mga tindera na siyang ang pinag-uusapan. Pokpok nga ang tawag sa kanya dahil nabuntis na walang asawa at dahil sa sex video. Kliyente raw niya sa pamokpok ang ama ng bata. Hindi naman siya madramang tao pero napaiyak siya nang nakauwi sa bahay. Siguro dahil buntis siya kaya sensitive. Pati nga mga kapitbahay nila ay masama rin ang mga tsismis tungkol sa kanya. Nadi-depress siya kaya wala siyang ginawa kundi ang kumain nang kumain, pero kahit anong kain nga ay nangangayat siya. Sabi ng nanay niya ay ganyan din daw ang itsura nito noong buntis.

Minsan nga ay sumakit ang tiyan niya, sobrang sakit na dinala siya ng ina at mga pamangkin sa hospital. Nanatili siya roon ng dalawang araw at ang bill niya ay halos umabot ng dalawampung libo. Tinulungan naman siya ng ate niya sa babayarin. Ayon nga lang may kasamang masasamang salita pa dahil dapat hindi siya nagpabuntis na walang pera. Paano na lang daw kung ma-caesarian siya, saan siya kukuha ng pangbayad?

Nadi-depress nga siya habang iniisip ang kanyang panganganak. Mabuti nga lang pagkalabas niya sa hospital ay hindi na siya uli nakaranas ng sakit ng tiyan at naging okay na palagi ang kalagayan niya. Iniwasan na niyang ma-stress dahil sa tsismis dahil baka sa sobrang pag-iisip niya ay baka doon pa siya mapano. Kahit nga maglaway pa ang mga kapitbahay niya ay rumampa-rampa siya sa harap ng bahay nila at nagsi-stretch para naman ma-exercise. Kailangan niyang maging malusog dahil patay siya kapag ma-cesarian. Wala siyang pangbayad.

INDISCREET (to be published by Bookware Publishing Inc.)Место, где живут истории. Откройте их для себя