CHAPTER 19

1.1K 27 0
                                    

Abala sa kaka-check ng mga pictures ng mga models niya si Anais nang nag-beep ang messenger niya. Si El, isang alaga niya na nakapag-asawa ng Earl at kontak niya sa London social scene. May pinadala itong pics at may caption.

"Zachary to be married, baby in tow."

Parang sinabuyan ng semento ang mukha niya. Ang Filipina buntis at nakakabit sa siko ng nakangiting si Zachary. Halos maaagnas ang mukha niya sa inis.

Sa lahat ng tao at bakit ang dalawa pa ang nagkatuluyan? Hindi siya makapaniwala na ito ang pinalit sa kanya ni Zachary. Lumpo-lumpoin din naman ang Filipina. Sa kaunting panahon na nakasama niya ito sa kampo ay wala siyang naalalang exemplary rito. Hindi outstanding ang personality. Sakto lang gawing alalay ay utusan ni Waldo.

Tinanong niya kay El kung kaninong kasal 'to para ma-search niya sa net. Kinabukasan pa nakasagot ang dating alaga. Sa Duke of Sackraw daw.

Ni-search niya sa net at naglabasan na ang mga wedding pics sa mga society portal. May dalawang pics doon ang magpares. Binasa niya any caption. "The silver industrialist and his fashionable Asian fiance dressed in...... ."

Mas lalo siyang nainis. Dapat makaisip siya ng paraan na makaganti sa dalawa. At mukhang alam niya kung ano ang gagawin.

Ni-buzz niya lahat ng alaga niya past at present sa London. Mga beinte-tres sila dyan. Binigyan niya ang mga ito ng instructions.

"Kindly tell everyone that the Filipina is one of my girls in Asia and she bedded a hundred."

Nagresponse ang isa niyang alaga na kinakasama ngayon ng isang politiko.

"I thought you have no business in that part of Asia. We ordered one once for a friend, right? You said none."

Mabilis niyang sinagot. "I only get exemplary, ultra beautiful girls, stupid wench! That Filipina doesn't has those characteristics. I just want to get even and what's worse than a girl with a tattered reputation?"

Mabuti naman at wala nang nagtanong pa o nagreklamo. Siguradong gagawin 'yan ng mga alaga niya dahil kung wala siya ay wala ring narating ang mga 'yan.

INDISCREET (to be published by Bookware Publishing Inc.)Where stories live. Discover now